Chapter 20

1.7K 81 5
                                    

Ana

"Anong oras ang flight nila?" tanong ko sa secretary ko habang inaayos ang mga gamit ko bago bumaba ng sasakyan

"Their flight from Cagayan to Manila is 4:50PM, Ma'am" sagot naman nito while checking her iPad.

I am currently in the province of Batangas for my campaign. Habang sila Kief, Bela, Nela at Lovely ay nasa Cagayan de Oro para maging representative ko sa nangyaring kampanya doon. 

They volunteered to attend some of my campaigns since I need to roam majority of the nation's provinces. And I can't feasibly do it since ilang buwan nalang eleksyon na. Kaya sila nalang daw ang a-attend sa iba so we can cover more areas. 

Abril na ngayon kaya halos wala na kaming pahinga. Kapag natapos kami sa isang probinsya, lipat naman kami sa kabila. Kaliwa't kanan na interviews, parade, debates, at speech ang ginagawa namin sa mga nagdaang mga linggo. 

"Ma'am, Sir Ryan arrived na raw po" pag-inform naman nito saakin nang makarating kami sa event na dadaluhan namin. 

I just nodded and sighed. 

Ryan officially became my beard. Kinausap siya ni Lucille noong may mga articles na lumalabas tungkol saaming dalawa. Na ang daming humahanga sa co-parenting situation naming dalawa at ang iba naman ay sinasabing true love namin ang isa't isa dahil kahit dalawang dekada na kaming annuled, sinusuportahan padin niya ako. 

Ryan being the professional and kind man that he is, he agreed on our plans. Na sasamahan niya ako on his free time and will be vocal on his support towards me and my team. Actually ang sinabi lang naman sakaniya is more on, be present whenever he can. But he did more than that to be honest. He went out of his way to support me. Lagi siyang present sa mga campaigns, and is being so generous with all of us. Kaya tuwang-tuwa ang mga staffs kapag nandyan siya dahil panay ang libre nito sakanila. 

He and Maria also talked one time noong inimbitahan kami ng dinner ni Lucille. Ayaw niya na magkaroon kami ng problema ni Maria kaya minabuti niya na magkita at mag-usap ang dalawa. Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung anong pinag-usapan nilang dalawa dahil they asked me to leave them. 

I think it went great naman dahil wala akong narinig na reklamo o problema kay Maria at pati narin kay Ryan. 

After the campaign, may lumapit na reporter saami ni Ryan at tinanong ako tungkol sa plataporma ko. Matapos ko itong masagot ay naging personal ang tanong nito saaming dalawa. 

"Congresswoman, madami ang natutuwa sainyo sa online world. Ang daming nagpo-post na kinikilig sainyong dalawa ni Sir Ryan" wika nito and we just smiled "Can you agree na love is sweeter the second time?" tanong nito. 

"Ryan is a great guy, you know. He was a good husband and a friend of mine so it speaks a lot of his character. And I am thankful" ngiti ko naman, not addressing the quote. 

"Ana deserves everything in this world and I believe in her platforms. I also support her plans for our country. And well.. I do hope that's possible" wika niya at hinawakan ako sa balikat. 

"Thank you" tanging ngiti ko nang matapos ang interview. 

We walked to our van, "What was that?" tanong ko rito. 

"What? It's for publicity" kibit-balikat na sagot nito at pinagbuksan ako ng pintuan. 

"Thank you" was all I can say before closing the door. 

Ana and Maria (The Politician's Affair: Season 2) (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon