Maria
DAY TWO.
"Your phone is ringing" rinig kong malumanay na bulong ni Ana. "Answer it na" antok na wika nito at humiwalay saakin. Magka-yakap parin pala kami hanggang ngayon.
Bumangon ako at kinuha ang cellphone ko na nasa kabilang kama at lumabas ng kwarto.
Pupungas-pungas ko itong sinagot, "Hello?"
"Magandang umaga sa aming Ina. Kakamustahin ka lang namin, Ma. Hindi kana nagparamdam" rinig kong sabi ni Mia na nasa kabilang linya.
Umupo ako sa may sofa dito sa may veranda ng villa while overlooking the beach.
"I'm sorry. I'm sorry. Kamusta kayo 'dyan? Naiiwan ko kasi ang cellphone ko sa room anak"
"Okay lang, Ma. Chinecheck ko lang kasi baka nag-asawa kana 'dyan" tukso nito at narinig ko naman ang dalawang kapatid niya na mukhang naghahapag ng almusal.
Naramdaman ko naman ang pagka-guilty dahil nga nakalimutan ko silang i-update o i-text man lang kagabi. Sa kalasingan ko ay hindi ko na naalalang kamustahin ang mga anak ko.
Masyado kasing na-occupied ni Ana yung isip ko. Nakakaloka na.
"Are you still there, Ma? Sige na. We just checked kung kamusta ka 'dyan and we are glad to know na you are enjoying your well deserved time off" wika ni Mia. "Oh, huwag mo i-guilt trip ang sarili mo dahil okay lang kami and we understand. Ang tatanda na namin" tuglong pa niya. Kilalang kilala ako ng mga anak ko.
"I love you guys! Thank you"
"I love you Mama" sagot nilang lahat at binaba na ang tawag.
Bumalik ako sa room at nakita ko si Ana na masarap padin ang tulog. Mag a-alas siete na ng umaga at nandito nadin ang araw.
Minabuti ko nang mag-hilamos at magpalit ng damit.
Nang matapos ay sunod akong lumabas ng villa at pumunta sa resto ng resort.
"Two brewed coffees. To go please" wika ko at umupo sa may bar stool habang hinihintay ang order ko.
Ang tahimik sa paligid tho mayroong mangilan-ngilan na kumakain ng almusal.
Bigla kong naalala ang asawa ko. He would've loved this short vacation dahil mahal na mahal niya ang dagat.
He died due to heart complications 11 years ago. But it only feels like yesterday.
I sighed and closed my eyes.
"Are you okay?" rinig kong wika ng isang lalaki.
Minulat ko ang mata ko at nakita si Mel. Napatayo pa ako sa gulat at niyakap ito.
"Mel! What are you doing here?" tanong ko at inaya ko siya sa vacant seat sa tabi ko.
"I'm with my friends. Nagba-bakasyon. Ikaw? Kasama mo ba ang mga bata?"
"Kasama ko sila Lucille!" wika ko dahil common friend namin siya.
Si Mel Tamtanco ay isang lawyer at kasamahan namin sa isang NGO kung saan tumutulong ng libre sa mga legal cases.
BINABASA MO ANG
Ana and Maria (The Politician's Affair: Season 2) (gxg)
RomanceMaria Josefa Garcia and Anastasia May Flores are incumbent Governor and Congresswoman of their province, respectively. They've known each other for years, but they never expected to find anything that connects them deeply. In the midst of a chaotic...