Prologue

6K 88 1
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.




_______

"When are you planning to tell her?"

"Tell her what?"

"Tell her about your plan for the child"

Kusang tumigil ang mga paa ko ng marinig ito. There's only one thing that come across my mind. There's something about it that caught my attention. Child? Are they talking about someone else's child orㅡmy child.

With that thought I feel a sudden twitch in my heart. Sino pa bang pag-uusapan nila? Hindi ako puwedeng magkamali. Siguradong ako ang tinutukoy nila. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng pintig ng puso ko.

Gusto kong umalis dahil pakiramdam ko'y hindi ko magugustuhan ang susunod nilang sasabihin pero hindi ko na magawa. My feet are glued on the floor and curiosity is controlling my senses. May nagsasabi sa 'kin na kailangan ko pang marinig ang susunod nilang sasabihin.

"I don't have any plan of telling her"

"Seriously? Susurpresahin mo nalang siya? Mas maaga palang ay sabihin mo na sa kanya ang plano mo"

I heard a sharp exhale coming from him.  Kinakabahan na ako dito dahil patagal ng patagal ay may namumuong conclusions sa isipan ko. Could it be something about my unborn child? Ano namang plano ang gagawin nila? Tahimik akong napahugot ng malalim na hininga.

"Sasabihin na?"

"Come on, Zero. Ano pa ba? Syempre, sabihin mo sa kaniya na kukunin mo ang bata pagkapanganak niya. That's better instead of taking the child away from her without her permission. You need to settle down an agreement that will avoid unnecessary issues with both parties. You knew about how the law works. Right?"

"I know but it doesn't matter. I'm sure she'll accept the money more than that child"

Napaawang ang labi ko dahil sa narinig.
D-Did I heard it right? Is he planning to take away my child in an exchange for the money?

Napakuyom ang kamao ko habang ang mga luha ko ay unti-unting kumawala sa mga mata ko.  Sunod-sunod na silang nagsipatakan at kahit punasan ko ay hindi na ito tumigil pa. Pinilit kong huwag gumawa ng ingay habang paalis ako sa pinagtataguan ko. I can't bear to hear the next word that he'll say. Pakiramdam ko ay sinasakal ako nito.

I use the wall to support myself. Itinukod ko ang kanang kamay ko sa dingding ng bahay para hindi matumba. Nanghihina ang katawan ko at parang gusto ko na lang bumagsak.

"At pagkatapos mong makuha ang bata anong gagawin mo?"

Even I was a meter away from them, I could still hear Eparaim's voice echoed through the whole corridor. There's a silence that surrounds them.
Ipiniling ko ang ulo ko. Ayokong marinig. Hangga't wala pa siyang sagot ay kailangan ko ng umalis. Nagmadali akong naglakad kahit magkandadapa-dapa na ako dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.

After a few moments, I heard an answer coming from him that breaks my heart. Kahit nasa dalawang metro naang layo ko mula sa kanila ay napakalinaw pa rin ng sinabi niya sa pandinig ko.

"I'll settle everything with Heiress"

Mas lalong nadurog ang puso ko ng marinig ito. I'll settle everything with Heiress. My tears are keep flowing from my eyes, nonstop. I covered my mouth with my both hands to avoid unnecessary noise. Those words is like a bomb that explode with my both ears. I couldn't hear anythingㅡeven my heartbeats and my breath is couldn't be heard. Those words clogged my ears.

Ang tanga ko. Ang tanga ko na naniwala sa mga sinabi niya sakin. Akala ko mamahalin niya rin ako ngayong magkakaanak na kami pero si Heiress parin pala hanggang ngayon. Siya parin! All this time, he lied to me. He lied to me and what's worst is he hurt me to the point that I couldn't bear it.

Tumakbo ako palabas ng Mansion. Isa lang ang nasa isip ko ngayon. I need to get out of hereㅡI need to grt out of this place. I need to stay away from him. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko lang ay makalayo dito. Makalayo sa kanya.

Aalis ako dito at sisiguraduhin kong hindi na niya ako makikita at ang anak namin kahit kailan! Hindi ako papayag na mawala sakin lahat. I can't bear to lose another precious thing that I have. Pinagkait na niya sa 'kin ang pagmamahal niya at ayokong pati ang pagiging ina ay ipagkait niya rin sakin.

_______

Author's Note:

Una sa lahat po. Thank you so much for reading my first finished novel which is entitled,"Unexpectedly Yours". Sana suportahan niyo rin ito. Anyone who's confused about the prologue of this story, I purposely change it a little bit but it doesn't change the flow of the story.

_____

Hiding The Billionaire's Son (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon