"I know you already found out the reason why I made you stay at my house." simula ni kuya Simon ng makakuha siya ng mga upuan para sa aming dalawa. Naupo naman ako sa upuan habang nakatingin sa lawa na nasa harapan namin.
"Hmm, and I felt bad for yelling at you. I'm really sorry kuya Si. Hindi ko man lang pinakingan rason mo, nagalit ako sayo nang hindi man lang iniisip na maaring inilalayo mo lang ako sa kanila. I'm really sorry kuya. I'm really really sorry." maluha luha kong sabi. Tumayo naman siya at pumunta sa pwesto ko at naupo sa harapan ko. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at tinignan ako sa mga mata ko.
"You don't need to say sorry. I should be the one na mag-sorry. You're my brother's wife, and I shouldn't do that. Tama ka sa lahat ng sinabi mo." ika niya at pinunasan ang luha na tumulo mula sa mata ko.
"Still, gusto ko pa rin mag-sorry... I'm really sorry kuya..."
"Shh, it's okay. Tahan na, it's okay." sabi nito at hinaplos ang buhok ko para pakalmahin ako.
"So Jade is there, how are you?" Kuya Simon
"Okay naman kuya, tsaka huwag kang mag-alala kuya Si, ayos lang sa akin na nandoon si Jade. Hindi naman kami nagmamahalan ni Sandro so kahit na nadyan o wala si Jade, ayos lang. Ganoon pa rin naman kami sa dati." paliwanag ko at yumuko. Nakarinig naman ako ng mahinang pagtawa mula kay kuya Simon. Bakit siya tumatawa?
"You can't hide to me anymore Maria. I know you, I can read you, I know you're already inlove with him." seryosong sabi niya. Napatingin naman agad ako sakanya. Paano niya nalaman? Wala naman akong naalala na sinabi ko ah? Meron ba?
"H-hindi kaya." Bakit nauutal ako!?
"You can't lie to me, Maria. The way you look at him, the way you get mad at me, and the way I see your situation today. I know you're already inlove with my brother." hindi talaga ako makakapagtago kay kuya Simon.
"Congrats, finally. Mahal mo na si kuya." humina ang boses niya ng sabihin niya ang mga katagang iyon. Magsasalita pa sana ulit ako ng inunahan niya na.
"But if he hurt you again, I swear... Kukuhanin na kita sa kanya." nangunot naman ang noo ko ng bangitin niya iyon, anong ibig niyang sabihin?
"What do you mean kukunin?" litong tanong ko.
"Basta. For now, let's stay here for an hour and then I'll drive you home, okay?" lito man sa sinabi ni kuya Simon ay tumango nalang ako.
Natahimik ulit ang buong paligid, ni isa sa amin ay hindi nagsalita. Kung tatanungin niyo ako kung nabawasan ba iyong sakit na nararamdaman ko? Hindi. Hindi pa rin nababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Para bang may kulang. Para bang may hindi sapat. Hindi ko alam kung ano pero may kulang talaga.
"So let's go?" pagbasag ni kuya Simon sa katahimikan. Tumango naman ako. Sabay na kaming tumayo at umalis sa lugar na iyon.
"Salamat, kuya Si." sabi ko ng makarating na kami sa bahay ni Sandro. Oo, nagpahatid pa ako dito hindi para mag-stay dito kundi para ayusin ang mga gamit ko. Hindi ko pinaalam kay kuya Simon na maghahanap ako ng dorm at aalis ako pansamantala dito sa bahay ni Sandro. Tulad nga ng sabi ko, gusto kong mapalayo muna sa kanila lalo na kay Sandro.
"Always welcome, call me if you need something, okay?" tumango nalang ako. Nagpaalam na siya at umalis habang ako naman ay pumasok na sa loob ng bahay ni Sandro. Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko si Jade na nakahiga sa sofa ay natutulog. Nakakumot pa ito. Bakit diyan siya natutulog? May kwarto naman sa taas?
Hindi ko nalang gaanong tinuunan ng pansin si Jade at dumiretso na sa kwarto ko. Napaatras ako ng biglang bumukas ang pintuan. Bumungad dito si Sandro.
"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" nakabusangot kong tanong sa kanya. Ngunit hindi niya ako kinibo at hinila nalang papasok ng kwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang nilock ang pintuan.
"Ano sa tingin mong ginagawa mo!?" halos sigaw kong tanong sa kanya. Soundproof naman itong kwarto ko kaya walang makakarinig ng boses ko sa labas.
"I told you to stay away from him, diba!?" galit na sabi niya.
"And!? Wala kang pakealam kung gustuhin kong kasama si kuya Simon o hindi! Ako masusunod sa sarili kong desisyon!" sagot ko sa kanya.
"I'm your husband so listen to me!" galit na sabi niya.
"asawa lang kita sa papel! Pwedeng mawalan ng bis aiyon pag nag-annulled na tayo kaya wala kang karapatan para pigilan ako sa mga gusto kong kasama!" galit na sabi ko pabalik.
"What did you just said!?" nagulat nalang ako ng agad niyang hinawakan ng mahigpit ang mga braso ko.
"Sandro nasasaktan ako!" sabi ko at pilit na inaalis pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko.
"Hindi tayo mag-annulled, tapos ang usapan!" sabi niya at binitawan ang pagkakahawak sa braso ko.
"Diba sinabi mo noon na mag-annulled tayo? Tumupad ka dapat sa usapan! Sa ayaw at gusto mo mag-aanulled tayo para maging mas-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglaan niya na lamang ako hinalikan ng mariin.
Hindi agad ako nakapagpumiglas dahil sa lakas ng pwersa niya ng halikan niya ako. Sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin ngunit hindi ko kaya. Masyado siyang malakas.
Pinaghahampas ko siya sa dibdib niya upang humiwalay siya sa pagkakahalik sa akin. Walang tigil ang pagpatak ng luha ko.
Bakit ba siya ganito? Bakit lagi nalang na ganito siya umakto? Nasasaktan na ako, hindi niya ba nakikita iyon!? Maya maya lang ay humiwalay siya sa pagkakahalik sa akin.
Tumingin kami sa isa't isa. Bakit ka ganito Sandro? Bakit lagi mo nalang pinaglalaruan ang nararamdaman ko.
"Diba I told you before na kalimutan mo na mga sinabi ko noon? Can you please listen to me? Kahit minsan lang? Believe me, love. Please..."
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari sapagkat natagpuan ko na lamang ang sarili ko na hinalikan pabalik si Sandro.
BINABASA MO ANG
Secretly Married to Congressman (A Sandro Marcos Fanfiction)
FanfictionSecretly married to a man who has so many supporters and running for a congressman is very hard to handle. Isipin mo nalang ang araw-araw na pag-alis nito, ang araw-araw na pangangampanya, araw-araw na makakarinig ng mga sigaw at tili ng mga dalagi...