Third Person's POV
Sa sumunod na araw ay inimbitahan muli sina Ana at Lucille sa bahay nila Maria. Nag-luto ang mga bata noong hapunan para sakanilang mga bisita. Pinangunahan ito ng kanilang Ate Maica dahil hindi nila masyadong naasikaso ang mga ito kahapon lalo na't hindi man lang nila napaliwanag ng maayos ang sitwasyon ng kanilang Mama sa mga ito.
Hindi nadin naman nag-dalawang isip pa ang mag-kaibigan dahil talagang nag-aalala sila para kay Maria. Gustong-gusto malaman ni Ana kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniyang pangga.
"May mga araw po talaga na grabe ang migraine ni Mama. Alam mo yun, Tita" banggit ni Maika kay Ana habang ito ay nag-aayos ng mga pagkain sa lamesa. "Pero mas grabe yung ngayon. Tulad ngayong gabi, ang mas effective talaga ay mag-kulong siya sa kwarto niya ng walang ilaw at walang ingay"
Ganyan na ganyan din kasi si Maria noong magkasama pa sila ni Ana. Kapag sinusumpong siya ng migraine, dapat black-out ang kwarto at walang anumang malakas na tunog dahil para daw itong kutsilyo na humahati sa ulo niya sa sobrang sakit. Maliban sa balck out curtains ay nakasuot din ito ng eyemask para siguradong walang liwanag na papasok sakaniyang mga mata.
Minsan naman ay pagsusuka ang effective na resolution para mabawasan ang sakit sa kaniyang ulo. Sabi niya, parang feel niya ay nare-relieve ang tension sa ulo niya kapag sinusuka niya.
"Ano ba talaga ang nangyari?" hindi na napigilang tanong ni Ana sa panganay ni Maria. Isang taong pala-isipan nadin ito sakaniya. Kung anong nangyari sa isang taong pagkawala ng mga ito.
Habang kumakain ang lahat ay sinimulan na ni Maika ang pagku-kwento sa dalawang malapit na tao sa kaniyang Mama.
"This time around last year, nag-collapse ang Mama. Umuwi siya sa bahay namin noon na umiiyak. Sobrang taas ng emosyon niya and she told me about what happened. Noong una, ayaw niya talagang mag-salita. Nag-kulong lang siya sa kwarto niya the whole time. Few hours later, I decided to check on her. Good thing ay hindi naka-lock ang pintuan. And there, I saw her unconscious sa lapag." kwento nito. Bigla namang naalala ni Ana na baka ito yung araw na nakita niya si Maria sa Museleo ng kaniyang asawa. "I think 2 minutes have passed pero hindi parin siya nagigising kaya we decided to rush her to the hospital. She gained consciousness the same hour but we requested tests just to be sure. Her migraines are bugging me for months so I grabbed the opportunity na ipatingin siya. You know kung gaano katigas ang ulo niya.
"When the results of her CT Scan arrived, I asked my wife to come with me and Mama. Lalo na personally ay wala naman akong background sa medicine. Our family doctor told us the initial findings of the CT Scan.. mayroon daw 2cm na tumor sa ulo ni Mama. So she referred us to a Neurologist. After many tests, she was diagnosed with Glioblastoma"
Nakikinig si Ana pero para siyang lumulutang. Hindi nadin niya napigilan pa ang mga luha niya.
"..It is an aggressive brain tumor. Kaya pala grabe ang mga migraines niya noon. Tinanong kami noon ng doctor kung kumpara daw ba sa dati ay nagbago ang ugali ni Mama. Kasi isa daw yun sa mga epekto ng tumor na tumubo sa utak niya. Mag-iiba ang ugali at personality."
Naalala ni Ana na months before ng insidente na 'yon ay madalas ang outburst ni Maria sakaniya. Madalas silang mag-away kahit maliit na bagay lang.
Nakatulala lang si Lucille. Sobrang lungkot niya para kay Maria.
"Anong pwedeng gawin? Gamot? Surgery? Chemo?" Sunod-sunod na tanong ni Ana.

BINABASA MO ANG
Ana and Maria (The Politician's Affair: Season 2) (gxg)
RomanceMaria Josefa Garcia and Anastasia May Flores are incumbent Governor and Congresswoman of their province, respectively. They've known each other for years, but they never expected to find anything that connects them deeply. In the midst of a chaotic...