Maria
"I think we need to order pa" wika ni Lucille habang inaayos ang pulutan sa lamesa.
"Parang gusto ko ng chips. Something na maalat" wika ni Vien, ang longtime girlfriend nito.
Gabi na at tapos na kaming lahat kumain ng hapunan. Ilang oras nadin ang nakalipas nang makarating dito sa resort sina Lucille at Vien. At ang mga loko, inuman kaagad ang balak gawin na sunod namang sinang-ayunan ng lahat lalong lalo na si Ana.
"Ikaw, Sefi?" tanong saakin ni Lucille. Sefi ang palayaw ko sakanya dahil masyadong nakaka-babae raw ang Maria. Oh diba? Paladesisyon.
"I'm good" sagot ko rito at itinaas ang isang balot ng chocnut na nasa harapan ko.
"Ang mahiwagang chocnut" pang-aasar ni Sonny saakin na sunod na ikinatawa ng lahat.
Hindi kasi ako mahilig mamulutan tuwing inuman. Basta mayroon akong something sweet, lalo na kung chocnut, ay okay na okay na ako.
"Kailan nga yung last na inuman natin?" biglang tanong ni Sonny.
"Parang noon pa yatang birthday ni Ana. Na malapit na ulit" sagot ni Vien.
"True. Kaya sulitin na natin ito! Hindi natin alam kailan ulit tayo lahat available. Lalo na mukhang sure win ang isa jan" kantyaw ni Ana kay Lucille.
"Ako pa ang ginawa mong dahilan. Ang sabihin mo, uhaw na uhaw ka nanaman" at nag-tawanan kami.
Saaming lahat kasi, si Ana ang pinaka malakas uminom. Habang ako naman ang hindi masyado mahilig sa alak.
"Ang goal natin for tonight ay malasing si Sefi" wika ni Tristan.
"Salamat sa suporta, aking Vice Governor ha" at pinag-singkitan ko siya ng mga mata.
"Cheers!" wika ni Sonny. "Cheers to all of our hard works. Sulit na sulit para sa masa" atsaka namin ipinagdikit ang aming mga baso at sunod na ininom ang mga laman nito.
Nag-kwentuhan lang kami at nag-asaran. Kasalukuyan kong pinagmamasdan sina Lucille at Vien na nagyayakapan nang marinig kong nagsalita si Ana sa tabi ko.
"Umiinit yung puso ko 'pag nakikita ko silang dalawa" wika nito.
"Ako rin. Nakakatuwa na mas okay sila ngayon" sagot ko naman.
Dahil malaking personalidad si Lucille, tago ang relasyon nilang dalawa ni Vien. Nagkakilala sila sa mundo ng politika dahil dating kongresista rin si Vien na ngayon ay tinalikuran ang politika para kay Lucille. Bumalik siya sa dati niyang pangarap na maging entrepreneur.
Mahigit kumulang isang dekada nadin silang nagtatago sa publiko. Noong una syempre hindi sila gaanong nagkaka-sundo sa set-up nilang dalawa. Pero as time goes by, mas nangingibabaw ang pagmamahal nila sa isa't isa. Kapag mahal ka, walang magiging hadlang at rason para hindi ka ipaglaban.
"Hindi kana ulit nahilo?" tanong ni Ana at inilapit ang upuan sa tabi ko.
"Hindi na. Nakakapag-pahinga na ako lately" ngiti ko rito.
"Hindi mo na ako iniisip sa gabi?" tanong nito na naging dahilan ng pag-laki ng mga mata ko.
Dinaan ko muna sa ngiti dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Matapang ako sa lahat ng aspeto pero mahinang nilalang ako pagdating sa mga ganito.
"Hindi ka naman nawala sa isip ko" tapang-tapangan kong sagot sakanya at sunod na tinungga yung laman ng baso ko. Simot.
"Is that supposed to flatter me?" bulong nito at mas tinitigan ako.
BINABASA MO ANG
Ana and Maria (The Politician's Affair: Season 2) (gxg)
RomanceMaria Josefa Garcia and Anastasia May Flores are incumbent Governor and Congresswoman of their province, respectively. They've known each other for years, but they never expected to find anything that connects them deeply. In the midst of a chaotic...