Maria
"Malaking bagay para saakin, para saamin, na malaman na sinusuportahan ako ni Gov. Maria sa mga plano ko sa bansa. Bonus nalang saakin na mag-kaibigan kami talaga" wika ni Lucille habang nakatayo rito sa plaza ng bayan ng rosa.
Tuloy pa niya, "Noong isang araw nga nagka-kwentuhan kami. Kako sakanya, huwag mo ako suportahan dahil kaibigan mo ako. Suportahan mo ako dahil alam mo na maayos at maganda ang mga plano ko para saating lahat. Sabi niya, oo 'yon daw ang ginawa niya. Kasi di naman daw kami friends" at natawa kaming lahat.
Nandito ako ngayon sa isang bayan sa probinsya namin. Bumisita si Lucille dito dahil ito ang pinaka-maliit na bayan sa lalawigan at pati nadin dahil maraming nangangailangan ng tulong dito.
Tanghaling tapat ngayon at pangatlo palang ito sa mga bayan na pinuntahan niya. Mamayang gabi, kaming lahat na local officials na gusto siyang suportahan, sasamahan namin siya sa malaking programa sa may centro ng probinsya.
Nang matapos kami doon ay bumyahe kami papunta sa kapitolyo dahil nag-handa kami ng pananghalian para sa mga bisita. Kahit naman sinong kumandidato na Presidente ay aanyayahin ko at papakainin ko.
Nagpa-handa ako ng buffet kaya kasyang kasya ang pagkain para saaming lahat.
"Gov., nandito po si Congresswoman"
Na-alerto naman ako at napangiti. Hinarap ko ang assistant ko at sinundan siya sa may pintuan ng hall.
"Good Afternoon, Governor" bati saakin ni Wilma, ang Congresswoman ng first district.
"Good Afternoon, Congresswoman. Halika kain na kayo" anyaya ko sakanila at pilit na tinatago ang pagka-disappoint.
Kumain nalang ako at nakipag-kwentuhan sa mga ito.
Ayoko isipin yung pakiramdam na naramdaman ko kanina. Bakit ako na-excite? Bakit bigla akong.. kinilig? Luh.
Pero nang malaman ko na hindi siya yung dumating, bakit nalungkot ako?
Maya-maya din ay umalis na muna sila Lucille at ang kaniyang grupo dahil may pupuntahan pa silang isang bayan bago tumuloy sa may event mamaya. Hindi na ako sumama dahil may kailangan pa akong tapusin na paperworks sa opisina. Sasama naman ako sa rally nila mamaya kaya okay lang.
Pagdating ko ng opisina ko ay may nakita akong isang box ng chocnut sa may lamesa.
"Pat, kanino 'to galing?" tanong ko sa staff ko.
"May nakalagay po d'yan, Gov. Pero sabi po kanina, donation daw"
Tinignan ko naman ang box pero wala namang nakasulat. Baka donation nga para sa kampanya.
Maga-alas cinco na nang matapos ako sa ginagawa ko. Nagpalit muna ako ng damit at sunod nang pumunta sa venue.
"Governor, dito po kayo" pag-assist saakin ng isang usher. Dinala nito ako sa isang tent at doon ay nakita ko ang ibang mga tao sa politika na sumusuporta rin kay Lucille.
Nag-simula na ang programa. Hindi naman kami kasama pero pumunta parin kami para mag-pakita ng suporta sa kampo ni Lucille.
Nakipag-usap ako sa mga kasamahan ko rito tungkol sa politika, sa mga proyekto, at kung ano pa ang mga kailangan gawin.
![](https://img.wattpad.com/cover/309205206-288-k217101.jpg)
BINABASA MO ANG
Ana and Maria (The Politician's Affair: Season 2) (gxg)
רומנטיקהMaria Josefa Garcia and Anastasia May Flores are incumbent Governor and Congresswoman of their province, respectively. They've known each other for years, but they never expected to find anything that connects them deeply. In the midst of a chaotic...