Kabanata 23

425 9 1
                                    

2 year ago...

Napahampas ako sa lamesa dahil sa inis. Bukas na ang final exam namin ngunit ni isa sa mga nareview ko ay hindi ko man lang maalala.

Sa dami ng problema na nangyayari sa akin ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Final exam na namin tapos nabalitaan ko pa na sinumpong ng sakit ang lola ko. Gusto ko mang pumunta ay hindi ko magawa dahil na rin hinihintay ko si Sandro.

Halos magiisang taon na kaming kasal ni Sandro at dahil matagal na kaming kasal ay napagdesisyunan na namin na magpanggap na mahal namin ang isa't isa sa harap ng mga magulang namin. Kaya naman tuwing uuwi kami sa bahay ng magulang namin ay kailangan magkasama kami palagi para mas magmukhang totoo na mahal namin ang isa't isa.

Isang linggo ng hindi umuuwi si Sandro. Noong una ay ayos lang sa akin para wala rin akong problemahin dahil mag-fifinal exam na kami. Kailangan kong mag-focus. Ngunit noong isang araw lang ay nalaman ko na sinumpong ng sakit niyang diabetes ang lola ko kaya sinugod siya sa hospital.

Hindi ako makabisita dahil malayo ang Provincial Hospital dito sa bahay nila Sandro. Pag nagbyahe ako mag-isa ay sigurado magtataka silang lahat kung bakit nagcommute ako eh simula noong kinasal kami ni Sandro ay hatid sundo niya ako noon sa pamilya ko. Natatakot ako na mag-alala sila lalo na si lola.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ulit si Sandro ngunit pinatay niya na naman ang tawag ko.

"Sandro naman eh!" hindi ko na mapigilan pa ang mga luha ko dahil kusa na itong pumatak. Dinial ko ulit ang number ni Sandro. Ilang ring lang ay sinagot na niya ang tawag.

Finally, sinagot niya na rin.

"Sandr-"

"Can you stop calling me? I'm busy!" pagkasabi niyang iyon ay agad niyang pinatay ang tawag. Pero hindi ako tumigil na tawagan siya ulit. And for the second time, sinagot niya ulit.

"What do you want!?" kahit hindi ko man makita reaksyon niya ngayon. Alam ko na galit na siya dahil sa pagpupumilit ko.

"Can you come here? Samahan mo ako kila lola, please..." paki-usap ko. Minsan lang akong maki-usap Sandro kaya sana pumayag ka...

"Can't you just go on your own?!" Sandro

"Pero Sandro, sabi mo kailangan na--"

"Forget about it! I'm busy right now so stop calling me!" Sandro

"Okay... I'm sorry." hindi ko na siyang hinintay na patayin ang tawag. Kusa ko na itong pinatay. Napahinga ako ng malalim. Siguro nga ay busy siya. Dapat hindi ko nalang siya inistorbo.

Bahala na.

Tumayo ako at dumiretso sa kwarto para mag-ayos. Pupuntahan ko sa hospital si lola. Wala na akong pake kung magtanong pa sila o hanapin nila si Sandro. Magdadahilan nalang ako. Kailangan na rin nilang masanay na hindi hanapin si Sandro tuwing pupunta akong mag-isa sa kanila. Sapagkat hindi naman talaga kami nagmamahal ni Sandro.

-

Nakarating na ako sa hospital at inaasahan ko na ang mga tanong nila.

"Nasaan si Sandro?"

"Bakit hindi mo kasama si Sandro?"

"Bakit mag-isa ka lang?"

Nginitian ko lang sila ng pilit. Kahit kailan ay hindi ako ngumiti ng pilit sakanila ngunit ngayon, nagawa ko na.

"Lola, hindi siya pwedeng sumama dito kasi public place ito. Paano kung may makakilala sa kanya? Edi nabuking na yung tungkol sa amin? Mas mabuti ng hindi muna siya sumama ngayon. De bale, sabi niya naman sa akin na babawi siya pag nakauwi ka na sa bahay." pagsisinungaling ko kay lola. Nasasaktan ako dahil simula noong tumira ako kay Sandro wala na akong ginawa kung hindi ang magsinungaling kila lola. Ayokong magsinungaling sa kanya ngunit kailangan.

" Ganoon ba? Sige aasahan ko iyan ha." masayang sabi nito. Nginitian ko lang si lola at hinaplos haplos ang buhok nito.

-

Pagsapit ng hapon ay nagpaalam na ako kila lola na uuwi na ako dahil magrereview pa ako para sa final exam ko. Bukas din ay makakalabas na sa hospital si lola kaya kampante na ako na kahit papaano ay magiging maayos na siya.

Habang naghihintay ako ng sasakyan ay hindi ko maiwasan ang mapaisip sa mga tanong nila sa akin. Ano nalang kaya iisipin nila kapag sinabi ko na hindi ko talaga mahal si Sandro? Na hindi kami magmamahalan ni Sandro? At nagpapanggap lang kami na masaya sa isa't isa? Ano nalang kaya sasabihin nila kung sinabi ko na napaka-cold sa akin ni Sandro?

Ganoon pa man ay hindi ko talaga kayang sabihin sakanila. Kahit na ganoon si Sandro sa akin ay hindi ko maiaalis na ang katotohanan na napakabait ni Sandro pagdating sa magulang ko. Tulad nga ng sabi ko noon. Mabait si Sandro sa iba ngunit sa akin ay hindi.

"Thank you, Sandro."  napalingon ako sa babaeng nagsabi noon na kabababa lang sa isang kotse. Nagkibit balikat nalang ako at tinuon ulit ang pansin ko sa kalsada. Dapat ay hindi ako basta basta lumilingon tuwing naririnig ko sa ibang tao pangalan ni Sandro. Malamang maraming Sandro dito sa lugar namin, hindi lang naman siya ang may pangalan na Sandro.

"You're always welcome. Call me when you get there, okay?" nanlaki ang mata ko ng marinig ko iyon. Alam ko kung kaninong boses iyon.

Kay Sandro.

Nilingon ko ulit ang pwesto ng babae kanina at doon ko nga napatunayan na si Sandro iyon. Agad akong nagtago sa may gilid para hindi ako makita ni Sandro. Anong ginagawa niya dito? Nevermind, baka katrabaho niya lang at kailangan na ihatid dito sa hospital.

"Okay! Thank you for coming to the party and sending me here. I'm so sorry for asking you to send me here but anyways, I'll call you once I enter the room." Nakaramdam ako ng bigat sa katawan ng marinig ko ang sinabi ng babae sakanya. Akala ko ba busy siya? Busy pero nasa party? Nagalit pa siya kasi tawag ako ng tawag.

Napapunas ako ng takas na luha ko at sinubukan na ipakalma ang sarili ko. Sabagay, ano pa bang aasahan ko? Alam ko naman na mas importante ang party niya kesa sa akin.

"No worries, I got to go." rinig kong paalam ni Sandro. Sakto naman na pagpasok niya ng kotse niya ay iyon din ang paghinto ng tricycle sa harapan ko. Sumakay na ako dito at sinabi sa driver ang uuwian ko.

Hindi dapat ako nasasaktan ng ganito dahil alam ko naman na dapat wala kaming pake sa isa't isa ngunit bakit kailangan na magsinungaling siya sa akin? Gusto ko lang naman na magpasama patungo sa hospital kasi alam ko hahanapin siya ng pamilya ko lalo na si lola. Hindi ko naman siya kukulitin ng ganun kung hindi importante eh. Hindi niya man lang ba napansin iyon?

-

to be continued...

Secretly Married to Congressman (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon