"Ayos ka lang?" hindi ko alam kung ilang beses na akong tinanong ng mga kakilala ko ngayong umaga na ito ngunit iisa lang ang nagiging sagot ko.
"Oo naman." binigyan ko sila ng ngiti. Pinipilit kong maging masigla at masaya sa harap nila ngunit hindi lahat ng tao ay makukumbinsi ko na ayos lang ako.
"Kanina ka pa kasi matamlay eh. Sigurado ako na hindi ka okay. May nangyari ba?" tanong ni Arianne sa akin. Napabuntong hininga nalang ako.
Matapos kong sabihin ang mga katangang iyon kay Sandro kanina ay iniwan ko na siya. Sumakay nalang ako ng jeep papunta sa school. Mabuti nalang ay hindi pa ako na-late. Hindi rin ako pinigilan ni Sandro. Tumahimik lang siya noong sinabi ko iyon.
"Ayos lang nga ako. Ano ba kayo haha!" pinilit ko pang tumawa ngunit napailing lang siya. Hindi ko pa rin kayang sabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Sandro. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kaya. Hindi sa hindi ko sila pinagkakatiwalaan ngunit nahihirapan akong umamin.
"Tsk tsk tsk, siguro apektado ka sa lumalabas sa social media." I frown. Lumalabas sa social media?
"Anong ibig mong sabihin Janine?" tanong ko. Agad niya namang pinakita sa akin ang cellphone niya.
"Ito oh. Kalat na kalat na sa social media itong video niyo ni Simon. Noong una hindi ako naniniwala na ikaw ito kasi gabi noon at baka kamukha mo lang ngunit may mga nagsasabi na nakita ka nila mismo noong caravan. Totoo ba?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko sa social media ni Janine.
Ako nga iyon kasama si Simon kagabi kung saan hinila ako ni Simon at pinasakay sa sasakyan. Hala! Paano ko i-eexplain ito sa kanila?
"Nakita ko rin yan kaninang umaga. Madaming nagtatanong at madami ring nagagalit. May dapat ba kaming malaman?" tanong Arianne. Kinakabahan akong tinignan sila. Paano ko sasabihin?
"A-ano kasi..."
"Kayo ba?" napailing agad ako kay Janine.
"Hindi, ano kasi... Totoo ako iyan." pag-amin ko. Agad naman na umupo sa harapan ko si Janine.
"Really!? So what happened next? Anong meron sainyo ni Sandro? Nako girl! Andaming curious. Isa na rin ako roon. Tell me, kayo ba? Wow ha! Swerte mo naman." sunod sunod na sinabi ni Janine na may halong tuwa at pang-aasar.
"H-hindi ko alam kung paano ko i-eexplain pero hindi kami ni kuya Simon." sabi ko at napayuko. Paano ko sasabihin sa kanila? Paano ko ipapaalam sa kanila iyong sitwasyon ko?
"Weh? Baka naman dinedeny mo lang ha. Don't be shy! Kami lang ito. Kung gusto mo na secret lang relasyon niyo. Itatago namin diba Arianne?" tumango naman si Arianne bilang sang-ayon sa sinabi ni Janine.
"I guess wala na akong choice kung hindi ang umamin..." umpisa ko. Siguro panahon na para umamin na rin. Pero hindi ko pa rin sasabihin na kasal kami ni Sandro. Sasabihin ko lang iyong dating nirarason namin. Na isa akong adopted sister nila kuya Simin.
"Hindi kami ni kuya Simon. Adopted sister nila ako."
"What!?"
"Really?!"
"Uhm" tumango ako. Pasensya na Arianne at Janine. Hanggang dito muna ang kaya kong iamin sa inyo.
"Omg ang swerte mo naman! Bakit hindi agad sinabi sa amin!? Nakakatampo ka ha!" sabi ni Janine at pabirong bumusangot.
"Ayoko kasing sabihin dahil gusto ko ng private life. Alam niyo naman siguro kung gaano ka-popular ang mga Marcos, diba? Kaya ayun, mas pinili kong itago kesa i-reveal." paliwanag ko.
"Tama ka naman, naiintindihan din kita kung bakit mo tinago. Pero sana next time ay huwag mo ng itago ang mga ganitong bagay sa amin. Mapagkakatiwalaan naman kami eh." payo ni Arianne sa akin. Si Arianne talaga ang pinakaseryoso sa amin.
"Pasensya na." pasensya na rin kasi hanggang dito muna ang kaya kong sabihin. Sa tamang panahon aamin din ako na kinasal ako sa isang Marcos.
"So kahit alam ko na kung bakit kasama mo si Simon dito. Pwede mo bang i-explain sa akin bakit kayo magkaholding hands at hinila ka pa? Well, pwede naman magkaholding hands ang mag step siblings pero yung ginawa kasi ni Simon eh ibang iba." Minsan talaga may pagkachismosa itong si Janine. Hindi titigil hangga't di nasasatisfied sa nalalaman.
"Ah kasi nagmamadali kaming umuwi diyan dahil ano aalis ulit si kuya Simon." pagsisinungaling ko. Tumango tango nalang ang dalawa.
"Pero sana atin atin lang ito, ha? Huwag niyo ng ipaalam sa iba." paki-usap ko sa dalawa.
"Maaasahan mo kami diyan. Ngunit paano mo ipapaliwanag sa iba iyan? Sigurado akong madaming magtatanong sayo tungkol sa video?" Isa pa iyan sa magiging problema ko. Hindi ko alam kung paano ako mag-eexplain. Gusto ko sanang sabihin na hindi ako iyon ngunit paano ko idadahilan iyon kung maraming nakakita sa akin noong caravan?
Sana hindi nalang ako pumunta kahit pinipilit ako. Edi sana walang issue na ganito.
"Bahala na. Tatahimik nalang ako. Iiwasan ko nalang sila."
-
"Diba siya iyong kasama ni Simon?"
"Girlfriend ba yan ni Simon?"
"Siya ba talaga iyon?"
Tulad ng inaasahan ko. Maraming nagbubulungan, nag-uusap at nag tatanong tungkol sa video na lumabas. Maraming lumalapit sa akin at tinanong kung ako ba talaga iyon, kung ano bang relasyon ko kay kuya Simon o kung ako ba girlfriend ni kuya Simon. Ngunit ni isa sa mga tanong ay hindi ko sinagot. Wala akong oras para ipaalam sa kanila iyon. Ako lang rin ang mahihirapan.
"Ikaw ba talaga iyong nasa video?" tanong sa akin ni kuya Theo. Kasama ko kasi siya ngayon, ginagawa namin iyong project na na-assign sa amin. Hindi naman ako kumibo. Sasabihin ko ba sa kanya? O huwag na muna?
"Ayos lang kung ayaw mong sagutin ang tanong ko." ngiting sabi niya. Isa sa mga gusto kong ugali ni kuya Theo ay ang pagiging maintindihin niya. Marunong siyang rumespeto. Kapag ayaw mo, hindi ka niya pipilitin. Ganoon pa man ay ayoko munang sabihin sa kanya.
"Uh kuya Theo... May alam ka bang dorm na malapit dito?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.
"Meron, bakit? Naghahanap ka?" tanong niya at tinignan ako.
"Yup. Kailangan eh." sagot ko. Napansin ko naman ang pagkunot ng noo niya. Alam ko na kung bakit ganyan reaksyon niya.
"Pero malapit ng matapos ang school year. Bakit ngayon ka lang hahanap ng dorm? Next week na ang final exam natin." takang tanong ni kuya Theo. Napangiti ako ng tipid.
"Kailangan ko talaga kuya eh." Oo, kailangan ko talaga. Hindi ko kayang manatili sa bahay ni Sandro. Lalayuan ko muna siya. Pwede sana ako sa bahay nila lola ko ngunit alam ko na pupuntahan ako roon ng isa sa magkakapatid at tiyak na malalaman nila na may problema kami ni Sandro. Ayokong mag-alala sila. Kaya hahanap nalang ako ng dorm kung saan hindi nila alam. Hindi ko ipapaalam ito kila tito Bong para hindi rin sila mag-alala.
"Sigurado ka ha? May alam ako na malapit dito. Pero medyo tago kasi iyon, maraming pasikot sikot. Ayos lang ba iyon sayo?" ngumiti naman ako at tumango.
"Mas gusto ko iyon! Salamat kuya Theo!" ngumiti lang siya pabalik sa akin.
"Hello!" napatingin kaming pareho ni kuya Theo sa nagsalita. Isang babae na mukhang 4th year na. May kasama pa siyang tatlong babae.
"Hello?" hindi ako sigurado kung ako ba sinasabihan niya pero bahala na.
"Ikaw ba iyong babae na kasama ni Simon sa video? If yes, maari bang paki-abot ito sa kapatid niyang si Vinny?" tanong ng babae sa akin at inabot ang isang paper bag.
"Ako rin! Pwedeng pa-abot ito kay Sandro?"
"Pwedeng ako rin? Ito oh gift ko para kay Sandro."
I can't believe this...
"Siguro naman ayos lang sayo na ibigay ito sa magkakapatid? Mukhang kilala ka naman nila eh. Kapag tinanggap nila. Let me know, okay? Here's my card. You can chat me. Thank you!"
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.
-
BINABASA MO ANG
Secretly Married to Congressman (A Sandro Marcos Fanfiction)
FanfictionSecretly married to a man who has so many supporters and running for a congressman is very hard to handle. Isipin mo nalang ang araw-araw na pag-alis nito, ang araw-araw na pangangampanya, araw-araw na makakarinig ng mga sigaw at tili ng mga dalagi...