Chapter 16

5.3K 197 46
                                    

PS. Read at your own risk.

Maria

"Gov, nag-confirm napo nang attendance sila Congresswoman Wilma" wika saakin nang Secretary ko habang ako ay nagbabasa nang mga documents na kailangan ang pirma ko.

"Sige. Pati ba sila Sonny? Paki follow-up ha" ngiti ko rito.

Sumandal muna ako sa upuan at inabot ang cellphone ko. Nag-compose ako ng text message kay Ana at pinadala ito.

Are you busy?

Hindi man lumagpas sa dalawang minuto ay nakatanggap ako nang tawag,

"Good Morning, Maria ko" malambing na wika ni Ana sa kabilang linya.

"Ang bilis ah? Good Morning, Ana" pag-ngiti ko.

"Hindi naman ako gaanong busy. Anong mayroon?"

"Tanungin lang sana kita kung makakadalo kaba sa year-end party nang kapitolyo sa sabado" tanong ko rito.

"Yes, I will attend. May kailangan paba kayo?"

"Ikaw" pigil-tawa kong sagot. "Ikaw bahala kung ano ang gusto mong dalhin"

"Marunong kana ha" pang-asar nito saakin

"Natututo na ako sa'yo" at natawa narin ako. "Oh sige na. See you"

"I miss you" wika niya dahilan para mapa-tingin ako sa bintana ng opisina habang hirap na hirap sa pagpipigil ng ngiti.

"I miss you too" bulong ko rito at sunod na niyang ibinaba ang telepono.

Disyembre na ngayon. 6 na buwan na simula noong nanalo kami sa halalan. Madami nang nag bago sa mundo; isa na roon ang relasyon naming dalawa ni Ana.

Parehas kaming abala sa kani-kaniya naming trabaho pero hindi namin pinapalagpas ang isang linggo na hindi nagkikita. Pa-minsan ay saamin siya natutulog, at minsan naman ay ako ang nakikitulog sa bahay niya.

Madalas nga akong asarin ng mga anak ko. Si Majo na napaka-strikto ay todo suporta sa kaniyang Tita Ana. Pakiramdam ko nga kulang nalang ay ipadala na niya ang mga damit ko tuwing makiki-sleep over ako.

Mas naging malapit ang mga anak namin. May mga pagkakataon na iniiwan kaming dalawa sa mga lakad nilang pito. Magugulat nalang kami na magkakasama pala sila gumala tapos kaming mga nanay nila ay inuutusan nilang samahan ang isa't isa. Naku!

Si Maica, madaming natanggap na mga projects bago matapos itong taon. Si Mia naman ay nakakatanggap palagi nang mga invitation para mag-talk sa mga convention ng mga Psychologist. Habang si Majo naman ay tuluyan nang sinagot ang kaniyang manliligaw noong isang linggo.

Nagulat ako nang makilala ko ang lalaki dahil anak siya ng kaklasi ko sa Law School noon. Ang mga magulang niya ay isa sa mga mababait at matulungin kong kaklase na sa pagkaka-alam ko ay nag-migrate na abroad noong nakapasa kami sa Bar Examination.

Nang matapos ang araw ay nagpaalam na ako sa mga staffs ko. Miyerkueles pa lamang ngayon kaya abala ang lahat lalo na at isasara na ang fourth quarter ng taon. Kailangan lahat ng mga aktibidades namin nitong quarter ay kumpleto upang wala nang aberya pa.

Ana and Maria (The Politician's Affair: Season 2) (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon