Chapter 2

5.1K 236 167
                                    

Maria

"Magandang umaga po, Gov."

"Magandang umaga" ngiti ko naman dito at nakipag-kamay.

"Kayo lang po ba mag-isa?" tanong nito saakin.

"Oo ako lang. Nagi-ikot lang ako" sagot ko rito at pumasok sa municipal hall ng isa sa mga bayan dito sa probinsya.

Nakaugalian ko na simula noong nailuklok ako bilang Gobernador na bumibisita ako sa iba't ibang lugar sa probinsya para sa surprise visit. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang estado ng mga nasasakupan ko, kung talagang nagta-trabaho ang mga local officials, o kung mayroon bang problema na hindi naihahatid sa opisina ko.

Ilang linggo ko na kasing naririnig na parang hindi nagtatrabaho ng maayos ang mayor dito kaya minabutin ko nang ako mismo ang tumingin.

Nang makarating ako sa opisina nito ay wala siya. Nakatingin lang din saakin ang mga staff niyo sa Mayor's Office na aligaga sa pag-contact sa kanilang Mayor.

"Lunes ngayon. Pati ba sa flag ceremony kanina ay wala siya?" seryoso kong tanong sa sekretarya nito.

"Wala po" at napa-yuko ito.

"Anak ng tipaklong"

Palabas ako ng opisina nito nang makasalubong ko ang nasabing Mayor. Gulat na gulat ito ng makita ako at yumuko habang humihingi ng pasensya.

"Nagkaroon lang po ng problema, Gov." wika nito.

"Sa?"

"Sa.. Sa bahay po" sagot nito at di mapakali.

Tinitigan ko lang ito. Bago nagsalita, "Starting this week, report to me in person. I expect na makita kita tuwing biyernes ng umaga" wika ko rito at sunod na lumabas ng munisipyo.

Pigil na pigil ako sa emosyon ko. Ilang beses na ako nakarinig ng reklamo tungkol sa serbisyo niya bilang Mayor. Ayokong mag-isip ng masama laban sakanya pero hindi ko mapigilan.

Palibhasa kasi galing sa angkan ng [redacted].

Hindi ako magda-dalawang isip pababain siya sa pwesto kapag hindi pa niya maayos ang trabaho niya. Ilang buwan nalang, eleksyon na kaya mas malaking kahihiyan para sakanya na bumaba sa pwesto samantalang patapos naman na ang termino niya.

"Daan muna tayo sa bakery, Manong" wika ko nang makasakay ako sa sasakyan.

Nang paliko na kami ay may bumusina saamin na pamilyar na kotse. Binaba nito ang salamin sa backseat at nakita ko ang nakangiting si Congresswoman Ana.

Parehas kaming bumaba ng sasakyan at nilapitan ang isa't isa.

"Gov! Saan ka galing?" tanong nito at bumeso saakin.

"Sa Munisipyo. Nag-visit lang ako kay Mayor. Ikaw saan ka pupunta?" tanong ko at tinitigan ito. Bagay na bagay sakanya ang attire niya na polo shirt at pants.

"Pauwi na. Kakagaling ko lang sa kapitolyo" sagot naman nito. "Ang ganda mo naman" ngisi nito na ikinatawa ko. Naka-suot ako ng simpleng office attire dahil nga lunes.

Ana and Maria (The Politician's Affair: Season 2) (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon