"Pero wala akong sinabing ganun!" ika ko kay Sandro.
"But Phoebe said it." Walang emosyon niyang sabi. Napasapo nalang ako sa noo ko. Kahit talaga ang babaeng iyon!
Sinabi ko naman sa kanya na ayoko munang makita si Sandro kasi nga hindi pa ako nahihimasmasan pero talagang pinasundo niya pa ako! Yare talaga sa akin iyon pag nakita ko.
"Nevermind. Magjejeep nalang ako." sabi ko at tatayo na sana ng kinuha niya ang bag ko.
Eh?
" I won't waste my time coming here para lang malaman ko na magjejeep ka." pagsusungit niya.
"Sinabi ko bang sunduin mo ako? Diba hindi? Ang sabi ko si Phoebe ang magsundo sa akin, hindi ikaw!" pagsusungit ko pabalik.
Kung siya kaya niya akong sungitan, syempre 'di ako papatalo.
"Oh shut up, just get inside the car." sabi niya at pinasakay na sa loob ng kotse. Buti nalang walang gaanong tao dito baka mamaya may makakita sa amin.
"Hindi mo ba iniisip na baka may makakita sa atin?" tanong ko sa kanya. Ayoko talagang makita siya ngayon pero wala akong magawa. Tsk!
"You told me to come here, so as your husband here I am, in front of you." Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa inis.
"But I told you na hindi ko nga sinabi na ikaw ang pupunta dito! Ang sabi ko--"
"Kindly shut up!? Hindi mo pa nga nalalagay seatbelt mo." natahimik naman ako ng biglaang paglapit niya sa akin.
"What are you doing?" tanong ko habang sumisiksik pa ng maigi. Ang lapit niya kaya!
"Fastening your seatbelt. Ano pa ba sa tingin mo gagawin ko?" tuluyan na akong natahimik ng kinabit niya na ang seatbelt ko.
Maya maya lang ay pinaandar niya na ang kotse. Tahimik lang ako at hindi kumikibo.
Hindi ko talaga maintindihan ang ikot ng mundo namin ni Sandro. Kung dati kasi halos hindi na kami magpansinan kasi parehas din kaming masungit sa isa't isa. Ngunit ngayong linggo lang kung saan tinanong ako ni Phoebe tungkol sa amin ni Sandro ay nagbago na ang lahat. Kahit na wala pamilya namin ni Sandro, heto siya lumalapit sa akin. Hindi naman siya ganito dati.
Hindi ko rin siya sinasagot pabalik at hindi ako laging naiinis sa kanya, slight lang. Ngunit ngayon ewan ko ba.
"Where do you want to eat?"
"Huh?" Tama ba pagkakarinig ko?
"Bingi kaba? I said, where do you want to eat?" Grabe naman makabingi ito!
"Sa bahay" iyon nalang sagot ko. Wala akong ganang pumuli ng restaurant. Tinawag niya akong bingi. Hmf.
Hindi na siya kumibo kaya hindi na rin ako kumibo. Mas mabuti na iyon para mawala ang inis ko sa kanya at inis ko kay Phoebe.
Maya maya lang ay hininto niya na ang kotse sa harap ng Batac Riverside Empadahan. Dito mo mabibili ang the best na pagkain ng mga ilocano. Ang empanada.
Ay teka! Public place ito ah? Bakit siya huminto dito!?
"Bakit ka huminto? Umuwi na tayo." sabi ko pero para bang wala lang siya narinig. Tinangal niya ang seatbelt niya at tinignan ako. Napaiwas naman ako dahil doon.
"I told manang not to cook anymore because we were going to eat outside." sabi niya at lumabas na ng kotse. Ngunit nanatili lang ako doon. Kapag lumabas ako na kasama si Sandro, siguradong sigurado na malalaman na ng lahat ang tungkol sa amin. Hindi ako nagiinarte, ayoko lang muna ipaalam sa lahat na kasal kami.
"What are you doing there? Bumaba kana diyan." utos niya pero nanatili lang akong nakaupo. Huminga ako ng malalim at tinignan siya.
"I'm sorry Sandro, but I can't." sabi ko at yumuko. Natatakot kasi ako eh.
"Come on, hindi tayo maiissue. Everyone knows that my family adopted a young girl. We can pretend that we're siblings. Just like how we pretend that we love each other in front of our families' eyes." bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa puso ko ng sabihin niya iyon.
Bakit ako nasaktan? Eh sanay naman na ako sa naririnig ko?
"Right..." sabi ko nalang at tinanggal ang seatbelt at tsaka bumaba na rin ng kotse.
Dumiretso na kami sa med'yo kakaunti ang tao. Nag-order na si Sandro ng makakain naming dalawa. Noong una ay walang gaanong nakakapansin sa kanya hanggang sa may mga tao ng nakakapansin. May mga lumalapit kay Sandro ngunit nginingitian niya lamang ito. Buti nalang ay walang nagpapapicture.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Ito ang unang beses na lumabas kami ni Sandro ng kaming dalawa lang.
Maya maya lang ay lumapit na sa akin si Sandro at umupo na sa harapan ko. Tinignan ko ang mga taong nakakita sa kanila. Pansin ko na pinaguusapan na nila kami.
Napayuko nalang ako upang hindi nila gaano makita ang mukha ko. Sobrang kinakabahan na ako.
"Kuya Sandro, girlfriend mo po ba?" nagulat nalang ako ng marinig ko iyon mula sa isang waitress na dala dala ang order namin ni Sandro.
"Nope." tipid na sagod ni Sandro.
"She's just my sister." Tumango naman ang waitress at aalis na sana ng pinigilan siya ni Sandro.
"Uh, wait. Can I ask you a favor? Pwede mo bang sabihin sa kanila na don't stared at us and huwag pagusapan ng sister ko? Nagiging uncomfy na kasi sa sister ko." sabi ni Sandro at sinubukan na kausap ng mahinhin na tagalog ang waitress. Hindi pa kasi gaano kagaling si Sandro sa pagtatagalog sa London nga halos lumaki.
"Sure sir" tugon naman ng waitress. Ngumiti naman si Sandro sa kanya at umalis na rin ang waitress. Sinunod naman nito ang sinabi ni Sandro. Maya maya lang ay napansin ko na wala ng gaanong nakatingin sa amin. Nakahinga na ako ng maluwag dahil doon.
"Thank you." sabi ko. Hindi naman siya kumibo at nagpatuloy lang sa pagkain. Pinagmasadan ko siya. Gwapo siya, matalino, mabait at maasahan. Hindi na ako nagtataka kung bakit maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya.
Hindi siya gaanong kagwapuhan ngunit nakakataas siya ng standard ng mga babae.
Sino ba naman hindi magugustuhan ang lalaking double degree at may masteral pa? Hindi pa rin ako makapaniwala na ikinasal ako sa matalinong taong tulad niya.
"Now tell me, Phoebe told me that you don't want to see me? Is that true?”
Anak naman ng tipaklong!..
BINABASA MO ANG
Secretly Married to Congressman (A Sandro Marcos Fanfiction)
FanfictionSecretly married to a man who has so many supporters and running for a congressman is very hard to handle. Isipin mo nalang ang araw-araw na pag-alis nito, ang araw-araw na pangangampanya, araw-araw na makakarinig ng mga sigaw at tili ng mga dalagi...