Maria
"Bale eto po yung susuutin ninyo" sabi ni Pat at iniabot saakin ang kulay puti at ube na polo shirt.
"Salamat, Pat" wika ko rito at pumunta na sa dressing room area para mag-palit.
Photoshoot session namin ngayong araw para sa mga campaign materials na ire-release. Sa susunod na buwan na magsisimula ang campaign period para sa local habang ang national naman ay nagsimula na.
For us, color violet stands for selflessness. Nagse-serbisyo para sa tao. Hindi ang tao ang nagse-serbisyo saamin. Mas angat ang prioridad sa masa kaysa sa pang-sariling interes.
"Ready na po, Gov.?" tanong saakin ng photographer nang umupo ako sa harapan ng kamera.
"Okay ba itsura ko?" natawa kong tanong.
"Okay na okay" sagot nito at nag-thumbs up pa. Napangiti rin ang mga taong nandirito sa studio. Kasama ko rin ngayong araw ang vice-governor at ilang kongresista sa probinsya.
Habang inaayos ang lighting ay napatingin ako sa babae na nakatayo sa di kalayuan at nakasuot din ng kulay puti at ube na polo shirt. Nang napatingin ito saakin ay 'yon din ang pag-sabay ng pag-iwas ko ng tingin sakanya.
"Tingin po dito" tawag ng photographer na sinunod ko naman kaagad. Ngumiti ako sa camera at ramdam ko ang pag-init ng tenga ko.
"Parang namumula yata siya sa picture" sabi ni Pat. Pabalik-balik ang tingin nito saakin at sa monitor screen ng computer. "Pakilakas yung aircon" wika nito sa isang staff na kasama niya.
"Ang init" sambit ko nalang dahil nga pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid.
Pinag-patuloy namin ang photoshoot nang mabawasan ang pagka-pula ng mukha ko. Umabot pa nga sa leeg. Daig pa ang naka-inom ng alak. Jusme.
Nang natapos ako ay umupo muna ako sa may sofa dito sa studio. Isa itong malaking studio at magka-kasya ang maraming tao tulad nalang namin.
"Gusto mo?" rinig kong sabi ni Ana at tumabi saakin sa sofa. Inaalukan nito ako ng Happy na nuts na nasa malaking garapon.
Kumuha naman ako at sunod na kumain. "Salamat" ngiti ko sakanya.
Tahimik lang kaming dalawa habang pinagmamasdan ang nangyayari sa paligid.
Naalala ko na may dala rin akong pagkain. Sunod kong pina-abot ang bag sa assistant ko at nilabas ang isang balot ng chocnut.
"Gusto mo?" alok ko rito.
"Chocnut!" wika nito habang nakangiti at sunod na kumuha. "Salamat.."
Nginitian ko lang ito at itinuon ko na ang pansin ko kay Vice-Gov na ngayo'y nakasalang upang makuhanan ng litrato.
"Mahilig ka ba sa mani?" rinig kong tanong ni Ana at mas lumapit saakin.
"Hmm. Saks lang" natawa kami parehas dahil sa term na ginamit ko. "Chocnut ang favorite ko"
"Ah, may mix ang nut" wika nito.
"Ikaw mahilig ka sa mani?" balik kong tanong sakanya.
"Yes" proud na sagot nito at bahagyang natawa. "Sa Happy lang, happy na ako" yung ngiti niya umabot sa mata. Ang cute, naningkit ang mga mata niya.
"Happy" pag-ulit ko sa redundant na sinabi niya.
"Happy" ulit nito.
Napansin ko na natagalan ang pagtitig nito saakin kaya umiwas ako ng tingin dahil nahiya ako at na-conscious.
Isang buwan na mag-mula noong huli kaming nagkasama at nagkita sa bahay niya. Hanggang ngayon ay kumakabog yung dibdib ko tuwing naiisip ko yung pag-uusap namin.
Noong sumagot kasi siya na "Paano kung oo?" ay sunod na dumating ang bunso niyang anak na si Lovely. Bumati ito saakin at nag-mano at sunod na may pinag-usapan sila ng Mama Ana niya.
Nang makabalik si Ana noon ay hindi na namin natuloy yung pinag-uusapan namin. Hindi narin namin sinubukan pa dahil parehas naming alam na parang nawala na ang momentum.
Simula noon ay hindi na muli kami nagkita o nagka-usap man. At ayoko narin naman bigyan pa ng pansin dahil hindi ko alam kung paano harapin ang ganoong mga usapan.
Matagal na akong biyuda. Parang nakalimutan ko na kung paano makaintindi ng salita in a romantic way.
Madami naman nag-tangkang ligawan ako. Maraming nag-tangkang suyuin ako at ang mga anak ko. Pero ewan ko ba. Parang nawalan na ako ng gana simula noong namatay si Franco. Parang pati yung puso ko dinala niya sa kabilang buhay.
"Gov. Maria, Congresswoman Ana, dito po tayo" pag-anyaya saamin ni Ana na agad naman naming sinundan.
Nag-photo op kaming lahat na magkaka-alyado. Ako ang nasa gitna, nasa kaliwa ko si Vic-Gov habang nasa kanan ko naman si Ana.
"Hawakan po kayo ng kamay" wika ng campaign manager namin.
Naramdaman kong binalutan ng malalambot na palad ang kanang kamay ko at sunod n sabay sabay naming itinaas ang kamay ng isa't isa.
Naramdaman ko ang banayad na pag-haplos ng hintuturo ni Ana sa likod ng palad ko dahilan para mapa-tingin ako sakanya. Diretso itong nakatingin sa camera at sunod kong naramdaman ang banayad na pag-pisil nito sa kamay ko dahilan para mapatingin uli ako sa camera.
Nang nagbitaw na kami ng kamay ay parang mayroong parte saakin na gusto kong hawakan siya ulit. Ngi.
Napa-iling ako sa sarili ko. Pumunta nalang ako sa dressing room para mag-palit ng damit.
Paglabas ko ay sinalubong ako ni Vice-Gov at nagpaalam nang mauna saamin.
"See you next week, Governor" pagbigay paalam saakin ni Ana.
Sabay kaming naglakad palabas ng studio at patungo sa parking lot.
"Ihanda mona ang katawan mo" pabiro kong sagot.
Natigilan naman ito at napatitig saakin. "Ha?"
"Mag-babanat nanaman tayo ng buto sa kampanya" wika ko rito
"Ahhhh" wika nito at napahawak sa dibdib.
"Okay ka lang?" pag-aalala ko sakanya.
"Oo. Hiningal lang. Napaghahalataan tuloy sa edad" pabiro niyang sagot.
"See you next week, Happy" tukso ko sakanya at nagpaalam.
-
Hay salamat may ayuda for today's vidyeow. ✨
BINABASA MO ANG
Ana and Maria (The Politician's Affair: Season 2) (gxg)
RomanceMaria Josefa Garcia and Anastasia May Flores are incumbent Governor and Congresswoman of their province, respectively. They've known each other for years, but they never expected to find anything that connects them deeply. In the midst of a chaotic...