Maria
"Sabihin mo kay Congresswoman Ana, hindi ko na 'yan tatanggapin"
"Ma'am umalis na po yung nagde-deliver e" sagot ni Pat saakin at mukhang namroblema sa sinabi ko.
"Oh sayo nalang" sagot ko at tinuloy ang mga paperworks ko. Hindi ko na ulit ito tinignan.
Thursday ngayon at nandito ako sa opisina ko sa kapitolyo. Ang aga aga ay naaasar na ako kay Ana.
Rinig kong tumunog ang cellphone ko at napatingin ako rito.
Incoming Call
Cong. Ana FloresHindi ko ito sinagot at hinayaan lang mag-ring. Tumigil din naman ito. Ang aga pa para mainis ako sakanya kaya hindi ko muna siya kakausapin.
Tinuloy ko ulit ang pagbabasa ng mga dokumento nang tumunog ang telepono ko dito sa opisina. Sunod ko itong sinagot.
"Good Morning, my Maria" rinig kong bati ni Ana sa kabilang linya dahilan para umikot ang mata ko.
"It's office hours" tipid na sagot ko rito.
"I know. And i'm calling for office matters naman" sagot nito. "We need to have a meeting regarding this one document of yours na pinadala sa office ko"
"Okay sige. Let me check my calendar" sagot ko at tinignan ang calendar sa iPad ko. "I'm available next week. Tuesday"
"Tuesday pa? How about tonight?"
"Tonight? Hanggang 5PM lang ang opisina, Congresswoman"
"Over dinner" sagot nito.
"I think that's inappropriate" sagot ko.
"Edi let's not talk about it muna. Let me just take you out for dinner" pangungulit nito.
"Oh, akala ko ba work-related ang call na ito?" pagsu-sungit ko.
"Sorry na. Please? Let me take you out tonight" malambing na wika nito.
"I can't" sagot ko.
Hindi ito agad sumagot kaya tinuglungan ko na, "Maybe tomorrow"
"Yay!!! Okay. Okay. See you tomorrow, My Maria" pakiramdam ko todo ang ngiti nito.
"By the way, please stop sending flowers na. Sayang lang. Nalalanta lang" lintaya ko sakanya. "Aware naman ako sa message na gusto mo iparating"
"Hmmm, okay." disappointed na wika nito.
"I'll see you tomorrow" wika ko.
"I miss you"
"I miss you" sagot ko at sunod na binaba ang tawag.
Napapikit ako dahil hindi ko napigilan ang pagka-miss ko sakanya. Sana pinigilan ko muna.
Dalawang linggo na kaming hindi nagkikita dahil lagi siyang may lakad sa kongreso sa Maynila. At sa dalawang linggo na 'yon, araw-araw siyang nagpapadala ng bulaklak sa opisina at pati narin sa bahay. Pati ang mga bata ay pinadadalhan niya ng kung anu-ano. Kaya sa loob ng dalawang linggo ay puro sermon ako sakanya dahil sa mga pinapadala niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/309205206-288-k217101.jpg)
BINABASA MO ANG
Ana and Maria (The Politician's Affair: Season 2) (gxg)
RomanceMaria Josefa Garcia and Anastasia May Flores are incumbent Governor and Congresswoman of their province, respectively. They've known each other for years, but they never expected to find anything that connects them deeply. In the midst of a chaotic...