Katahimikan...
Iyan lamang ang masasabi ko sa ngayon matapos ng mangyari kanina. Hindi ako makaimik, nananatili akong nakahiga at nakatingin sa kabilang parte ng kama ko. Nakatalikod ako sa kanya. Kay Sandro.
Oo, dito siya natulog sa kwarto ko. Hindi ako makalingon sa kanya sapagkat tuwing sinusubukan ko ay lalong namumula ang mukha ko.
Huwag kayong mag-alala, walang nangyari. Walang wala talaga. Nahihiya pa rin ako sapagkat matapos kong bangitin ang pangalan niya ay agad na siyang lumayo sa akin.
Mukhang natauhan siya sa nangyari. Noong akala ko ng lumabas na siya at dumiretso sa kwarto niya ay magpapahinga na siya. Ngunit mali ako, sapagkat kumuha lang pala siya ng karagdagang unan. Oo, tatabi raw siya sa akin.
Hindi nalang ako umangal sapagkat nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. Normal lang naman siguro iyon diba? Asawa ko naman siya diba? Hays.
Hindi ko na talaga maintindihan si Sandro.
At dahil hindi ako makatulog ay tumayo ako at akmang lalabas ng hawakan ni Sandro ang kamay ko.
"Where you going?" tanong niya. Gising pa pala itong isang ito.
"I can't sleep, gusto ko munang tumambay sa labas" sagot ko ngunit imbis na hayaan niya ako ay hinila niya nalang akong bigla kadahilanan para mapahiga ako ulit.
Agad naman niya akong siniksik sa sarili niya at niyakap ako.
"Let's go to sleep, love. Delikado na sa labas." nag-init na naman ang mukha ko ng sabihin niya ang mga katagang iyon.
Ito ang unang beses na tinawag niya akong 'love' ng hindi kaharap ang mga magulang namin. Napabuntong hininga ako sa kadahilanang hindi ko na maintindihan kung bakit ganito siya kung umasta.
Oo, aminado na ako. Unti unti na akong nahuhulog sa kanya. Ngunit siya ba? Unti unti na ba siyang nahuhulog sa akin?
"Alexander..." tawag ko, hindi ko siya madalas na tawaging Alexander. Tinatawag ko lang siyang Alexander kapag seryoso ako sa paguusapan namin. Napansin ko naman ang pag luwag ng yakap ni Sandro sa akin. Alam niya na siguro ang ibig sabihin ng pagtawag ko sa pangalan niyang Alexander.
"What do you want to ask?" tanong niya. I sigh.
"Bakit ganito ka umasta?" tanong ko pabalik.
"What do you mean?" Sandro
"Naninibago ako sa kinikilos mo." Pag amin ko.
"I just want to be a husband to you. A husband who treats his wife better. Because I felt like you've been avoiding me lately. Gusto kong bumawi. Kahit ngayon lang." namula lalo ang pisngi ko ng sabihin niya iyon sa akin.
Kikiligin na ba ako? Ano ba itong pinagsasabi ko!
Tumabi nalang ulit ako sa kanya at pinilit na ipikit ang mga mata ko. Ngunit hindi pa rin talaga ako makatulog. Patuloy ko pa rin na iisip ang nangyari kanina. Humarap ako kay Sandro at napansin ko na mahimbing na itong natutulog. Ngumiti ako, hindi ko aakalain na magiging ganito si Sandro sa akin.
Naninibago man ako sa kinikilos niya, natutuwa pa rin ako kasi ganyan siya umasta. Napangiti ako ng mapait ng naalala ko ang araw na dumating ako sa kanila.
Flashback...
6 years ago...
"Anak, magbless ka kila sir Bongbong at ma'am Lisa." sabi ng mama ko sa akin. Lumapit naman ako sa dalawang mag-asawa na nasa harapan ko at nagmano tulad ng sinabi ni mama sa akin.
Hindi ko sila kilala sapagkat ngayon ko lang sila nakita.
"Ang laki na pala ng iyong anak Marie." sabi ng lalaki, ang pangalan niya ata ay Bongbong. Sino sila? Mukhang mayayaman.
"Ilang taon na?" tanong ng asawa siguro ni sir Bongbong. Sir na rin ang tawa ko dahil tinawag siyang sir ni mama. Marahil ay ito ang boss ni mama dati. Pupunta na kasing ibang bansa si mama at 'di ko maintindihan kung bakit pati ako ay mag-eempake. Sasama kaya ako ni mama sa ibang bansa? Imposible namna.
Sabi niya kasi magempake raw ako ng mga gamit ko dahil may pupuntahan kami. Nagtanong ako kung saan ngunit hindi niya ako sinagot. Tinanong ko kung sasama sila tita at lola ngunit hindi niya pa rin sinagot tanong ko. Ano ba yan.
"14 sir" sagot naman ni mama.
"Oh, she's still young." sabi ni ma'am Liza at tinignan ako. Awkward naman akong napangiti sa kanya. Nahihiya ako.
"Oo nga po eh. Sana ay alagaan niyo po siyang mabuti." Huh? Alagaan ng mabuti?
"Of course, we will. After all, wala akong anak na babae." Sagot ni ma'am Liza. Anong ibig sabihin nito?
"Salamat po." pasalamat ni mama.
"You're always welcome. Gusto rin naman naming tulungan kayo para masuklian ang pagiging mabutingtao sa amin ng father mo." Nalilito man ay pinilit ko pa ring intindihin sila mama.
Hanggang sa naliwanagan na ako. Kaya pala pinaempake ako ni mama kasi doon na raw ako sa bahay ng panganay ng anak nila tita Liza at tito Bong titira.
"Pero ma, ayoko po. Nag-aaral pa ako, malayo school ko dito. Tsaka paano sila lola at tita? Sinong kasama nila? Ma, ayoko po. Doon nalang ako kila lola." magiyak ngiyak kong sabi. Ngunit hindi pa rin pumayag si mama. Para raw ito sa ikakabuti ko. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod.
Walang tigil ang pagluha ko sapagkat parang pinaampon na ako ni mama. Ngunit, ipinaliwanag sa akin nila tita Liza na hindi naman daw ako pinapaampon ni mama. Gusto lang daw nila tumulong. Pinilit ko nalang tanggapin lahat. Sabi nila maari naman daw akong bumisita kila lola. Kaya naman tatangapin ko na kahit na masama pa rin ang loob ko.
"Kain ka ng mabuti diyan hija, ha? Bukas na bukas ipapakilala kita sa mga anak ko at s'yempre, ihahatid na rin namin ikaw sa bahay ng panganay kong anak. Huwag kang mag-alala hija, may mga yaya naman doon kaya hindi ka mabobored pag wala si Sandro." paliwanag ni tita Liza.
Sino si Sandro?
Kinabukasan ay maaga ako nagising dahil na rin sa ingay na nagmumula sa sala. Naghilamos at nag ayos muna ako bago bumaba. Doon nakita ko si tita Liza kasama ang tatlong lalaki na ngayon ko lang nakita. Wala si tito Bong, baka nagtrabaho na.
"So, our hija is already awake. Come here hija. Sakto, kakain na rin tayo ng umagahan." sabi ni tita Liza. Sumunod naman ako, mabuti nalang ay sabado ngayon. Wala kaming pasok.
"Bago tayo magbreakfast. Let me introduce my sons first." Sons? Ibig sabihin ay anak niya ang mga ito. Mga binata na sila. Siguro ay mga nasa 20 na sila.
"Let me introduce my bunso. Vincent Marcos or you can call him kuya Vinny. He's 18 years old." Ang tanda niya na ngunit may itsura siya, gwapo at maputi.
"Hello, Maria! Nice to meet you." Ngiting sabi nito. Ang cute niya ngumiti. Mahahalata mo talaga na bunso siya.
"And my second son, Simon Marcos. 20 years old." turo naman ni Tita Liza sa isang niyang anak. Ngumiti lang ito sa akin at hindi kumibo.
"Lastly my older son. Sandro Marcos. He's 21 years old. Turning 22 next month." Tinignan ko naman ang anak ni Tita na si kuya Sandro ngunit hindi niya ako tinignan pabalik. Pinagpatuloy niya pa rin ang pagbabasa.
"Don't mind him, hija. He's busy kasi sa studies niya dahil malapit na siyang grumaduate. Makikilala mo rin siya niya. Lalo na't doon ka titira sa bahay niya."
"What!?"
"Po!?"
to be continued...
BINABASA MO ANG
Secretly Married to Congressman (A Sandro Marcos Fanfiction)
FanfictionSecretly married to a man who has so many supporters and running for a congressman is very hard to handle. Isipin mo nalang ang araw-araw na pag-alis nito, ang araw-araw na pangangampanya, araw-araw na makakarinig ng mga sigaw at tili ng mga dalagi...