Maria
"Sino sasama sayo mamaya, Ma? May date kaba?" Tanong ni Mia bago inumpisahan ang pagkain.
"I can go by myself naman. Pahinga nalang muna kayo. I know the past months are exhausting for all of us" sagot ko rito.
Mamayang hapon ay may dadaluhan akong kasalan. Kinuha akong ninang para sa kasal ng anak ni Wilma kasama sina Tristan at Sonny.
Araw ng Linggo ngayon at dinadamdam pa naming lahat ang pagod sa buong linggo. Kaya minabuti ko nang hindi na mag pasama dahil may mga sariling trabaho rin na inaalala ang mga anak ko.
Matapos naming kumain ng agahan ay sinimulan ko na ang paga-ayos ng susuutin pati narin ng dadalhin.
Mel
Good Morning, Maria! Sunduin kita mamaya?Basa ko sa text message na galing kay Mel. Invited din ito dahil naka-close na niya si Wilma nitong mga nagdaang buwan. Lagi kasing present si Mel sa mga kampanya namin.
Me
Will that be okay with you? Magandang umaga!Mel
Oo naman! You have nothing to worry about. Basta para sa'yo. Hehe.Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay pumunta ako ng kusina para ipagluto ng tanghalian ang mga bata. Si Maica ay may tinignan sa site, at si Majo naman ay mayroong klase sa graduate school. Habang si Mia ay walang clinic ngayong araw.
Matapos kong mag-luto ay inumpisahan ko na ang pag-gayak. Buti nalang din at day-off ni Mia at hindi ko na poproblemahin pa ang pagme-make up.
"Ma picturan kita. Send ko sa gc" wika nito. Umupo naman ako sa may sofa set sa sala at nagpa-kuha ng litrato. Hindi ako tinigilan nito sa iba't ibang pose hanggang sa makarating na kami sa garden.
"Mia ang dami naman. Baka akalain ng mga friends ko sa FB ay ako ang bride" wika ko na ikinatawa namin.
"May room ba kayo sa hotel, Ma? Or uuwi ka tonight?" tanong nito.
"Uuwi ako tonight. Hindi ako nakapag-paalam kay Majo for a sleepover e"
Sa kanilang lahat, pinaka-strict ang bunso pagdating saakin. Bawal ang sleepovers unless needed talaga and work related, bawal ang night out with guy colleagues unless mas marami ang mga babae kesa sa lalaki. Laging benta saamin ang linya niya na, "Ang hirap magpa-laki ng magulang! For the stress!"
Habang hinihintay ang sundo ko na si Mel ay may dumating na nagde-deliver ng pagkain.
"Mia! Nag-order kaba?" tanong ko sa anak ko bago lumabas ng bahay.
"Huh? Hindi naman Ma"
Binuksan ko ang gate at kinausap ang rider. "Mia Garcia po?" tanong nito.
"Hala kuya hindi po ako nag-order" nag-aalalang sabi nito. "Magkano po? Grabe fake booking po"
"Bayad napo ito, Ma'am" sagot ng rider para mag-tinginan kaming dalawa.
"Kanino po galing?"
"Wala pong nakalagay, Ma'am. Mayroon lang pong note" at inabot ang mga order na pagkain saamin.
BINABASA MO ANG
Ana and Maria (The Politician's Affair: Season 2) (gxg)
RomanceMaria Josefa Garcia and Anastasia May Flores are incumbent Governor and Congresswoman of their province, respectively. They've known each other for years, but they never expected to find anything that connects them deeply. In the midst of a chaotic...