Third Person's POV
"Send it to my e-mail, Pat. And then i'll update you once I have read it"
"Thank you, Madam VP" wika ng sekretarya ni Ana at sunod nang binaba ang phone call.
"Don't overwork yourself, Mare" komento ni Lucille habang inaayos ang grocery sa kusina.
"Just the usual paperworks lang naman" sagot nito at tumulong sa pag-aayos.
"Are you okay?" Mahinang tanong ni Lucille at tinitigan si Ana na kasalukuyang nilalagay ang mga prutas sa isang basket.
Bumuntong hininga ito at pinigilan ang mga luhang nagbabadya, "I honestly don't know"
Hindi nalang sumagot ang dating presidente at hinayaan nalang muna si Ana. Ngayon ang pangalawang araw nila sa US. Dalawang buwan na ang nagdaan noong natagpuan siya ni Lucille sa hardin ng kanilang bahay ni Maria.
Pakiramdam ni Ana ay mawawala siya sa sarili niya dahil wala siyang magawa. Gusto man niyang lumipad kaagad patungo sa kaniyang Pangga ngunit hindi niya magawa dahil hindi pa kumpleto ang impormasyon na mayroon sila noong mga oras na 'yon.
Ang alam lang ni Lucille ay nandito sila sa Connecticut dahil nakita ng family friend nila si Maria at ang mga anak nito. Hindi nila alam kung saan mismo sila nakatira at kung totoo nga ba na may malubhang sakit si Maria dahil wala silang ma-contact sa mga bata. Wala na silang social media at pati ang mga sarili nitong kamag-anak na taga Pilipinas ay walang ideya sa kung saan tumungo ang mag-anak.
Sinubukan lang ni Lucille na mag-reach out sa pamilya ng asawa ni Maica na si Yssabel. At buti nalang ay binigay nila ang impormasyon kung nasaan ang maganak dahil nagaalala sila sa kanilang balae na si Maria. Maski sila ay hindi nila alam kung ano ang eksaktong estado nito dahil ayaw din i-disclose ni Maica ang kalagayan ng kaniyang Mama.
Kakarating lang nila sa Amerika kahapon at tumuloy sila kaagad sa isang hotel. At ngayong araw nila plano bisitahin ang pamilya Garcia.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang dalawa at tinahak na ang daan patungo sa mga ito. Tahimik at mararamdaman mo ang lungkot ng dalawang magkaibigan.
Hindi mawari ni Maria kung may sakit na ba siya sa puso o talagang ninenerbyos lang siya. Taliwas sa tagline niya tuwing halalan na, "Kay Anastasia Flores walang nerbyos".
It has been more than a year the last time she saw her. Hindi na niya napigilan pa ang mga luha niya at tumingin nalang sa labas ng bintana nang maalala niya ang huli nilang paguusap.
She was supposed to ask for her hand again that time. She was supposed to apologize and ask for a second chance pero si Maria na mismo ang tumapos sa relasyon nila.
Walang dumaan na araw na hindi niya iniisip ang pangga niya. Kung kamusta na ito, kung kumakain ba siya ng maayos, at kung inaalagaan paba niya ang sarili niya.
Nakarating sila sa harapan ng isang 2-storey house na may front porch at malaking garden.
May dalawang sasakyan na naka-park sa driveway nito.
"Ready?" tanong ni Lucille sakaniya mula sa driver's seat. Tanging tango lamang ang nasagot nito at pinunasan ang mga luha. Inayos muna niya ang kaniyang sarili bago bumaba ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Ana and Maria (The Politician's Affair: Season 2) (gxg)
RomanceMaria Josefa Garcia and Anastasia May Flores are incumbent Governor and Congresswoman of their province, respectively. They've known each other for years, but they never expected to find anything that connects them deeply. In the midst of a chaotic...