Kabanata 38

361 6 1
                                    

"Anong deal iyon?" napatingin ako ng saglitan kay Sandro ng tanungin niya iyon. Hindi pa rin ako umaalis sa pintuan at pilit ko pa rin itong binubuksan.

"Wala, dineal lang ako nila manang pero sa amin na iyon." simpleng sagot ko. Hindi naman na ako nakarinig ng salita mula kay Sandro.

Sinubukan ko ulit galawin ang doorknob. Bakit ba kasi may lock ito pati na rin sa labas? Anong nasa isip ni Sandro at pinalagyan niya rin ng lock sa labas? Hays!

"You can't open that. Kung nakalock na talaga sa labas iyan, you can't do anything about it." Sabi ni Sandro, napansin ko naman na may kinukuha siyang damit sa cabinet niya.

"I'll take a shower first." hindi ko na lamang siya pinansin. Medyo kinakabahan ako ngayon dahil kasama ko siya. Ewan, parang naaawkward'n ako ngayon sa kanya.

Mababaliw na ata ako. Hindi ko alam bakit hindi ako tumutol ng tumutol kay manang kanina. Sa tagal ng di namin gaano pag uusap ni Sandro ay pakiramdam ko parang hiwalay na kami.

Napahinga nalang ako ng malalim at dumiretso sa kama upang kumuha ng unan. Doon nalang ako sa mini sofa ni Sandro matutulog.

Kung iniisip man nila manang na matutulog ako doon sa bed ng Sandro ay nagkakamali sila!

Nahiga na ako sa sofa ni Sandro at pilit na ipinikit ang aking mga mata. Gusto ko ng matulog para di na kami gaanong mag usap ni Sandro. Kunti nalang titiisin ko, matatapos lang din ang lahat ng ito.

"Bakit nandyan ka?" nagulat nalamang ako sa biglaang pagtanong sa akin ni Sandro. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko na nakatingin na pala siya sa akin. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso. Jusko self! Kumalma ka!

Agad ko naman siyang tinalikuran.

"Dito na muna ako matutulog habang hindi pa binubuksan ni manang ang pintuan." ika ko. Ngunit wala na akong narinig mula sa kanya.

"Teka!? Anong ginagawa mo!?" halos pasigaw kong sabi ng naramdaman ko nalang na binuhat niya ako ng bridal style.

"Ibaba mo ako Sandro!" pagpupumiglas ko ngunit makulit siya at dinala niya ako sa higaan niya. Doon ay binaba niya ako. Akmang aalis na sana ako ng pinigilan niya ulit ako.

"Asawa kita at hindi ako papayag na matutulog ka sa sofa." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Umiwas naman ako ng tingin.

"Sa papel lang tayo mang-asawa. Later on, mag-annulment din tayo..." mahinang sabi ko. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak niya sa akin.

"Bakit lagi mo nalang sinasabi ang annulment?" tanong niya sa akin. Hindi agad ako nakakibo. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko dahil sa kaba, takot at sakit na nararamdaman ko. Naghalo halo ang nararamdaman ko ngayon.

"Bakit ba lagi mo nalang akong sinasaktan?" mahinang sabi niya na mismong naging dahilan bakit napatingin ako ng masama sa kanya. I can't believe him! Siya pa may gana sabihin na lagi ko siyang sinasaktan? Eh siya nga mismo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganto!

"Talaga ba Sandro? Sinasaktan kita?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Naramdaman ko nalang na unti unti ng nagiinit ang gilid ng mga mata ko hudyat na tutulo na ang mga luha ko ng ano mang oras.

"Sinabi ko na sayo, huwag mong isumbat sa akin na sinasaktan kita kasi alam natin dalawa ikaw ang may mali dito! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito sayo! Ikaw ang dahilan kung bakit gusto ko ng tuluyan tayong maghiwalay!" at sa isang pikit, tuluyan na ngang bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko.

"Hindi mo ba kayang pakingan ang paliwanag ko?" sabi nito at yumuko. Naramdaman ko nalang ang pagbitaw niya sa akin.

"Para saan pa Sandro? Nung araw na iyon ang nagpapatunay na--"

"na tapos na kami ni Jade, na ikaw na ang pinili ko kesa sakanya. That I end up everything. Because you're the one that I want and hindi siya. Ikaw na ang mahal ko Maria, ikaw lang at wala ng iba." natahimik ako dahil sa sinabi niya. Tama ba ang naririnig ko? O nanaginip lang ako?

"That kiss? One last kiss na iyon. Humingi siya ng favor if I can kiss her for one last time. Noong miting de avance, nagpapaalam na siya sa akin noon para bumalik sa ibang bansa. I want to fix everything simula pa noong miting de avance ngunit nawalan ako ng oras." hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi ko na rin mapigilan ang mga pagpatak ng luha ko. Naramdaman ko nalang ang paghawak niya sa pisngi ko at ang pagpunas niya sa luha ko.

"Alam kong nasaktan kita ng sobra, I know that telling you this is not enough para patawarin mo ko but please give me a chance, give me a chance to love you, to show you that you are the one that I want and love. Mahal na mahal kita Maria, at ayoko, hindi ako papayag na mag-anannull tayo. I want you to be mine forever. I want you to be the my wife and mother of our soon to be son and daughter. I love you, Maria, I always do." he confessed. Hinawakan ko naman ang mga kamay niya na patuloy pa rin ang pagpunas sa mga luha ko.

"I'm sorry, Sandro. I'm really sorry..." simula ko, hindi ko na rin mapigilan ang paghikbi ko. Aalisin niya na sana ang mga kamay niya sa pisngi ko ngunit pinigilan ko siya.

"I'm sorry kung hindi kita pinapaliwanag, I'm sorry if I keep pushing you away, I'm sorry if I didn't notice na nasasaktan na rin pala kita. Mahal na mahal kita, Sandro. At hinding hindi ako magsasawang sabihin iyon sa iyo. Sana, sana nakinig nalang ako sa paliwanag mo. Sana hindi ako nagpadala sa emosyon ko, sana--"

"Shh, I understand my love. I understand." hindi na ako pinatapos ni Sandro at agad niyang hinalikan ang mga kamay ko.

"I love you so much, mi amor" bangit niya. Ngumiti naman ako habang tinitignan siya. He started to lean in.

"I love you more, my Congressman."

And with that, once again, I felt his lips touched mine.

Secretly Married to Congressman (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon