Kabanata 37

324 8 2
                                    

Election Day

Ito na ang araw kung saan aligaga na ang lahat. Kinakabahan sa kung ano man ang magiging resulta ng election. Napabuntong hininga ako ng malalim habang ipinapasok ko sa machine ang papel na pinagbotohan ko.

Walang imik akong lumabas ng silid-aralan at hindi na nagdalawang isip pa na tumungo sa exit ng paaralan. Hindi ko na nais pang magtagal doon, ang makapagboto lang ang tungkulin ko.

Kahit hindi kami nag-uusap ni Sandro ay ipinagdadasal ko pa rin na sana ay manalo siya sa election. They all deserve to win but I think, time na rin para ipakita ni Sandro ang kaya niyang gawin para sa kapwa niya mamamayan.

At oo, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag uusap ni Sandro. Noong Miting De Avance akala ko ay magkakausap na kami. Akala ko lang pala kasi noong araw na rin na iyon ay ang araw na dumating si Jade at hindi na umalis pa sa tabi ni Sandro.

Doon naglabasan ang mga katanungan kung sino ba si Jade at kaano ano niya si Sandro. Isa lang sagot nila, friends. Nakakatuwang isipin ngunit masakit din sapagkat nakakarinig ako ng mga side comments na bagay silang dalawa.

Ngayon ay patungo ba ulit ako sa bahay ni Sandro. Oo, bumalik ulit ako sa bahay ni Sandro dahil utos iyon ng mga magulang niya at ni mama. Wala raw akong rason para humiwalay kay Sandro dahil asawa niya ako. Nalaman din kasi nila na nagdorm ako noon. Sobrang galit na galit sila mama at lola kaya wala akong choice kundi ang bumalik ulit sa bahay ni Sandro.

Ganoon pa man, simula ng nakabalik ako ay hindi na rin bumibisita si Jade sa bahay ni Sandro. Hindi ko alam kung bakit.

Pagdating ko sa bahay ay nakita kong naghahanda ng maraming pagkain ang mga katulong. Nangunot ang noo ko. Anong meron? Bakit parang may handaan?

"Manang, bakit ang daming pagkain ata ang lulutuin niyo?" tanong ko. Ngumiti naman sa akin ang isa sa kanila.

"Alam mo, Hija gusto lang namin icelebrate ang pagiging new elected Congressman ni Sir Sandro." bahagya akong natawa.

"Manang, wala pa pong resulta at wala pa ngang tanghalian eh. Baka hindi pa nila nacocount ang bilang ng votes ni Sandro." ika ko. Ngunit nginitian lamang niya ako.

"Ano ka ba hija, sure na panalo na si Sir Sandro. Magtiwala ka sa akin. " sabi niya at kinindatan pa ako.

"Paano pag natalo? Edi sayang mga foods" hindi sa ayaw kong manalo si Sandro pero what if matalo siya, diba? Malakas ang kalaban ni Sandro kaya medyo alanganin siya.

"Ano ka bang bata ka! Masyadong negative ang iniisip mo. Sige, pagnatalo si Sandro, magreretire na ako. Pero pag nanalo si Sandro dapat doon ka matulog sa kwarto niya ng isang linggo, deal ba?" nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Manang.

"Manang! Ano po ba yang sinasabi niyo. Jusmiyo! Hayaan niyo na po. Kunwari wala na akong sinabi." pagbabawi ko sa lahat ng sinabi ko ngunit ngumisi lang ang matanda at umiling iling.

"Ay hindi pwede, binitawan mo na ang mga katagang iyon kaya naman sumunod ka sa deal. Kapag di ka sumunod isusumbong ko kay lola mo na hindi pa kayo okay ni--"

"Alright, alright! Deal na, deal na." bakit bigla bigla nalang nangbloblockmail si manang?!

Alas-otsk na ng gabi at rinig na rinig ko pa rin mula sa kusina ang hiyawan at katuwaan ng mga katulong dahil sa radyong pinapakingan nila. Pinapakingan kasi nila ang resulta ng votes na nakuha ni Sandro at kapag may naririnig silang lamang si Sandro ag humihiyaw sila.

Hindi ko rin naman maiwasan ang ngumiti at matuwa sa resulta. Mukhang si Sandro nga ang bagong congressman ng District 1.

Umakyat ulit ako sa kwarto ko at doon palihim na pinapakingan sa laptop ang live ng radyo. Hindi rin ako makapaghintay na malaman ang resulta.

Lumipas ang ilang oras ay ala-una na pala ng umaga. Ni hindi ko ito napansin dahil naging busy na rin ako sa pagbabasa matapos ng live ng radyo.

Wala pa rin hanggang ngayon si Sandro. Ngumiti ako, malamang ay nasa headquarters siya at nagcecelebrate.

Ofcourse, sinong hindi matutuwa at icecelebrate ang pagkapanalo ni Sandro?

Yes, he is now the Congressman of Ilocos Norte District 1.

Lahat ng effort at pagod niya ay nagbunga ng magandang resulta.

Maya maya lang ay nakarinig na ako ng ingay mula sa sala. Hindi na ako nagdalawang isip pa kundi ang lumabas at tignan ang nangayayari.

Nakauwi na si Sandro.

At nakangiti niyang tinignan ang mga handang para sa kanya.

"Congratulations, Sir Sandro!" bati ng mga katulong. Ngumiti ako. Ngunit nagulat na lamang ako sa biglang pagtingin ni Sandro sa gawi ko. Agad akong umiwas ng tingin at hindi malaman kung saan tutungo. Kung sa kwarto ba o sa sala.

"Oh, Ma'am Maria. Gising pa po pala kayo. Halina kayo't samahan niyo kami kasama ang asawa niyo." magalang na sabi ni manang sa akin. Oo nga pala, ma'am ang tawag niya sa akin pagkaharap si Sandro.

Gusto ko man tumangi ay dumiretso nalang ako sa sala. Pagkadating ko doon ay sinalubong agad ako ng mga mata ni Sandro'ng nakatitig sa akin.

"C-congratulations, Sandro..." grabe! Ang awkward!

"Thank you" tipid na sabi ni Sandro. Hindi ko na alam pa ang sasabihin ko. Mabuti na lamang ay agad kaming inabala ni Manang kaya naman ay kahit paano ay naalis kami sa akward situation ni Sandro.

Nagsimula na kaming kumain. I-nireheat nila manang agpagkain kasi hindi naman ito nagalaw kaninang umaga. Akala kasi nila ay uuwi si Sandro matapos niyang bomoto.

Matapos naming kumain ay akmang aalis na ako ng bigla akong pinigilan ng isa sa mga katulong. Lito ko siyang tinignan.

"Baka nakakalimutan niyo po ma'am na may deal kayo ni Manang" maligayang ngiti na sabi niya sa akin. Gosh! Nakalimutan ko yung deal!

"Anong deal iyan?" tanong ni Sandro. Ngunit imbis na magsalita sila manang ay agad nalang nila ako hinila at ganoon din si Sandro.

"Wait! Anong ginagawa niyo?" tanong ni Sandro pero di sumagot ang mga ito.

"Hey!" Sandro again.

Maya maya lang ay narating na namin ang harap ng kwarto ni Sandro.

"What are you guys doing?" litong tanong ni Sandro ngunit hindi ulit siya pinakingan at tinulak na papasok si Sandro sa kwarto niya.

Sakto naman na lumuwag ang pagkakahawak sa akin ng isang katulong. Aalis na sana ako ng bigla nila ako ulit hilain at tinulak papasok sa kwarto ni Sandro.

"Manang teka lang!" ika ko ngunit bago pa man ako makaprotesta ay agad na nilang sinarado ang pintuan. Agad kong inabot ang doorknob baka sakaling makalabas ako ngunit nagkamali ako dahil naka lock ito sa labas.

"Si Manang talaga!" ika ko.

Grabe naman itong deal na ito!

-

[NOT EDITED)

Secretly Married to Congressman (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon