03

971 29 46
                                    


Her Point Of View.

"Kumusta na po siya?"

I immediately stood up when the nurse came out from the room where Falcon was.

Ngumiti ang nurse bago ako sagutin, "Okay na siya. Nabigyan na namin siya ng gamot, naturukan na rin para sa allergy niya, pwede na siyang umuwi maya-maya."

Doon lang ako nakahinga nang maluwag, nagpasalamat ako bago siya umalis sa harapan ko. Huminga muna 'ko nang malalim bago puntahan si Falcon. Hinawi ko ang kurtina na nagtatakip sa kinahihigaan niya.

He's now sitting on the hospital bed while surveying his arms and hands. Nang maramdaman ang presensya ko ay bumaling siya sa'kin with his blank expression.

I felt a bit of guilt again.

Hindi na masyadong mapula ang mukha niya pero sa mga braso at leeg niya ay may bakas pa rin ng mga pantal.

My heart was nearly come out from my ribcage when he suddenly got unconscious when we were in the taxi earlier. Buti na lang at pagkarating namin sa hospital ay inasikaso agad siya.

"Ano ng pakiramdam mo?" I asked in a low voice, a bit embarrass.

"Magiging okay na rin ako, kung nag-aalala ka. Pwede ka nang umalis, you have a class to attend to, right?" Sagot niya na para bang gusto niya na 'kong umalis.

I looked down and played with my fingers. "S-sorry..."

He didn't speak.

I gulped. "Sorry, hindi ko alam na allergic ka sa mga gano'ng pagkain. Bakit kasi hindi mo sinabi?" Now, I turn to him, "Bakit kinain mo pa rin?"

He took a deep long sigh before answering, "I had no choice," Nagkibit balikat siya. "Gutom na gutom na 'ko. Saka libre." He almost whisper the last sentence.

Umirap ako, "Eh, paano kung hindi kita agad naagapan? At may nangyari sa'yong masama?! Alam mo bang alalang-alala 'ko!" Medyo inis na 'ko. "Para na 'kong mamamatay sa sobrang kaba kanina habang nasa taxi tayo! Alam mo ba 'yon, ha?!"

Ilang segundo siyang tumitig sa'kin saka dahan-dahang napangiti. Kumunot naman ang noo ko. "Anong ngiti 'yan?! Walang nakakatuwa!" Pumadyak pa 'ko sa sobrang inis dahilan para matawa na siya ng tuluyan.

Seriously, what's wrong with this man?

"Wait," He held his chest while laughing uncontrollably.

Baliw na ba 'to?

Kanina lang parang mamamatay na, ngayon tawa nang tawa.

"Nag-alala ka?" Tanong niya habang mahina na lang na tumatawa, he's eyes are now glittering.

Inis akong tumango, "Oo!"

"Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong niya uli.

"Oo nga! Bingi ka ba? Naapektuhan ba ng allergies mo 'yang tainga mo?!" I can't understand him anymore!

Kinagat niya ang pang-ibabang labi, tila pinipigilang mapangiti o matawa. Confirmed, he's crazy.

Hinawakan niya ang dibdib niya habang nakatitig sa'kin, may ngiting hindi maipaliwanag. "Nag-alala ka sa'kin, nakaka-touch naman 'yon."

Umiwas ako ng tingin nang mapagtanto kong anong ibig niyang sabihin. Nanlaki ang mga mata ko saka bumaling uli sa kaniya, "Hoy! Hindi ako nag-aalala sa'yo!"

He chuckled teasingly, "You just said that,"

"Ang ibig kong sabihin," I stopped. Urgh! Ano bang iniisip niya?!

"Nag-aalala ako sa sarili ko!" Depensa ko. "That's what I mean, okay? Kasi kapag may nangyari sayong masama, ako ang mananagot. Kapag namatay ka, ako ang sisisihin, mahal ang kabaong at baka ipakulong pa 'ko ng pamilya mo, wala akong pampyansa!" Wika ko na may kasamang sama ng loob.

I longed for you, Prof. (Professor Series #2)Where stories live. Discover now