07

1.1K 24 59
                                    

Her Point of View.

Nanlaki ang mata ko at agad napalayo kay Falcon.

"Mom! Dad!" I exclaimed in panick, shock to the core. My heart started to beat so fast, nervous as fuck.

Oh my god! Did they see us kissing?!

Mukhang kakarating lang din nila, nasa likuran pa nila ang sasakyan ni Dad at umiilaw pa ito.

"Kami nga ito, hija." Said by Dad with a teasing smile plastered on his face. They are looking at us maliciously. Napalitan tuloy 'yong kaba ko ng hiya, feeling ko tuloy nakita talaga nila kaming naghahalikan kanina.

"And what's with that face, Montelaine? Para ka namang nakakita ng multo." Was my Mom remark which made my face heated because of so much embarassment. Parang gusto ko na lang maglaho sa mga oras na 'to.

Ugh! You're so careless, Nameis!

"Magandang gabi po, Ma'am, Sir." Napatingin naman ako kay Falcon nang magalang niyang batiin ang magulang ko. He looks easy and unbothered. Parang hindi man lang kinakabahan o nakaramdam ng hiya na baka nakita kami ng magulang ko na naghahalikan kanina.

They gave Falcon a sweet smile. "Magandang gabi rin, hijo."

Napaayos naman ako nang bumaling sa'kin si Mom. "Hindi mo man lang ba ipapakilala sa'min 'yang guwapong kasama mo?" My face heated.

Napatingin naman ako kay Falcon na bahagyang nakangiti. I mentally rolled my eyes. Tuwang-tuwang naman ang loko that my Mom finds him handsome.

I coughed, "Um... Ma, Pa, si Falcon. Falcon, Mom and Dad ko."

Bahagya namang yumuko si Falcon, showing respect to my parents. "It's a pleasure to meet you po."

Napangiti naman sila Mom and Dad. "It's a pleasure to meet you rin, hijo."

"Ma'am! Sir!" Nabaling ang atensyon namin sa maliit na gate ng mansion nang lumabas doon si Kuya Menard. Ang Guard namin. "Magandang gabi po, dumating na po pala kayo, pasensya na po, nagronda po kasi ako sa loob."

Nginitian naman siya ni Mom and Dad. "Magandang gabi rin, wala namang kaso sa'min 'yon, Menard, ikaw naman." Was my Dad response.

Bahagya namang yumuko si Kuya Menard. "Salamat po, Sir, Ma'am." Binati niya rin kami ni Falcon bago muling pumasok sa loob at binuksan ang malaking gate.

"Halika, Falcon, pumasok ka muna sa loob." Aya ni Mom kay Falcon–what?! No way! Tama na ang kahihiyan na nangyari sa'kin ngayong gabi, baka madagdagan pa kapag nagtagal pa si Falcon dito.

"Hindi na, Mom, pauwi na rin kasi siya." I intruded, na para bang ayoko pa talaga sana siyang umuwi kaso kailangan niya nang umuwi.

"Bakit hijo? Nagmamadali ka bang umuwi?" Tanong ni Dad. Pasimple naman akong tumingin kay Falcon at binigyan siya nang umoo ka na lang look. Pero hindi niya 'ko binalingan.

"Ah, hindi naman po." Napapikit na lang ako nang mariin. Ang sarap mong yakapin sa leeg, Falcon! Ugh! Why are they so eager to invite Falcon inside ba kasi?!

"Iyon naman pala, hali na kayo, pumasok na tayo." Nakangiting wika ni Mom. My shoulder dropped, accepting my defeat.

"Sige po," Sagot naman ng bwisit na si Falcon.

Bumalik si Dad sa kotse niya para ipasok ito at iparada, si Mom naman ay naglakad na papasok ng mansion.

Napabaling naman sa'kin si Falcon kaya sinamaan ko siya nang tingin. "Tara na," Nakangising aya niya. Inirapan ko lang siya at nauna nang maglakad, leaving him behind. Narinig ko pa ang pagtawa niya bago ko naramdaman ang pagsunod niya sa akin.

I longed for you, Prof. (Professor Series #2)Where stories live. Discover now