R-18, read at your own risk.
***
Her Point of View.
"Allergy kasi ang asawa ko sa seafood."
Bigla ko namang naalala si Falcon sa sinabi niya kaya napangiti ako.
"Really?! Parehas sila no'ng boyfriend ko! He's also allergic to seafood." I said, amused.
Naalala ko tuloy noong na hospital si Falcon dahil nilibre ko siya ng street foods. He ate fishball, kwek-kwek, and calamares. Hindi ko naman kasi alam na may allergy siya sa mga ganoong pagkain! Hindi niya rin sinabi agad, edi sana hindi ko siya roon pinakain.
"Omg?! May boyfriend ka na?!" Violet uttered excitedly.
Napangiti naman ako. "Um, yes..."
"Omg!" She exclaimed, kinikilig. "Since when?"
"Um... He started courting me one month ago, then noong nakaraang araw, sinagot ko na siya..." Pagku-kuwento ko.
Ang laki naman ng ngiti ni Violet, parang kilig na kilig para sa'kin. "Congrats! I would like to meet that boyfriend of yours. And of course, ipapakilala ko na rin sa'yo 'yong asawa ko."
Napangiti naman ako. "Sure! Sa susunod na labas natin, isasama na natin sila."
Napangiti naman si Violet. "Yes!"
"Well, since our man are allergic to these foods. Let's take this out na lang kaya and give to those homeless people?" I suggested.
She smiled. "Sounds good," She agreed.
"Kailan ba namin makikilala 'yang Violet na 'yan?" Tanong ni Madison habang hinububad ang suot niyang heels.
Nandito kami ngayon sa loob ng room. Walang pasok pero nandito kami ngayon sa school dahil nag-final practice ang mga candidates para sa gaganaping Ms. and Mr. RVU bukas.
Si Madison na Muse ng section namin at ang Escort ng section namin kasi ang napiling representative ng section.
Dumiretso na 'ko rito after naming kumain ni Violet sa labas.
"Napag-usapan namin kanina na sa susunod na labas namin, isasama ko si Falcon para ipakilala sa kaniya at isasama niya rin ang asawa niya para ipakilala sa'kin. Baka isama ko na lang din kayo para makilala niyo na siya at makilala niya na kayo." Lintaya ko.
"May asawa na siya?"
"She's married na?"
They asked in unison.
Napatango naman ako. "Yes,"
"Ilang taon na ba siya?" Zenna asked.
"She's just one year ahead of us." I answered.
"Isn't she too young to get married?" Margaux uttered whilst chewing on her chips.
I shrugged, "I don't know, our closeness is not that deep pa. Kaya hindi pa gano'n kalalim ang nalalaman ko sa buhay niya, so does she to me."
"Eh, maiba nga tayo." Madison intruded. Napabaling naman kami sa kaniya. She looks at me. "Ano? Hindi pa rin ba kayo nagpapansinan ni Falcon?" She asked whilst massaging her feet.
I rolled my eyes and crossed my arms over my chest. "Hindi siya nagpaparamdam, eh. Wala naman akong ginagawang masama? Bahala siya."
Madison tsked. "Wala pa nga kayong isang linggong mag-on gumaganiyan na kayo?"
"True!" Sang-ayon ni Margaux. "Alam mo, Nameis girl, you two should talk about that misunderstanding as soon as possible before it leads to break-up."
Kinabahan naman ako sa sinabi ni Margaux. Yes, ma-pride ako, pero ayoko namang maghiwalay kami ni Falcon.
YOU ARE READING
I longed for you, Prof. (Professor Series #2)
Roman d'amourA story wherein her ex-boyfriend, became her Professor.