Chapter 39

1K 26 0
                                    

 
Zaera's Point of View

Mas maagang nakauwi ang pamilya ni Zerron bago pa man matapos ang party dahil may mga trabaho rin sila at may pasok pa si Aether kinabukasan. Iyong mga kaibigan naman ni Zerron nandoon pa rin sa labas at nag-iinuman. Mabuti na lang at may masisilungan naman kaya okay lang kahit magdamag sila doon sa labas.

Pasado alas siete na ng gabi nandito ako sa sala kasama si Zian. Si Zerron naman nandoon sa may porch at kasama si Ephraim at seryoso ang pinag-uusapan. It's either they're talking about their real businesses or they're talking about their other businesses.

Sina Mama at Papa naman ay nandoon sa kusina at busy sa pag-aayos ng mga sobrang pagkain kanina. Nakaupo ako sa sofa at katabi ko si Zian na mukhang inaantok na rin. Napagod talaga ito kakalaro.

Ibinalik ko ang tingin ko sa labas at saktong nakatingin silang dalawa ni Ephraim sa amin. Kitang-kita kasi kami dito sa loob mula sa puwesto nila. There's something in Zerron's eyes. Pansin ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Ngunit kaagad rin niyang ibinalik kay Ephraim ang paningin saka may sinabi siya sa kaniya bago tumango si Ephraim at umalis.

Kanina ko pa rin napapansin na wala siyang imik. Kapag kakausapin lang siya ni Zian doon lang siya iimik. Hindi niya ako kinakausap. I tried to approach him pero siya mismo ang kusang umiiwas. Hindi ko alam kung anong nangyari o kung ano ang nagawa ko at ganiyan na lang siya bigla sa 'kin.

Dumating sina Mama at Papa kaya naibaling ko ang tingin sa kanila. Kaagad kong binuat si Zian.

"Ma, inaantok na po si Zian. Akyat na po ako sa taas" Nakita ko rin sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo ni Zerron.

"Samahan na kita nak" Nakangiting sabi ni Mama kaya tumango na lang ako.

"Pa, akyat na po ako. Good night po" Paalam ko kay Papana tanging tango ang isinagot sa akin. Napansin ko na ang paningin nito ay nasa labas at hulaan ko na kay Zerron na naman iyon nakatuon.

Sinundan ko nga ang tinitingnan nito at na kay Zerron nga ang paningin niya. I heave a sigh before diverting my gaze to my mother who's patiently waiting for me. Sumunod na lang ako kay Mama paakyat sa taas.
Nang makapasok kami sa loob ng kuwarto ay inihiga ko si Zian sa kama.

"Sleep well, nak. Good night. I love you" Bulong ko at hinalikan siya sa noo.

"Good night, Mama. I love you too po" Mahinang sabi niya saka pumikit.

Matapos kong kumutan si Zian ay naupo ako sa kama saka pinagmasdan ang buong kuwarto. Napangiti ako ng mapansing walang nagbago sa mga gamit ko na nandito. Nandito rin lahat ng painting noon na ginawa ko.

"Ganito pa rin po pala ang ayos nito? Ang tagal na nito" Saad ko saka ako tumayo at nilapitan ang mga paintings.

"Nililinis ko lang ang kuwarto mo pati ang mga gamit mo pero hindi ko 'yan ginagalaw dahil alam kong importante 'yan sa 'yo at alam ko ring babalik ka rito"

Napalingon ako sa kaniya at nakita kong nakangiti siya. Napangiti ako saka pinalandas ang mga kamay ko sa isang malaking painting na natatakpan ng puting tela. Napatitig ako roon. Kahit ilang taon na ang nakalipas hindi ko makakalimutan kong sino ang nag-iisang tao na iginuhit ko.

Dapat ibibigay ko 'to sa araw mismo ng birthday niya dahil ito ang naisip kong regalo sa kaniya. Isang regalo na mula sa puso ko.

Hinawakan ko ang puting tela na nakatakip roon. Aalisin ko na sana ang tela ng makarinig ako ng katok kaya nawala ang atensiyon ko sa painting.

"Ako na nak" Wika ni Mama na sinagot ko ng tango. Binuksan ito ni Mama kaya lumapit rin ako at nakisilip kung sino ang nandoon.

Nakita ko si Papa. "Mahal, kakausapin daw muna tayo ni Zerron"

Hiding The Billionaire's Son (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon