Kabanata 3

509 10 3
                                    

Awkward.

'Yan ang nararamdaman ko ngayon. Paano ba naman kasi sa loob ng dalawang taon na kasal namin at anim na tao na pagsasama namin sa iisang bahay ito ang kauna unahang nakatabi ko siya.

Bakit kasi ngayon pa na-renovate ang guest room? Bakit ba kasi tatatlo lang ang kwarto dito? Bakit ba kasi... Ay ewan! Basta naiilang ako ngayon.

Kanina pa ako nakatulala dito habang nakatingin sa ceiling habang si Sandro ay mukhang tulog na. Paano ako makakatulog kung ito ang unang gabi na makakasama ko siya sa iisang kwarto?

Ang bilis din ng tibok ng puso ko.

"Stop staring at the ceiling. Just go to sleep, I want to rest." nagulat naman ako biglaang pagsalita ni Sandro. Tumango nalang ako at tumagilid nalang kung saan nakatalikod ako kay Sandro.

Mas mabuti na sigurong ganito ang posisyon ko para mabawasan kahit papaano ang kaba ko.

Nako, buhangin(sand/ro)! Pag ako hindi maaga nagising, sisisihin kita. Grr!

Ipinilit ko nalang na ipikit ang aking mga mata. Hindi ko talaga mapigilan ang puso ko sa pagbilis ng tibok na ito. Ngayon ko lang naramdaman ito, para akong kinakabahan na ewan.


Nagising na lamang ako sa ingay ng alarm ng cellphone ko. Nakatulog din pala ako kagabi, mabuti naman. Tinignan ko ang tabi ko. Wala na si Sandro, mas mabuti iyon kesa naman sabay kaming magising. Malamang ay nasa campaign na naman siya. Wala pang 5 eh umamalis na siya dito sa bahay sapagkat 5 o 5:30 AM nagiistart ang pagaayos nila para sa pagkampanya. 

May pasok rin ako ngayon kaya naman napagdesisyonan ko ng tumayo at bumaba. Nangunot naman ang noo ko ng napansin kong iisang pingan nalang ang nakahain sa lamesa. Bakit iisa lang? Kumain na ba si tita Liza?

"Manang (ate), si tita Liza po?" tanong ko sa isa sa mga katulong dito sa bahay.

"Ah, sumabay na siya hija kay Sir Sandro. Babalik na kasi siya sa Visayas. Doon kasi magkakampanya ngayon si Sir Bongbong."  tumango na lamang ako at naupo na. Tulad ng dati, mag-isa na naman akong kumain.

Nasanay na ako sa ganitong set-up. Kasi madalang lang kami magsabay ni Sandro kumain. Siguro sa isang buwan eh mga 10 o 15 lang na beses kaming nagsasabay kumain. Ilan doon ay kasama ang pamilya namin. 

Tulad nga ng sabi ko. Busy si Sandro sa trabaho niya at ako naman sa pag-aaral ko. Minsan mauuna siyang kakain at papasok, minsan ako naman. Kaya heto ako ngayon mag-isa ulit kumakain. Ilang beses ko ng niyaya mga kasambahay noon pero wala ayaw nila. Para sa akin ay pantay pantay lang kami kaso wala eh, ayaw nila akong sabayan.

Tsaka simula noong nagsimula na ang kampanya, lagi nalang akong naiiwan mag-isa. Hindi naman kasi ako makasama sakanila kai may pasok ako.


Matapos kong mag-ayos ay dumiretso na ako pumasok. Tulad ng dating gawi ko, hindi na ako nagpapahatid pa sa driver ni Sandro. Hindi ako choosy, okay? Ayoko lang na may masabi ang iba. Minsan kasi pagnakikita ka nilang nakakotse at hatid sundo, mayaman kana. Eh hindi nga ako mayaman.

Pagdating ko sa school ay medyo maaga pa. Kaunti pa lamang kami.Pero kahit na uunti kami ay hindi pa rin maiwasan ng mga kaklase ko na magkwentuhan. Isa sa mga pinagkwekwentuhan nila ay si Sandro. Ang asawa ko.

"Alam mo niyo ba na pumunta sa amin kahaponsi Sandro? OMG! Sobrang pogi niya talaga, as in!" Totoo naman.

"Tapos napakabait pa.Magalang pa!" Sainyo oo, sa akin hindi.

"Lastly, sinabi niya na single siya! OMG girl! May pag-asa p tayo." Nako kung alam niyo lang na may asawa siya. At ako 'yun.

"Nako girl! Malayo agwat niyo, duh! 28 na 'yun, ikaw 19 palang." aray ha, tinamaan ako doon.

"Girl, age doesn't matter. Bagay naman kami, so why not?" Aba at!?

Padabog akong napatayo at tinignan silang dalawa. Nagulat naman sila sa inasta ko.

"You okay, Maria?" Tanong ni Jenny. Natauhan naman ako dahil doon. Shemay! Bakit ako nag-react ng ganun!? Ano bang nangyayari sa akin?

"Ah... eh... wala mga beh. May naalala lang ako." ngumiti ako ng pilit at agad na lumabas. Sa labas muna ako habang walang prof. Kailangan kong mahimasmaan, hindi na ako natutuwa sa inaasta ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Samantalang hindi naman ako naapektuhan tuwing pinaguusapan nila si Sandro. May nakain ba akong kakaiba? Tsk.


Natapos ang klase na wala akong naintidihan. Grabe, ito ang unang beses na wala akong naintindihan. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang inasta ko kanina. Hindi naman ako inlove kay Sandro ngunit bakit ganito ako kung umasta? Nababaliw na ata ako.

Naglakad na ako palabas sa gate at sana hindi na ako makita ni Kuya Matthew baka kasi dalhin niya na namanako sa kung nasaan si Sandro. Ayoko muna magpakita o makita si Sandro hangga't hindi ako nahihimasmasan.

Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Phoebe. Sa kanya nalang ako papasundo. Alam ko naman na busy siya sa kampanya pero wala na akong choice. Siya lang maaasahan ko ngayon. Kakausapin ko na rin siya tungkol sa kinikilos ko. 

"Oh napatawag ka?" bungad agad ni Phoebe ng sinagot niya ang tawag ko. Minsan talaga ay may pagkasungit ito.

"Sunduin mo ako." sabi ko. Nahinto saglit sa kabilang linya.

"At bakit? Mamasahe ka nalang." sabi niya. Napailing ako kahit na hindi niya ako nakikita.

"Hindi pwede, kakausapin pa kita." sabi ko.

"Eh bakit hindi ka nalang pumunta dito sa capitol? Nandito naman kami ngayon." Ang kulit talaga ng babaeng ito.

"Ayoko, ayokong makita si Sandro."

"At bakit?"

"Basta! Sunduin mo nalang ako dito please? May sasabihin pa ako ih." Natahimik agad sa kabilang linya.

"Phoebe?" 

"Fine, hintayin mo ako sa may waiting shed." pagkasabi niyang iyon ay pinatay niya na ang tawag. Nakahinga naman ako ng maluwag ahil doon. Kung pwede lang na doon akomakitulog sa kanila ay ginawa ko na. Ang kaso pinagbabawal nila tito Bong na huwag akong makikitulog sa ibang bahay lalo na't paghindi kasama si Sandro. Kahit papaano ay sinusunod ko pa rin bilin nila.

Naupo naman akohabang hinihintay si Phoebe. Medyo malayo layo ang capitol ng Laoag City sa Batac kaya mahaba habang minuto rin ang hihintayin ko. Kinuha ko naman ang libro ko sa history para kahit papaano ay hindi ako mabagot. 

Tourism Management ang kinuha ko para hindi gaanong magastos, gusto ko kasing magtravel ng magtravel. ganoon pa man, hindi pa rin iyon ang unang pinili kong course. Ang dapat kong kukunin ay History kaso hini nag-ooffer ang school ng ganoong course. Mahilig ako sa history, madalas akong nagbabasa ng mga history book at iyon lang ang madalas kong libangan.

Habang nagbabasa ako ay napansin ko ang dalawang paa sa harap ko. Nakayuko kasi ako kaya unang makikita ko ay paa. Nangunot ang aking noo at tinignan ang taong iyon.

"Anong ginagawa mo dito!?" halos pasigaw kong tanong.

"Phoebe told me that you want me to fetch you."

What!?


Secretly Married to Congressman (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon