Chapter 51

999 21 0
                                    

Ephraim's Point of View

Pest*! Sinipa-sipa ko ang sofa dahil sa inis. Hindi ko magawang makapagsalita dahil may busal ang bibig ko. Napatingin ako sa babaeng kasama ko ditong nakakulong sa loob ng HQ. Umupo ako sa sofa at naghanap ng maaari kong gamitin para ipangtanggal ng tali sa kamay ko.

Lumapit ako sa isang dagger at iiniskis doon ang tali. Ilang sandali lang ay natanggal na rin ito. Mabilis kong tinanggal ang tape sa bunganga. Napahugot ako ng malalim na hininga. Pambihira. Hinawakan ko ang leeg ko na masakit. Iniwan talaga nila ako rito.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid saka dumako ito sa babaeng nakaupo at nakatali rin sa upuan. Kanina ko pa ito napansin. Nakayuko lang siya kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. Hindi ko alam kung natutulog ba ito.

Nilapitan ko ito at sinipa ang upuan. "Hoy! Gising" Malakas ang pagkakasabi ko para marinig niya. Gumalaw ito.

Sinipa ko ulit ang upuan. "Gumising ka sabi"

Ilang sandali lang ay inangat nito ang mukha. Naningkit ang mukha ko ng makita ang mukha nito. Teka. Pamilyar sa akin ang mukha ng babaeng 'to. Napaatras ako ng maalala kung saan ko siya nakita.

"Tama! Ikaw 'yung babaeng kalaban ko no'n sa Mansion ni Eros!"

Tinaasan ako nito ng kilay. Ibang klaseng babaeng 'to. Paano naputa 'to dito? Nahuli ba siya nina Zerron? Saan naman? Aish!

Tumunog naman ang cell phone ko kaya kaagad ko itong kinuha mula sa bulsa ko.

𝐅𝐫𝐨𝐦: 𝒁𝒆𝒓𝒓𝒐𝒏

Ephraim,  Don't complain if you were left there. I have reason. Save Zaera. Doom texted her location just now. I'll send you her location.

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ito. Kalaunan ay napakunot noo ako. Si Doom? Eh diba traidor ang hayp na 'yon?

Nagmadali akong nagtipa ng mensahe.

𝐓𝐨: 𝒁𝒆𝒓𝒓𝒐𝒏

Si Doom? Diba traidor 'yon?

𝐅𝐫𝐨𝐦: 𝒁𝒆𝒓𝒓𝒐𝒏

I'll expain everything after we get back there. Just do what I've said, Epraim. Save Zaera first.

Napakamot ako sa ulo ko. I texted him back kung sino ang makakasama ko. He just told me that someone will be there to help me. Pambihirang nilalang talaga itong si Zerron. Ibig sabihin iniwan nila ako dito para ako ang magligtas kay Ms. Zaera?!

Ayos lang naman sa 'kin 'yon ang kaso malaki ang problema ko! Pabalik-balik ang lakad ko sa loob ng silid. Hindi ko pinapansin ang babaeng kanina pa angil ng angil sa isang tabi dahil hindi makapagsalita sa busal na nasa bibig niya.

Kinakabahan kasi ako at nag-aalala rin. Pambihira! Hindi ako duwag pero susugod ako sa kuta ng kalaban na ako lang mag-isa! Shit. May tutulong daw sa akin pero sino? Nandoon silang lahat sa party.

Naisuklay ko ang mga daliri ko sa aking buhok. Sino namang tutulong sa 'kin do'n?!

Zaera's Point of View

Hawak-hawak ako sa braso ng dalawang tauhan ngayon ni Eros habang binabaybay namin ang daan papasok ng Mansion. Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nila pero wala akong magawa.

Nauunang maglakad sa amin si Eros habang proud na proud na ipinapakita sa akin ang Mansion.
Ang alam ko lang ay nasa isa kaming private island. Tanging Mansion lang na ito ang tanging nakatayo rito sa gitna ng isla.

"Isn't it fantastic?" Tanong nito sa akin na nakangisi saka tumigil kaya tumigil rin ang mga tauhan niya sa paghila sa akin.

Pinukol ko ito ng masamang tingin ng lapitan ako nito at hawakan sa baba. Ipiniling ko ang ulo ko para bitawan niya ang baba ko pero mas lalo lang siyang napangisi.

Hiding The Billionaire's Son (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon