Kabanata 36

517 11 8
                                    

A month ago...

Ilang araw na ang nakakalipas simula noong inamin sa akin ni Sandro na mahal niya ako. Medyo hindi pa ako sanay sa pagiging sweet niya sa akin pero natutuwa pa rin ako.

Madalas ay hinahatid niya ako sa school. Doon ako bumababa sa kakaunti ang tao. Hindi naman na ako nahihirapan kasi si Sandro na mismo gumagawa para hindi kami ma-expose.

Noong una ay gustong gusto niya ng i-reveal ang tungkol sa amin pero pinigilan ko siya kasi tiyak na mahihirapan siya sa pagkampanya niya. Madaming tao ang gustong gusto siya at tiyak na kapag kumalat sa social media na kasal siya ay baka i-cancel siya dahil sasabihin na nagsisinungaling siya ng mahigit sa dalawang taon. Ayos lang sa kanya kung walang bumoto sa kanya ang mahalaga ay pinakita niya ang best niya at naiintindihan ko iyon ngunit mainit sa mata ng mga tao ang pangalang Marcos kaya kailangan niyang magdouble ingat. Mabuti na nga lang ay nakinig siya sa akin.

Sabado ngayon at busy ako sa pakikinig ng music. Wala si Sandro dahil nagkakampanya pa rin siya. Oo, wala talagang pahinga pagdating sa pagkakampanya. Kung pwede lang siyang tulungan ay ginawa ko na ngunit iniingatan ko rin kapakanan namin.

Tumayo ako ng may naisip akong idea. Tutal pagod naman si Sandro pag-uwi. Tiyak na magugustuhan niya kapag nagluto ako ng pagkain para sakanya. Nirequest niya nga sa akin iyon noong nakaraan eh.

Sa totoo lang, simula noong araw na nagkaaminan kami. Kapag may time siya, siya ang nagluluto ng pagkain namin. Masarap kaya magluto si Sandro. Favorite ko 'yung niluto niyang sinigang na baboy, hehe.

Pero syempre bilang asawa kailangan ko rin na lutuan siya at gusto ko ring tuladin ang request niya. Gusto ko rin bumawi masyado na siyang sweet sa akin, kailangan ko rin gawin iyon pabalik sa kanya.

Dumiretso ako sa kusina at nag-umpisa ng maghanap ng ingredients. Lulutuan ko siya ng Pinakbet, isa sa mga delicacies ng Ilocos Norte. Sana magustuhan niya.

Nang matapos ko ng lutuin ang pagkain ay sakto rin ng pagtawag niya. Ang sabi niya sa akin ay maaga raw siyang uuwi kaya tuwang tuwa ako. Wala ng sasaya pa kung maaga uuwi ang asawa mo at sabay kayong kakain ng panggabihan.

Pero mas masaya kung buong magkakapamilya ay sabay sabay na kakain sa hapag-kainan. Speaking of family... Namimiss ko na sila lola. Yayain ko kaya si Sandro na roon kami matulog?

Tatawagan ko palang sana si Sandro ng nakaramdam ako ng isang yakap mula sa likod ko. Kasabay noon ang paghalik ng malumanay nito sa may leeg ko.

"Sandeng naman, sabi ko sayo huwag kang manggugulat eh." angal ko. Ang hilig talaga netong magsurprise.

"I just want to surprise you." oh diba.

"Alam ko iyon. Uh, by the way kumain kana ba?" tanong ko. Gusto ko lang manigurado kasi baka kumain na siya sa labas.

"Yup." Oh...

"Ay sayang, nagluto pa naman ako." medyo disappointed na sabi ko. Nakita ko naman ang pangiti niya.

"Just kidding! Hindi pa ako kumakain. I know naman na magluluto ka for me. I don't want to miss my wife's cook." ika niya at umalis sa pagkakayakap sa akin.

Clingy si Sandro, aminado ako doon pero pagdalawa nga lang kami. Also, he prefer kiss than hugs. Oo mga beh, totoo 'yung sagot niya doon sa ' Hug or kiss?', he likes kissing me. Kung saan saan minsan sa pisngi, minsan sa leeg, madalas sa labi. Pero puro smack lang. Noong una nga nahihiya pa ako pero ngayon nasasanay na.


"After this, may pupuntahan tayo" sabi ni Sandro habang kumakain kaming dalawa. Tinignan ko naman siya na medyo curious.

Secretly Married to Congressman (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon