06 - ⚠

2.5K 28 122
                                    

R-18, read at your own risk.

***

Her Point Of View.

"Nameis? Naririnig mo ba 'ko? Nandyan ka ba?"

Pangatlong sigaw si Mommy mula sa labas ng pinto habang walang tigil itong kumakatok.

"Shit!" Mahinang mura ni Falcon na halatang kinakabahan na rin. "Sabi sayo, uuwi na 'ko e," Sisi nya.

Ilang segundo na kaming paikot-kot at hindi alam ang gagawin. Bumaling ako sa balkonahe at tinignan ang taas no'n. "Dito, dito ka lumabas!" Pabulong kong sigaw sa kanya.

Hindi naman masyadong mataas 'yon. Do'n din ako dumadaan kapag gabi at gusto naming tumakas ni Madi para magwalwal.

Lumapit sya sa'kin at tinignan ang baba, tinatantya ang taas. "Bilisan mo at umalis kana!" Pagtataboy ko dahil narinig ko na si Mommy na kukunin daw ang susi ng kwarto ko.

Marahas syang bumuga ng hangin bago ako muling tignan. "You'll pay for this, Nameis." Aniya pa bago akyatin ang railings no'n.

The last thing I know, he was already on the ground. Naawa naman ako dahil halatang masakit ang pagkakabagsak nya ro'n, nahihirapan syang tumayo!

"Nameis!?"

"Ma!" Kinakabahang humarap ako kay Mommy nang bigla syang magsalita. Nakapasok na pala sya!

"Anong ginagawa mo riyan? Why weren't you opening the door?" Mom asked, bakas ang pagtataka.

Naglakad na 'ko palapit sa kanya para hindi na sya magtanong pa kung bakit ako nasa balkonahe.

"Huh? Ah, sorry ma. Naka-airpod kase ako, haha." Kunyaring may tinanggal ako sa tainga at nilagay sa cabinet. "Hindi po kita naririnig."

Ilang segundong tumitig sa'kin si Mommy dahilan para mas kabahan ako lalo. "Nag-alala 'ko baka kung napa'no kana. Next time, don't lock your door."

I looked down, guilty. "Sorry, Ma."

"Okay, nasa baba ang Daddy mo, kararating lang namin. "She informed and turned her back, I thought she was leaving but she turned at me again. "Kaninong motor 'yung naka parada sa labas?"

I bit my lower lip, can't find the words for her question.

"Uh.. Uhm.. Hindi ko po alam, Ma." I lied, shocks!

Tumango-tango si Mommy bago sumagot. "Siguro sa kapitbahay nanaman." She gasped, believing. I'm sorry, Mom. "Lagi nalang nagpaparada sa harapan natin. Sige na, bumaba kana maya-maya ha. Magluluto na 'ko," Dagdag nya pa bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

I blew a loud breath as the door closed. Did she really buy that? Sana.

Sumilip uli ako sa balkonahe, pagtingin ko sa baba ay wala na si Falcon do'n. Nakaalis na sya, sana naman hindi napilayan ng buto 'yon.

That night, I chatted Sydney, asking her Facon's number. Only his number but Syd sent his all social media accounts!

I added his facebook account and follow his IG. I waited for his response but nothing came. Tinext ko rin ang number nya pero hindi sya sumasagot, kamusta na kayo 'yon?

Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-aabang sa reply nya. Kinabukasan ay weekend, gusto ko sana syang puntahan sa dorm nya pero sinabi ni Mama na samahan ko si Kraven mamili ng mga materials sa project nya.

"Materials ba talaga para sa project o para sa wattpad books mo?" Tinaasan ko ng kilay si Kraven na katabi ko ngayon sa backseat.

Ihahatid muna kami nila Mommy at Daddy sa mall bago sila pumasok sa trabaho. Si Madison at Margaux naman ay may ipapasa sa school. Si Zenna, masyadong busy 'yon sa buhay nya.

I longed for you, Prof. (Professor Series #2)Where stories live. Discover now