16

287 5 0
                                    

"bring Jane with you" sabi ni Dad kay Lucas.

a smirk formed on his lips.

"Well, if it's fine with her, why not." tugon nito sabay baling ng tingin sakin.

can somebody explain to me why am I in the middle of this whole damn thing?

'you were the supposed heiress of the DMC pero di nangyari yun dahil nag asawa ka to prove yourself'

'and because you're his wife'

gusto ko na lang magwala talaga at mawala. pwede ba akong magtago na lang ulit tas di na magpakita pa.

Paano ba naman, itong si Lucas pupunta raw ng mga office ng DMC around the country to pay a visit and to check how's the company doing on those areas. Maganda naman adhikain nya pero sana di nya na ako dinamay. Imagine nasa 11 ang plano nyang puntahang provinces.

Well, di naman talaga sya, si Dad ang nag suggest. Hindi naman ako makahindi kay Dad. I can't disappoint him more after what he had just found out sa amin ni Lucas.

Napatango na lang ako sa harap ni dad at pinilit ngumiti para lang mapagtakpan ang hindi pag sang ayon ng isipan ko.

Napakuyom na lang ako sa ilalim ng lamesa para di makita ni Dad. Patuloy naman silang nagkwentuhan patungkol sa mga dapat asikasuhin at mga onting pagbabago ng gustong gawin ni Lucas para sa company. Pinagtataka ko lang bakit si Dad kumbinseng kumbinse sa mga pinagsasabi ng isang to. Na parang dati lang simpleng mga bagay halos ayaw nya mabago sa pamamahala ng DMC.

what a great deceiver...

While they're having meeting, nag ring ang phone ni Dad. His assistant gave it to him and whisper something.

"excuse me, I have to take this call" and he went out to answer the phone call.

naiwan lang kami ni Lucas dalawa dito sa table. di naman ganun ka awkward kasi wala namang ni isa samin ang nagbabaling ng tingin sa isa't isa

nakatitig lang ako sa pagkain ko at pinaglalaruan na lang yung mga gulay sa gilid ng plato. Di ko na kaya, feeling ko busog na ako. As usual, nakalahati ko lang yung stake sa plato ko.

inabot ko yung glass sa tapat ko at ininom yung tubig doon. Dad can't drink much wine kaya nag water lang kami, even si Lucas nag water lang rin para sabayan kami ni dad.

habang umiinom ako napansin ko namang si Lucas na tumigil sa pagkain at tumingin lang sakin. syempre di ako papatalo tinitigan ko rin sya pabalik pagkababa ko ng baso

"what?" tanong ko sa kanya

"that's mine." sagot nya sakin habang nagpupunas ng bibig. ako naman naguguluhan sa sinasabi nya

"what do you mean?" nakakunot ko pang sabi sa kanya

tumingin lang sya sakin na parang tagos tagusan sakin

"nevermind." tsaka nya kinuha yung isang glass sa kanang bahagi ng plato ko at doon uminom. tsaka ko lang na realize ang tinutukoy nya.

bigla akong napaubo nang mag sink in sakin na sa kanya pala yung baso na ininuman ko dahil wala pang bawas iyon at yung akin naman kanina ay kalahati na dahil nasanay na akong umiinom ng tubig bago kumain. dun na lang sya uminom sa baso na nainuman ko na.

tumingin sya sakin na parang wala lang sa kanya yung nangyari habang ako di mapakali dahil sa pangyayaring yon.

Seryoso ba? bakit wala lang sa kanya yun? diba dapat nandidiri sya at kinamumuhian ako? di ko takaga maintindihan ang isang to

habang malalim ang pagiisip ko sa nangyayari di ko namalayan nakatingin pala sya sa plato ko na may mga tirang gulay at kalahating stake pa. He put down his fork and knife and reached out for my plate.

Billionaire's Runaway WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon