18

396 12 4
                                    

Her Point Of View.

"Why.. How.. W-what happened?"

Tanong ko kay Danniela nang makalabas kami sa kwarto ni Violet. Hindi ko sya kayang makitang gano'n kaya nagpasya na 'kong lumabas kami. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang pinagpagmasdan ko sya kanina.

Ang daming katanungan na nabubuo sa isip ko, like, bakit? Anong nangyari sa kanya? Is she sick? What kind of sick? Was she got into an accident? And what, 2 years ago na syang comatose, it means bago ako umalis sa pilipinas na-comatose na sya?

"It's very confidential. I'm not in the right place to tell about this to you." Tanging sagot ni Danniela.

Umiling ako bago sya sagutin. "Please, tell me. May kinalaman ba 'ko sa nangyari kay Violet? May sakit ba sya? Bakit sya na-comatose? Please, I want an answer!" I said confusedly.

"I'm sorry, Nameis. Hindi ko pwedeng sabihin sayo." Terminadong sagot nya bago ako talikuran. Mabilis ko naman syang pinigilan sa braso.

"Danniela, please? May kinalaman ba 'ko sa nangyari?" Pakiusap ko uli sa kanya, hinawakan naman ni Zenna ang braso ko para alalalayan ako.

Maging sila Margaux din ay naghihintay sa isasagot ni Danniela.

Marahang inalis ni Danniela ang kamay ko sa braso nya, huminga muna sya ng malalim bago tuluyang sagutin ang tanong ko.

Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko nalalaman ang dahilan ng pagka-comatose ni Violet, malakas ang pakiramdam ko na involved ako ro'n.

"She's sick." Danniela finally answered. "But it's not your fault, that's all. Stop blaming yourself." She  assured before finally walking away from us.

"We're pretty sure, you're feeling guilty right now. But she already answered your question. Walang kinalaman you of whatever happen to her." Margaux talked to me as we go back to my room.

Parehas sila ni Zenna na nakaupo sa mahabang sofa habang ako naman ay nakasandal sa hospital bed ko. Magulo pa rin ang isip.

Not satisfied of what Danniela said earlier. Marami pa rin akong tanong na hindi pa nasasagot.

Anong sakit ni Violet? Gaano kalala at bakit gano'n nalang ang itsura nya ngayon?

"Nameis?" Napabaling ako kay Zenna nang bigla nya 'kong tawagin. "Huwag mo nang isipin 'yon, ang mahalaga wala kang kinalaman sa nangyari kay Violet 2 years ago. Magpahinga kana."

"Stop worrying about others," I caught Margaux rolled her eyes. "You seems so nag-aalala about that girl."

"Margaux, of course. We used to be friends before, may nakaraan din na nangyari sa'ming dalawa, alam nyo 'yon." Sagot ko sa kanya.

"Yes, I know it. My point is just think about yourself first for now. Saka ka muna mag think ng others at kung ano-ano, okay? Hindi pa kaya you magaling!" She fired back and rolled her eyes again at me.

Sinunod ko nalang ang payo nilang dalawa. Hanggang sa 'di ko na namalayan na nakatulog na 'ko. Nang magising ako ay nakabalik na sila Mommy at Daddy, naro'n din ang doctor ko. Sinabi nito na maayos na ang kalagayan ko at pwede na 'kong makauwi anytime.

When we're leaving, I tried to go to Falcon's room pero hindi pa rin ako nakapasok, dahil may nakalagay na restricted sign sa pinto.

"Anak?" My mom tried to get my attention nang mapahinto ako sa harap ng room ni Falcon. Si Daddy ay nauna na sa kotse.

Ang mga kaibigan ko naman ay wala na sa tabi ko nang magising ako, pero nag-paalam naman sila sa'kin sa message.

"Nameis, let's go." Aya ni Mommy saka hinawakan ang braso ko. Huminga ako ng malalim akmang maglalakad na paalis nang biglang may lumabas na babae sa room ni Falcon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I longed for you, Prof. (Professor Series #2)Where stories live. Discover now