13

606 18 32
                                    

Her Point Of View.

"Dapat hindi kana nag-abala pa, pwede mo namang ipa-deliver nalang."

I suggested to him when he brought something for me. My boyfriend, Falcon, with his usual tired look.

Nandito kami ngayon sa cafeteria, kasalukuyan kaming nagre-rehears nila Madison para sa graduation nang tawagan nya 'ko para pumunta rito dahil may ibibigay daw sya.

Nginitian nya lang ako saka nilabas ang laman ng paper bag na dala nya. Nilabas nya ang isang tupperware na may lamang pagkain at inilapag 'yon sa ibabaw ng table na pinagigitnaan namin.

"Niluto ko 'to para sayo." Nakangiti nyang sabi na nagbigay ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Pero kasabay no'n ang pag-alala ko sa nangyari kahapon.

'Yung lalaking tumawag kay Violet yesterday, her husband. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay umalis na rin si Violet dahil may gagawin pa raw sya. I just didn't mind it nalang din dahil for sure naman na kaboses lang 'yon ni Falcon.

Gumuhit ang pagkagulat sa mukha ni Falcon nang lumapit ako ng upuan sa tabi nya at saka sya niyakap.

"I missed you," I softly said while hugging him tightly. "I want to be with you, only you."

Naramdaman ko ang masuyo nyang pagyakap sa'kin pabalik, paulit-ulit nyang hinahalikan ang sintido ko. "Babawi ako, pagkatapos ng graduation aalis tayong dalawa."

Bahagya akong kumalas at tumingala para makita ang mukha nya. "Talaga?!" hindi ko maiwasang ma-excite. Legit, sobrang miss ko na 'yung bonding namin na kaming dalawa lang.

Tumango sya bago patakan ng halik ang labi ko. "Oo."

"Sa tagaytay tayo? O kaya sa bohol? What do you think?" Hindi naman ako halatang excited 'di ba, parang gusto ko na agad matapos ang graduation!

Mas na-excite pa tuloy ako sa plano namin kaysa sa graduation na 'yan.

"Ikaw bahala, kung saan mo gusto." Sabi nya saka tumingin sa paligid. Umayos naman ako ng upo dahil nakapulupot pa rin ako kay Falcon.

Pagtingin ko sa paligid ay kun'ti lang naman ang tao. PDA na pala kami rito, buti sa gilid ang pwesto namin.

"Ano nga? Dapat 'yung gusto mo rin, 'no! Hindi 'yung gusto ko lang." Sabi ko pagbalik ko ng atensyon sa kanya. Dapat kaming dalawa ang nagde-desisyon!

Tinawanan nya ''ko bago sumagot. "Tagaytay?"

"Gusto mo ba ro'n?" Paninigurado ko, baka napipilitan lang sya. "Baka—"

My words cut off when he suddenly pulled my waist closer to him and gave me a soft kiss on my temple. "Anywhere else, Nameis. As long as I'm with you, everything's matters." He whispered as if he wanted to tell it to me, no one else.

Few moments, silence fell between us after he voice out those words, hindi kaagad ako nakasagot dahil sa sobrang kilig na nararamdaman, feeling ko sobrang pula na ng buong mukha ko!

"C-corny mo naman, Adler!" Asar ko sa kanya bago tumawa ng malakas, umiwas ako ng tingin saka kinuha ang water bottle para uminom.

Grabe bumanat, bigla-bigla ha! English pa, iba 'yung impact.

"Woy, seryoso. Ikaw nang bahala, kung saan mo gusto. Wala naman akong alam pumili ng mga lugar." Paliwanag nya.

"Sige na nga." I surrendered.

Kinain namin ang dinala nya, actually ako lang ang kumain dahil medyo busog pa raw sya. Paalis na kami nang maalala ko ang tungkol sa pag-sama ko sa canada.
"Ah, Falcon." Tawag ko sa kanya nang makalabas na kami ng cafeteria.

I longed for you, Prof. (Professor Series #2)Where stories live. Discover now