Chapter 45

1.1K 31 0
                                    


Zaera's Point of View

Kinalma ko ang sarili bago ako pumasok sa loob ng room ni Lovern. Unang bumungad sa akin si Hather na nakaupo sa upuan na nasa tabi ng higaan ni Lovern.

Napatigil ang mga ito sa pagkukwentuhan at sabay na napatingin sa amin. Kaagad na tumayo si Hather at sinalubong ako. Binati ako nito bago niya kunin si Zian sa akin.

Nagpaalam naman si Hather na ilalabas niya muna si Zian para makapag-usap daw kami ni Lovern. Nang tuluyang makalabas si Hather ay bumaling ako ng tingin sa kaibigan ko. Naroon pa rin ang bakas ng pinagdaanan nito. Nakita ko kung gaano kadaming galos ang natamo niya. Hindi ko mapigilang mapaiyak ng tuluyang makita ang kalagayan niya.

"L-Lovern" I called her out and immediately went to her side and hug her tight. Naramdaman ko ring niyakap ako nito pabalik. "Sobra akong nag-alala sa 'yo. Na-miss kita"

"Na-miss rin kita, Zae"

Kaagad akong humiwalay ng yakap sa kaniya saka umupo ako ng maayos at pinunasan ang pisngi ko. Nakita kong umiiyak rin siya.

"Ano ba kasi ang nangyari?" I ask her worriedly.

"Z-Zae...." She called me while she's facing down.

"Puwede mo bqng ikuwento sa 'kin ang nangyari?" Tanong ko bago ko siya bitawan. Pinunasan niya ang pisngi bago tumingin sa akin.

"D-Dinukot ni Eros ang mga magulang ko kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa lahat ng utos niya" Humihikbing paliwanag niya. I noticed that she's traumatized to what happened. Kaagad kong inangat ang kamay ko at hinawakan siya sa braso upang pakalmahin.

"S-Si Eros? Bakit niya ginawa 'yon?" Tanong ko kahit alam ko na ang totoong nangyari.

"Gusto niyang makuha kayo ni Zian kapalit ng mga magulang ko" Napayuko siya at pinunasan ang pisngi. "I-I'm sorry" Hingi nito ng paumanhin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Hindi naman ako nakapagsalita agad. "I-I'm sorry, muntik ko na kayong ipahamak ni Zian. S-Sorry, Zae"

Pinunasan ko ang luha na kumawala sa mga mata ko saka ko inabot ang kamay niya.

"Wala kang kasalanan, Love. Ang dapat humingi ng tawad dito ay ako. K-Kung hindi dahil sa amin ni Zian, hindi mapapahamak ang mga magulang mo at hindi ka mapapahamak" Napayuko ako. "Bakit hindi mo sa 'kin sinabi? Lagi naman akong nandito eh, handa ktang tulungan. Noong panahon na kailangan ko ng tulong nandiyan ka kaya sana sinabi mo sa 'kin para nagawa natin ng paraan ang problema mo at hindi na kayo napahamak"

Umiling siya. "P-Pinagbantaan niya akong papatayin niya ang mga magulang ko kapag nagsumbong ako kahit kanino" Malungkot nitong sabi saka siya napatingin sa malayo at pinunasan ang pisngi. Tila inaalala nito ang lahat ng nangyari.

Nangitngit ang ngipin ko sa galit. Napakuyom ang kamao ko. Hindi ko alam na mas may masahol pa pala siyang gagawin bukod sa pananakit sa akin noon.

Ibinalik nito ang tingin sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "H-Humihingi rin ako ng tawad dahil ibinigay ko sakaniya ang importanteng files na meron ka para sa kompanya mo, Zae" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Lovern dahilan para mapamaang ang labi ko. "Kung may nabalitaan ka mang problema na nangyari sa kompanya mo, kasalanan ko 'yon, Zae. P-Patawarin mo ako"

Naalala ko ang perang nawawala sa kompanya ko noong minsan dahil itinakbo ng C.F.O. namin. Hanggang ngayon, hindi parin nahahanap si Gonzales. Pinatigil ko na lang si Eastrella sa pagpapahanap sa taong iyon dahil nasasayang lang ang oras niya sa bagay na iyon.

Niyakap ko nalang siya. "A-Ayos lang. Hindi na 'yon importante. Ang importante ngayon ay ayos ka na at makakalabas ka na ng hospital" Mahinang saad ko habang hinahaplos ang likuran niya.

Hiding The Billionaire's Son (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon