Her Point Of View.
"I trusted you, Nameis!"
Napangiwi ako kasabay nang malakas na sampal sa pisngi ko. Ramdam na ramdam ko pa ang palad niya sa aking balat.
"I even treated you as my own sister!" Dinuro niya 'ko gamit ang hintuturo niya, punong-puno nang galit ang mga mata niya, hindi ko na kayang tignan pa siya.
Nanghihina na 'ko.
"What did I do wrong para gawin mo sa'kin 'yon, huh? How could you do this to me?! Magsalita ka!" Napapikit ako nang malakas niya 'kong tinulak dahilan para bumagsak na 'ko sa sahig. "You traitor, Nameis! Ang sama-sama mo!"
"V-vi..." Nanginginig kong tawag sa kaniya habang nakatingala at inaabot siya. Bawat salitang binibitawan niya ay parang kutsilyong sumasaksak sa dibdib ko. " I-I'm sorry...."
"What?! Sorry?!" She shouted, her voice was full of anger. "Kahit mag-sorry kapa nang paulit-ulit, hindi mo na mababago ang nangyari!" Matigas niyang wika habang dinuduro ako, nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.
Sakit at galit.
Iniluhod niya ang isang tuhod sa harapan ko upang mas lalo niya akong makita. "Pero alam mo kung anong hindi magbabago?" Mapakla siyang ngumiti. "Ay 'yong isa kang malandi, mang-aagaw at kabit!"
Tatlong katagang paulit-ulit na sumaksak sa dibdib ko.
Pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib ko, tila may nagkakarerahan do'n, unti-unting bumigat ang paghinga ko habang kusa nang kumakawala ang mga luha mula sa mga mata ko.
One word that could describe what I'm feeling right now is, pain.
Ang sakit-sakit.
"Ate? Ate, Nameis! Ate, gising?!"
Pagbaling ko kay Vi ay sinasakal niya na 'ko, wala akong magawa. Nanghihina na 'ko, natatakot na 'ko, hindi ko na alam ang gagawin!
"Ate, wake up! Ate Nameis!?"
Kasabay nang pagkawala ni Vi ay ang pagmulat ng mga mata 'ko. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at sinipat ang dibdib ko na ngayon ay malakas ang pintig.
"Ate, okay ka lang ba? Nananaginip ka na naman, eh!" Bakas ang pag-aalala ng nakababata kong pinsan na si Kraven nang mabilis niya 'kong abutan ng isang basong may lamang tubig.
Napakurap-kurap ako habang hawak pa rin ang dibdib ko. Panaginip lang pala.
Nightmares... Again.
I forced a smile when I turned to her, "Okay lang ako, huwag mo nang sabihin kay Mommy na nananaginip uli ako, ha?"
Alanganin naman siyang tumango. "Sige, Ate."
Pinabalik ko na siya sa kwarto niya para patulugin na uli dahil alas tres pa lang pala ng madaling araw. Nagising siya at nakita akong umuungol at binabangungot, nakabukas kasi ang pinto ko just incase na bangungutin uli ako ay malalaman at makakapasok agad sila sa kuwarto ko.
Ngayon ay medyo kumakalma na ang dibdib ko ngunit nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Laging nangyayari 'to sa'kin kaya sanay na'ko at sobrang hirap.
Panaginip na parang totoo.
Dalawang taon na ang nakararaan pero hindi pa rin ako matahimik ng konsensya ko. Nakakulong pa rin ako sa nakaraan namin.
Ang hirap, sobrang hirap. Gusto ko nang makalimutan pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin mabura sa isip ko ang totoong dahilan ng pag-alis ko.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang dumaloy ang mainit na luha mula sa mga mata ko. Hanggang kailan ba 'ko maghihirap ng ganito?
Nasaktan din naman ako, pero bakit parang ako lang 'yong nagdurusa?
YOU ARE READING
I longed for you, Prof. (Professor Series #2)
RomanceA story wherein her ex-boyfriend, became her Professor.