Chapter 26

1.3K 32 0
                                    

Zaera's Point of View

Buong biyahe ay tahimik lang naman kaming dalawa. Mas nagpapasalamat pa nga ako at silang dalawa lang ni Zian ang nag-uusap dahil sa totoo lang ayoko talaga siyang makausap.

Mahigit thirty minutes ang naging biyahe namin at habang palayo ng palayo ang nilalakbay namin ay unti-unting nasisilayan namin ang dagat. Napakunot noo nalang ako. All this time, akala ko nagbibiro lang siya na titira talaga kami sa sarili naming bahay. I thought we are going to stay at the Mansion.

"Woah! Look Mama!" Excited na wika ni Zian kaya't nilingon ko ito. Malaki ang ngiti nito habang nakatanaw sa bintana ng kotse kung saan makikita ang asul na asul na karagatan.

"Are we going there, Mama?" Tanong nito sa akin.

Napangiti ako. Zian really loves the sea. Gustong-gusto talaga nitong maglaro sa tubig-dagat at buhangin. Naramdaman ko naman na unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan ni Zerron.

"Ask your Dadddy, nak" Sagot ko at binalingan saglit si Zerron na nasa daan ang paningin.

Hindi ko naman kasi alam kung bakit tanaw na tanaw ang dagat sa dinadaanan namin at bukod pa roon ay bago sa akin ang lugar na nakikita ko. Hindi ko talaga alam kung saan ang bahay namin. Umiwas na ako ng tingin ng tumingin siya sa akin.

"Daddy, can we go there?"

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtango nito Zerron. Kasunod naman doon ang pagkatuwa ni Zian. Hindi nalang ako umimik. Matapos ang sampung minuto ay iniliko niya ang sasakyan sa isang feeder road. Dito ay mas nakikita na namin ang malawak na karagatan.

Nakaramdam naman ako ng kaginhawaan sa pakiramdaman. Sa tuwing nakakakita talaga ako ng dagat gumagaan ang pakiramdam ko. It also gives me awe, peace and joy. Mga ilang sandali ay may natanaw akong bahay. Hindi ganoon kalaki at hindi rin ganoon kaliit.

The house was built for a small family like us. Tila pinagplanuhan talaga ito. Hindi ko maitatanggi na gusto kong mapangiti ngayon. Walang halong biro pero natutuwa ako. Sa likod nito ay makikita ang dagat.

Tumigil kami mismo sa labas ng gate. Napatitig ako sa kabuuan ng bahay pati na rin sa buong paligid. The front yard was full of flowers, mainly Hydrangea, Daylily, Gaillardia, Armeria, and Allium. Junipers were also placed at the corner where the walls are located at.

European fan palm were also planted within the whole area. Napaka-organize ng pagkakatanim nito. There are also Benches with a back designed in a weaved-style placed within the coastal garden. Perpekto ito kapag gusto kong mag-relax at kapag kailangan kong mag-isip-isip.

Isa lang talaga ang masasabi ko. Ang ganda.

Nagising lang ako sa reyalidad ng pagbuksan ako ng pinto ni Zerron na kasama na si Zian. Nakita ko pa talaga ang ngisi sa labi niya. Akala siguro nito hinihintay ko talaga siyang pagbuksan ako.

"Hindi mo naman kailangang pagbuksan ako ng pinto" I said flatly pagkababa ko ng sasakyan. Isinara nito ang pinto ng sasakyan.

"Then, huwag ka ng matututulala sa susunod" Sagot nito. Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin pero nakaalis na ito sa puwesto niya at nasa may comparttment na ng sasakyan at ibinababa ang mga luggage.

Hindi nalang ako umimik pa. Tss.

Hinawakan ko si Zian sa kamay at dumiretso kami sa gate. Sumilip ako sa loob at nakita kong bumukas ang main door ng bahay at lumabas doon si Ephraim kasama ang anim na kataong hindi ko kilala. Hindi nalalayo ang mga edad nila kay Zerron. Patakbong tinungo ni Ephraim ang gate at pinagbuksan kami.

"Finally, dumating na rin kayo. Kanina pa kami naghihintay sa inyo dito" Puna niya. Wala akong masabi dahil nakatanga lang ako sa mga kasama nito. Kumakaway pa ang dalawang lalaki kay Zian.

Hiding The Billionaire's Son (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon