Kabanata 18

381 8 4
                                    

"Ano kaba Phoebe. Huwag ka ngang magbiro ng ganyan." naiilang kong sabi ko sakanya. Nagbibiro lang naman siguro siya diba? Imposible namang magkagusto sa akin si kuya Simon eh asawa ako ng kapatid niya. Tsaka parang kapatid na turing namin sa isa't isa tapos ngayon magkakagusto siya sa akin? Hindi pwede iyon.

"Ikaw bahala kung anong gusto mong paniwalaan. Basta ako, sinabi ko ang gusto kong sabihin." ngumiti siya ng tipid sa akin at nagpaalam na may kukunin lang sa kabilang sasakanyan. Tumango naman ako at naupo sa isang upuan na nilagay nila dito sa sasakyan. Dito kasi kami uupo para hindi kami mapagod kakatayo.

Hindi ko naman maiwasan isipin ang sinabi ni Phoebe. Hindi naman siguro totoo iyon diba? Imposibleng mangyari na magkagusto talaga si kuya Simon sa akin. Hinding hindi siya magkakagusto sa akin kasi asawa ko ang kapatid niya at hindi magandang pakingan o malaman ang ganoon.

I sigh. Dapat masaya kami ngayong araw na 'to pero bakit ganito naman ang nalalaman ko? Ay basta! Alam ko sa sarili ko na hindi ako gusto ni kuya Simon.

-

Maya maya lang ay nag-sidatingan na ang ibang kandidato na part ng Team Marcos. Napangiti naman ako ng nakita ko si kuya Vinny na paakyat na sasakyan ko. Hindi rin nagtagal ay napatingin sa gawi ko si kuya Vinny at agad na lumapit sa akin.

"Ui! It's been a while." masiglang sabi niya. Kahit kailan talaga hindi nawawalan ng energy itong si kuya Vinny.

"Yup, kamusta ka naman kuya? Kamusta pagkakampanya niyo?" tanong ko. Naupo naman siya sa tabi ko.

"I'm alright, if you just come along with us? You might probably enjoy the beauty of the places we went to. I know that's one of your dreams." paliwanag niya. Tumango ako na may ngiti sa labi.

"Good to hear that kuya. Oo nga pala kuya, asan si Sandro?" mahinang tanong ko. Baka kasi may makarinig sa amin.

"Ah, he's with Atty. He said he will ride there first and then later on he'll join us here.."

(Hindi ko na imemention 'yung apilyido nung Atty na kasama ni Sandro noong unity ride. Basta hindi po si Atty. Liza' yan, hehe.)

"Ah, ganoon ba." sana kahit ano man nangyari ngayon ay ma-enjoy sana ni Sandro ang caravan.

-

Nag-umpisa na ang caravan. Kasama na rin ako sa namimigay ng mga tshirt sa mga tao. Kitang kita ko naman ang mga ngiti ni Sandro at ng iba pang tatakbong kandidato. Halatang handang handa na silang makisalamuha at tumulong sa mga tao. Ito rin ang gusto kong ginagawa, ang makipag interact sa mga tao. Maliban sa ganitong pamimigay ng mga tshirt, gusto ko rin mamigay ng mga ayuda at kung ano ano pang makakatulong sa kapwa ko.

Balang araw, tutulong din ako. Hindi man ngayon dahil nag aaral pa ako, pero balang araw gagawin ko lahat para makatulong.

Nakakatuwang makita ang mga ngiti ng kapwa. Mga ngiti na sana ay hindi mawala sakanila. Their smiles are the precious things that I badly want to see.

-

Maya maya lang ay huminto na ang sasakyan. Napangiti ako ng nakita ko ang pagsakay ni Sandro sa sasakyan. Napansin ko naman na may hinahanap siya hanggang sa dumapo ang kanyang mga mata sa akin. Napangiti ako at ganoon din siya.

Ang ngiti niya ay magiging ngiti ko rin. His happiness will be my happiness too. Hindi ako nagsisising siya ang lalaking unang minahal ko.

Nagsimula na rin siyang magsalita upang ipaalam ang posisyon na tinatakbuhan niya sa mga tao. Kahit na pagod na pagod na siya ay parang wala lang ito sakanya. Handa niyang gawin lahat alang alang lang sa posisyon na tinatakbuhan niya.

-

Inabot na kami ng gabi ng makarating kami sa capitol. Ang daming tao, madaming nagpakita ng suporta. Nakakataba sa puso.

Nakarating na kami sa Gilbert Bridge patungo sa Airport Road. Malapit ng matapos ang caravan. Mabilis na ang takbo ng sasakyan dahil gabi na rin. Tinignan ko ang mga kapatid ni Sandro. Pagod man ay nakangiti pa rin si kuya Vinny habang kumakaway sa mga tao. Tinignan ko naman si kuya Simon. Agad akong napaiwas ng tingin ng tumingin siya pabalik sa akin.

Biglang bumalik ang mga sinabi sa akin ni Phoebe. Hindi ko maiwasan mapa-isip. Totoo ba 'yun? Kaya ba ganoon nalang kagalit si Sandro? Ayokong mag-assume pero sana hindi totoo. Kasi kung totoo man, iiwasan ko na si kuya Simon. Mahirap para sa akin na iwasan si kuya Simon pero kung totoo man 'yun, wala na akong ibang magagawa kundi umiwas upang hindi magkaroon ng away mula kay kuya Simon at Sandro dahil sa akin.

-

"Tapos na ang caravan." nagulat naman ako ng sabihin iyon ni Phoebe. Ang bilis? Ganoon na ba ako nag-overthink kanina ng hindi man nalaman na tapos na ang caravan?

"Kanina ka pa tulala diyan ni hindi mo man lang namalayan na tapos na. Ayos ka lang ba?" tanong ni Phoebe sa akin. Tumango ako.

"Pagod lang ako pero okay lang ako." sabi ko at inayos ang buhok ko.

"Oo nga pala, maya maya ay bababa si Atty. Liza. Doon ka nalang daw sakay sa sasakyan nila." tumango nalang ako, hindi na ako kumibo pa kasi naramdaman ko na rin ang pagod.

Maya maya lang ay huminto na ang sasakyan. At napansin ko naman na naglakad papunta sa gawi ko si kuya Simon.

"Let's go" sabi niya inilahad ang kamay niya upang alalayan ako patayo ngunit hindi ko iyon pinansin. Alam ko, kahit na nakasakay na siya sa kotse. Alam kong nakatingin si Sandro sa gawi namin. 

I'm so sorry kuya Simon, kailangan ko munang umiwas. Kahit na hindi pa ako sure kung gusto mo ako, kailangan kong umiwas. Lalo na't nakatingin si Sandro sa gawi natin.

Narinig ko naman ang malalim na paghinga ni kuya Simon dahil sa ginawa ko.

Pababa na sana ako ng naunang bumaba si kuya Simon sa akin na naging dahilan para mapahinto ako. For the second time, inilahad niya kamay niya upang alalayan ako pababa. Napatingin ako sa paligid ko. May mga taong nakatingin.

Sh*t.

At dahil medyo mataas ang hagdan ng sasakyan ay wala na akong nagawa kundi hawakan ang kamay ni kuya Simon. Pagkababa ko ay tatangalin ko na sana ang pagkakahawak ni kuya Simon sa kamay ko ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak nito.

"Kuya Simon please..." mahinang sabi ko, kinakabahan ako kasi ramdam na ramdam ko na ang mga titig ni Sandro sa amin.

"No." pagkasabi niyang iyon ay agad niya na akong hinila patungo sa isang sasakyan.

"Kuya Simon, hindi dapat ako nandito. Doon dapat ako kila Atty..." Ngunit imbis na sumagot siya ay hinila niya nalang ako papasok sa loob ng sasakyan.

Pagkasarado ng sasakyan ay agad ko siyang hinarap.

"Kuya Simon bakit mo ginawa iyon? Andaming camera at taong nakatingin! Ano nalang iisipin nila? Mas lalong magagalit si Sandro-"

"I don't care! Just let them think about what they want to think. I won't let you ride with them if she's in there." nangunot noo ko. She's in there?

"She? Who?"

"Sandro's ex girlfriend."

Oh, si Jade...

-

Secretly Married to Congressman (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon