Chapter 4

2.4K 59 1
                                    

Zaera's Point of View

Nasa labas na ako ng kuwarto kung saan si Mama. Sumilip ako sa loob at nakita ko silang dalawa. Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko. Miss na miss ko na sila. Napansin ko ang malaking pagbabago sa kanilang dalawa. Halos ilang taon ko ba naman silang hindi nakita.

Humigpit ang hawak ko sa basket ng prutas. Pinipigilan kong humikbi. I wanted to hug them. Gusto kong pumasok pero ang daming 'what if's' na nasa isipan ko. Nakita kong hinawakan ni Papa ang kamay ni Mama at hinalikan ito. Napangiti ako.

Ang sweet pa rin nila. I was dreaming to have my own family like we had before. Humihiling rin ako noon na sana may lalaking magmamahal sa 'kin na katulad ni Papa. Iyong pagmamahal na ibinibigay niya kay Mama. He gave his whole heart to Mama. It's not a superficial love just like what Zero showed me.

Siguro hindi na ako papasok sa loob. Sapat na sa akin na makita kong ayos si Mama. I was about to turn my back when Mama diverted her gaze in my direction. Kaagad kong pinunasan ang pisngi ko.
Mabilis akong tumalikod. Kaagad akong naglakad paalis habang dinadagundong ng kaba ang puso ko.

"Anak, Zaera"

Natigilan ako ng marinig ang boses ni Papa. Narinig ko ang mga yabag nito palapit sa 'kin. Hindi ko na nagawa pang ihakbang ang mga paa ko paalis. Kahit ang isipan konay gusto ng umalis parang may sariling utak ang katawan ko dahil nanatili lang akong nakatayo rito.

"Z-Zaera, nandito ka" Nahimigan ko ang pagkabasag ng boses niya. "Miss na miss ka na namin, bakit ngayon ka lang?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ko ang paghikbi ko. Miss na miss ko na rin po kayo. Gusto kong sabihin 'yan pero hindi ako makapagsalita. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. I am hesitant to face him. Pakiramdam ko kasi kinakain ako ng konsensiya ko ngayon.

"A-Anak, hinihintay ka namin lagi na umuwi sa bahay. Ang tagal mong nawala, hinanap ka namin pero hindi ka namin mahanap" Dagdag nito. "Saan ka ba nagpunta?"

Hindi pa rin ako umimik dahil umiiyak na ako.

"A-Anak..."

Dahan-dahan akong bumaling kay Papa. Nakita ko itong umiiyak. It melts my heart to see my father crying. Maybe, that is the hardest one to see. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko ngayon.

"P-Papa..."

Kaagad niya akong niyakap. Mas napaiyak ako lalo sa bisig niya. Matagal kami sa ganoong posisyon. I wanted to feel his embrace that I haven't felt for so long. Tumagal iyon ng halos kalahating minuto hanggang sa kusa na akong kumalas.

"S-Sorry po...." Hingi ko ng paumanhin sa lahat-lahat ng ginawa ko sa kanila. "I'm so sorry po. Patawarin niyo po ako sa ginawa ko sa inyo noon. If I was not blinded by love, I would never do that. I'm sorry"

"Okay lang 'yon nak. Hindi mo kasalanan, nagmahal kq lang naman. Ang importante bumalik ka. Matagal na iyon"

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang hikbi. I didn't expect that I received forgiveness like this. Ang ine-expect ko hindi na nila ako mapapatawad pa.

"Tahan na. Siguradong matutuwa ang mama kapag nakita ka niya"

Napailing naman ako. Kaagad kong pinunasan ang pisngi ko.

"S-Siguro sa susunod nalang, Papa" Aniya ko.

"Ayaw mo bang makita ang Mama mo?" Batid ko ang lungkot sa tinig niya.

"Hindi naman po sa ganun pero baka galit pa po siya sa 'kin"

Ngumiti naman siya.

"Hindi siya galit sa 'yo sa katunayan nga niyan, matagal ka na niyang hinihintay na bumalik"

Hiding The Billionaire's Son (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon