01

1.9K 38 57
                                    


Her Point of View.

"Ilang araw ang mayroon kayo para gawin 'yong mga pinagawa ko sa inyo pero maski isa wala kayong nagawa?!"

Halos lumuwa na ang lalamunan ko kakasermon sa mga groupmates kong pabigat.

"Sabi kasi ni Diosdado, siya raw gagawa, eh." Kumakamot sa ulo na sagot ng isa sa mga kagrupo ko.

Hindi ko pa kabisado ang mga pangalan nila dahil isang linggo pa lang noong magsimula ang unang araw ng klase.

Nakakainis lang dahil mag-iisang linggo na noong nag-asign ako ng mga gagawin nila tapos ilang araw na wala pa rin silang gawa! Ako pa naman ang leader, at kung mamalasin, sa akin pa napunta lahat ng mga tamad at mga pabuhat na members. Bwisit.

Grade 12 pa lang kami yet, sobrang stressful na.

"Nasaan naman ang Diosdado na 'yan, ha?!" Nakapameywang kong sigaw sa tatlo kong kagrupo na nasa harapan ko ngayon.

"Sa pagkakaalam ko marami tayo, bakit tatlo lang ang narito sa harapan ko?" Dagdag ko pa.

"Wala pa 'yong tatlo, late ata," Sagot ng nakasandal sa upuan habang may lollipop sa bibig. Dodoy ata ang palayaw niya.

"Next week pa naman ang deadline," Sabad naman ng isa na may headphone pang nakasabit sa leeg. "Pwede pa tayong mag chillax!" He added and smiled broadly.

Umawang ang labi ko at pinanliitan siya ng mata, agad naman siyang umiwas ng tingin. "Chillax? Kung ipulupot ko kaya sa leeg mo 'yang headphone mo nang mag chillax ka na habang buhay?!"

Akmang ihahampas ko na sa kaniya ang sapatos ko nang tawagin ako ng mga kaibigan ko.

"Nameis girl!"

Pagkalingon ko sa direksyon nila 'di kalayuan sa'kin ay kumakaway-kaway sila. Tinuturo ng bibig ni Margaux ang tumbler na nasa table na nasa harapan nila.

Bumaling uli ako sa mga sumpa kong kagrupo. "Babalik ako, ha, gawin niyo na 'yong mga pinapagawa ko, huwag kayong pabigat!" Matigas kong lintanya sa kanila saka pinuntahan na ang mga kaibigan ko.

Pagkalapit ko pa lang ay tinungga ko na ang tumbler na may lamang red wine. May kulay ang tumbler kaya hindi mahahalatang alak ang laman no'n. Nakakastress, eh. I need to calm down!

Vacant time namin ngayon at ginagamit namin 'to para makapaghanda sa presentation sa thesis.

"Suko na ba you sa mga kagroupmates mo, ha?" Ngingiti-ngiting tanong ni Margaux pagkababa ko ng tumbler.

"Bakit hindi ka na lang kasi mag individual?" My other friend Zenna joined.

Umirap ako sa kawalan bago sumagot. "Kung pwede lang, eh."

Buti pa ang mga kaibigan ko kahit papaano ay matitino ang mga kagrupo. Sila Margaux at Zenna ay magkasama, si Zenna ang leader at sumusunod naman ang mga members niya sa kaniya.

"Oh, thank you, Alex. Maaasahan ka talaga. So, we all need to do now is..."

Pati isa sa mga malalapit kong kaibigan na si Sydney ay maayos ang mga kagrupo at sumusunod.

"Anyway, Nameis girl, sumabay na you sa'min for lunch later, ha? I'll treat our whole group kasi, eh!" Margaux the richkid changed the topic.

Hindi siya sa maarte, ganiyan lang talaga siya magsalita. Medyo nasanay na rin kami.

Tumango naman ako saka napadako ang mata sa grupo ng isa rin sa mga kaibigan slash pinsan ko. Nagpaalam ako kanila Zenna saka lumipat sa grupo na may apat na lalaki at nag-iisa lang ang babae, at ang pinsan ko 'yon.

I longed for you, Prof. (Professor Series #2)Where stories live. Discover now