Chapter 61

1.2K 30 0
                                    

Zaera's Point of View

I woke up the next morning feeling tired and nauseous. I feel like I do a lot of physical activities even though I slept early last night. Minulat ko ang mga mata ko saka hinanap ng mata ko si Zerron. Nagtaka ako ng wala ito sa tabi ko pati si Zian.

I glance at the wall clock. It's already 9:15 am in the morning. Maybe they're downstairs already. Masyado yata akong late nagising. Napahikab ako saka umupo sa kama. Napatakip ako sa bibig ko ng maramdaman kong maduduwal ako. Mabilis akong umalis sa kama at tumakbo papunta sa loob ng banyo. Dumeretso ako sa sink at mabilis na sumuka.

Napapikit ako ng mariin at kumuha ng suporta sa sink. Parang lalabas ang bituka ko. I really hate this! Matapos akong sumuka ay nagmumog ako saka napahawak sa sikmura ko.

I knew that this is just normal for a pregnant woman but I'm not really used to it. Kay Zian kasi wala akong masyadong nararanasan na morning sickness.

Naalala ko pa ang reaksiyon ni Zerron kahapon na pang world class. After niya kasing malaman na buntis talaga ako ay halos ipangalandakan niya sa buong universe ang magandang balita. He even tell all the nurses and the doctors at the hospital that I'm pregnant for our second baby. Ako na lang ang nahihiya dahil sa pinaggagawa niya.

But I'm happy and proud too.

He even called each one of his friends about the good news. All his family knew about this already even my parents. Kaya simula pa kahapon hanggang kagabi ay hindi na ako tinatantanan ng mga text messages and calls coming from them. Pati rin telepono ay hindi nila pinalampas.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa pangungulit nila.

Another journey for me as a Mom. Siguro, ito na ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Masaya ako dahil kasama ko silang lahat ngayon sa blessings ulit na dumating sa buhay ko.

Naglakad ako palabas ng cr at umupo sa kama. Napatingin ako sa mga maleta namin na nasa isang tabi.
Ngayong araw kami lilipat sa bago naming tirahan.

Pinaplano narin ng both families namin ang immediate wedding for us. Isang outdoor wedding ang plano nilang lahat. Muntik pang magkagulo ang parents ko at parents ni Zerron dahil hindi sila magkasundo sa venue ng kasal. Gusto kasi ng parents ni Zerron sa Italy kami magpakasal pero ang gusto naman ng parents ko dito na lang sa Pilipinas.

They started an argument and they end up fighting. Lalo na sina Tita at Mama. Hindi talaga sila magkasundo. Mabuti na lang at sina Tito at Papa na ang umawat sa kanila at kami na ang tinanong. So, nagkasundo na lang kami ni Zerron na dito magpakasal sa Pilipinas. Ayaw naman niya akong magbiyahe pa sa malayo dahil nga buntis ako.

Sina Tita na lang ang pumili ng venue kung saan kami ikakasal kasi daw nasunod na ang gusto ni Mama na sa pilipinas kami ikasal. Pumayag na rin si Mama. Zerron's parents decided to held the ceremony in Balesin Island. An outdoor weding. Ang theme ng kasal, black and gold. Iyon kasi ang gusto ko.

I'm rooting for black and gold themed wedding with a touch of silver. I don't know if it is because of my hormones that changes my taste about everything. Dati kasi gusto ko floral themed wedding pero ngayon iba na ang gusto ko.

"By?"

I came back to my senses when I heard Zerron. Napatingin ako sa may pinto ng bumukas ito at saka pumasok siya na bitbit ang isang tray. Kasama niya rin si Zian na hawak ang isang baso ng gatas. Pumasok sila sa loob at ipinatong ang tray sa kama saka ang baso ng gatas naman ay kinuha ko kay Zian.

"Ang sweet naman ng anak ko" Nakangiting saad ko saka hinaplos ang pisngi niya. He come closer to me and hug my waist.

"I want to take good care of you po because I will have my little sister soon"

Hiding The Billionaire's Son (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon