Chapter 54

1.1K 30 0
                                    

Zaera's Point of View

Nagising ako na parang nakahiga ako sa isang malambot na kama at may nakayakap sa akin. Kinapa-kapa ko ang tabi ko at pinisil-pisil ito. Unang naamoy ko ay ang pamilyar nitong pabango kaya unti-unti kong binuksan ang mga mata ko.

Napapikit ulit ako ng masilaw ako sa liwanag. Makaraan ng ilang sandali ay binuksan ko ulit ang mga mata ko, nang makapag-adjust sa paligid ay inilibot ko ang paningin ko. Puting silid ang nakita ko.

Napansin ko ang ilang medical equipments kaya ibig sabihin ay nandito pa rin kami sa hospital. Tiningnan ko ang taong nasa tabi ko at nakita kong mahimbing na natutulog si Zerron habang nakaunan ako sa braso niya.

Inangat ko ang kamay ko saka hinawakan ang pisngi niya na hanggang ngayon ay naroroon pa rin ang mga sugat galos. Tumulo ang luha galing sa mga mata ko. Akala ko ay nananaginip lang ako kanina pero hindi pala. Totoo ang lahat.

Nandito siya sa tabi ko ngayon. Napatigil ang kamay ko sa paghaplos sa pisngi niya ng magmulat siya ng mata.

"You're awake" Mahinang sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"S-Si Doom? Kumusta si Doom? Anong sabi ng doctor?" Aligagang tanong ko. Gusto kong tumayo pero pinigilan niya ako.

Seryoso siyang nakatingin sa akin. Kinakabahan ako sa mga tingin na ibinibigay nito.

"Z-Zerron, anong nangyari kay Doom? Don't stare at me like that. H-How is he?" Pahina ng pahina ang boses ko ng tanungin iyon.

"Don't worry, he's fine now so stop worrying. He's still under observation according to the doctor"

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. 'Thank you, Lord' Hindi ko mapigilang mapayakap sa kaniya. Hinaplos niya namana ng likuran ko.

Humiwalay ako ng yakap at tumingin sa kaniya. Hindi ko mapigilang mapaiyak. Kaagad na nangunot ang noo niya at kaagad na pinunasan ang luha sa pisngi ko gamit ang likod ng palad niya.

"Why are you crying?" Nag-aalala nitong tanong kaya kaagad akong umiling.

"Masaya lang ako na ligtas si Doom at si Ephraim" Umpisa ko. "A-At masaya rin ako na ligtas ka. Akala ko kasi hindi na kita ulit makikita ngayon. Akala ko nananaginip lang ako kanina. After I watched that news, I t-thought....I thought you're gone. Akala ko hindi na kita ulit makakasama at m-mayayakap ng ganito" I whispered while my tears are streaming down my face. Walang kurap-kurap akong nakatingin sa kaniya.

Hinawakan nito ang likod ng ulo ko at marahan niya akong hinila palapit sa kaniya. He use his other arm to hold my waist and pulled me closer to him. Naramdaman kong masuyo ako nitong hinalikan sa noo.

"I promised, Eve. Nangako ako sa 'yo na poprotektahan ko rin ang sarili ko at nangako rin ako na hindi ko kayo iiwan ni Zian" He whispered. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at niyakap siya ng mahigpit saka ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya.

"T-Thank you" Bulong ko. He pulled me closer to him.

"Did Eros hurt you?" I can sense that he's worried.

Nagmulat ako ng mata. "Hindi naman" Sagot ko. Hindi ko na kailangan pang sabihin ang ginawa sa akin ni Eros. Hindi na iyon mahalaga dahil wala na siya. Alam kong pinagbabayaran na no'n lahat ng kasalanan niya sa empy*rno.

I heard him sigh. "I'm sorry if I was late for saving you"

Ngumiti lang ako. "You're not late, Zero. You came on time"

Hindi naman siya ulit nakapagsalita. "Magpapa-autograph na talaga ako sa 'yo" Ngiting-ngiting sabi ko.

Humiwalay siya ng yakap sa akin at dumistansiya ng kaunti. Napatingala ako at sumalubong sa paningin ko ang kunot nitong noo.

Hiding The Billionaire's Son (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon