Chapter 5

4.1K 199 111
                                    

Maria

"Marj, paki-check nga kung nadala ko yung white flower sa bag" tawag ko sa bunso kong anak.

"Nilagay ko na, Ma. Sigurado ka ba na wala ka nang nakalimutan?" tanong nito saakin at pumasok sa kwarto.

"Okay na. Kagabi ko pa ito inayos" ngiti ko sakanya.

"Mag-enjoy ka doon. Huwag mo akong alalahanin dito kasi uuwi naman araw-araw sila Ate" habilin nito saakin at tinulungan akong ilabas ang isang maleta sa may sala. "Saka matanda na ako" habol pa niyang sabi.

"Noted po, ma'am" pang-aasar ko sakanya.

Hindi naman maiaalis saakin na kahit hindi na siya bata ay bunso parin ang tingin ko sakanya.

"Mauuna na ako, ha? Ikaw na ang bahala rito" huling bilin ko kay Marj at sumakay ng sasakyan.

"Mag-enjoy ka" paalala niyang muli saakin.

Kasalukuyan kong binabaybay ang daan papuntang Airport nang makatanggap ako ng text messages galing sa mga anak ko.

Maica
Don't reveal too much skin, Ma. Ingat & enjoy! I love you.

Mia
Makinig ka sa nanay mo, Maria Josefa. 😂

Marjorie
Bawal may katabi sa room!

Mama
Yes po. All duly noted. Always text me.
I love you all.

Mia
Tatlong araw lang 'yan, Ma. Para namang maga-abroad ka.

Natawa ako dahil ino-okray nanaman ako ng mga anak ko. Magba-bakasyon kasi ako kasama ang mga ka-partido ko bago opisyal na mag-umpisa ang pangangampanya namin.

Pupunta kami ngayon ng Siargao para sa tatlong araw na bakasyon na napag-usapan naming lahat. Alam kasi namin kung gaano kami magiging busy nitong darating na halalan kaya minabuti namin na mag day-off para makapag-pahinga.

Nakarating na ako sa Airport at inalalayan ako ni Mang Rey sa mga gamit. Isang luggage lang naman at isang hand-carry. Habang hinihintay ko ang mga kasama ko sa loob ay naisipan kong pag-tripan ang mga anak ko.

Mama
Sorry for the late reply. I dropped by the drugstore to buy some contraceptives.

Marjorie
MAMA!!!!!! 💀😡

Mia
May bagong bili na walis dito sa bahay. Feeling ko ikaw ang unang madadapuan 'non, Ma. 😇🧹

Maica
I already texted Mang Rey. Ibabalik ka dito sa bahay, Maria Josefa.

Napa-iling nalang ako at natawa.

"Ang ganda naman ng ngiti na 'yan"

Napalingon ako at nakita ko ang naka-ngiting si Ana habang may hawak din na hand-carry at purple na luggage tapos may naka-sabit na purple yoga mat sa balikat niya.

"Hello! Good morning" ngiti ko rito at nakipag-beso. "Nag-almusal kana?"

"Yes. Ikaw ba kumain kana?" tanong nito at umupo sa tabi ko. Nasa waiting area kami.

Ana and Maria (The Politician's Affair: Season 2) (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon