Chapter 64 [Epilogue 2]

994 29 0
                                    

>>>

Nang tuluyan kaming nakarating sa Balesin Island ay natuwa ako sa magandang tanawin na nasilayan ko. Lumapag ang private chopper sa gitna ng Island.
Hindi ako kaagad nakagalaw sa kinauupuan ko dahil aliw na aliw ako sa napakagandang kapaligiran na nakikita ko. Wow

"Anak, halika na. Naghihintay na sila sa 'yo"

Napatingin ako kay Mama at napansin kong nakababa na sila ni Papa ng chopper. Sunod namang bumaba si Zian. Inabot ko ang kamay ni Papa saka ako bumaba. Tinulungan rin nila ako sa gown ko.

Nang tuluyang makababa ay nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at mas lalo akong namangha at natuwa sa nakikita ko. Ang ganda ng buong paligid dahil puno ng mga palamuti na kulay ginto, puti saka silver na may halong itim. Kahit hindi nasunod ang gusto ko na purong gold at black lang na theme, maganda parin ang resulta.

Kumapit ako sa braso ni Papa saka kami naglakad sa white carpet patungo sa pinaka-venue ng kasal. Nang malapit na kami sa lugar ay sumalubong sa akin si Lovern at Ephraim.

Hindi ko alam kung bakit mukhang nagulat silang dalawa ng makita ako.

"Ikaw pala ang dumating akala namin si Zerron"

Napakunot noo ako sa sinabi ni Lovern. "Wala pa ba siya dito?"

Nagkatinginan silang dalawa. Narinig ko ang mahinang mura ni Ephraim. Hindi sila nakasagot dahilan para kabahan ako.


Fuego's Point of View

Inayos ko ang suot kong tuxedo saka napatingin sa wrist watch ko. Nasa labas kami ng isang private jet ngayon. Kasama ko sina Rozette, Haxsin, Vigénere, Midnight, Hather at Damian. Halos 20 minutes na kaming nandito ngayon sa private runway ng Empire para hintayin siya.

 Halos 20 minutes na kaming nandito ngayon sa private runway ng Empire para hintayin siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wala parin ba si Doom?"

Bumaling ako kay Rozette dahil sa tanong niya. Nagpadala na ako ng mensahe sa kaniya ng ilang ulit pero wala pa ring reply.

"Wala eh. Baka nananaginip pa 'yon hanggang ngayon" I answered.

"Ikaw, Damian? Alam mo ba kung saan nagsuot ang kapatid mo?" Tanong ni Midnight sa kaniya.

"Hindi siya nag-stay ng ilang araw sa bahay. Ewan ko kung saan nagsuot 'yung kutong lupang 'yon"

Nakakainis naman. Saan na ba kasi nagsuot 'yon?

"Ikaw, Haxsin? Siguro naman alam mo kung parating na siya. You're the girlfriend" Saad naman ni Rozette.

"Sabi niya sa 'kin papunta na daw siya"

"Kailan niya sinabi?" Tanong ko.

"10 minutes ago"

Napakamot nalang ako sa kilay ko dahil sa sagot niya. Bakit ngayon niya pa naisipang magpa-late? Ta*na naman oh.

Hiding The Billionaire's Son (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon