"Bakit dito ka lumipat? Sa maynila ka na pala nanggaling. Ba't mas ginusto mo pa dito?"
Hindi ko maintindihan kung bakit tanong s'ya ng tanong tungkol sa buhay ko. Ako naman itong tangang sagot ng sagot tuwing may itatanong s'ya.
Narating na namin ang kwarto sa third floor. Naka-lock pa ito at mabuti na lang ay nasa lalaking ito ang susi.
"Dapat ba'ng may dahilan? Bawal ba'ng lumipat sa inyo?" Pagtataka ko'ng tanong na may halong pagka sarkastiko.
"Hindi naman. Masama ba'ng magtanong sa'yo?" Balik nito sakin habang patuloy na nagsususi sa pinto.
"Hindi rin naman." Walang pakialam ko'ng sagot ng mabuksan na ang kwarto.
Agad na akong pumasok para tingnan ang loob. Medyo madumi pa ito at maraming dapat na ayusin. Pero ayos naman dahil maganda ang view mula sa bintana.
"Pasensya na ha. Marami pa pala akong naiwang kalat dito. Hayaan mo tutulungan na lang kitang mag linis dito." Pag offer n'ya na agad ko namang tinanggihan.
Kapag nagpatuloy pa 'to iisipin ko'ng may gusto na'to sakin.
"Hindi na. Kaya ko na 'to. Kailangan ko rin kasi ng privacy pagdating sa mga gamit ko." Pagdadahilan ko na agad naman n'yang ikinatigil. Parang may masama sa sinabi ko.
"Ah. Ganun ba? O sige. Una na ko ha. Pag may kailangan ka nasa taas mo lang ako. H'wag kang mahiyang pumunta 'don. Kain ka na din masarap akong magluto. Promise." Hindi ko na naintindihan pa ang mga sinabi n'ya at naguguluhan na din sa paligid ko. Ano'ng kain na din ako 'don? Ano ba'ng meron sa taas? Bakit parang kanina pa ko may napapansin na nagsisi-akyatan 'don?
Ipinagpatuloy ko na lamang ang paglilinis ng bahay at ng katawan ko ng matapos. Marami akong mga kahon na naitapon at mga recipe na napulot. Mga punit na ito at luma ng tingnan.
[Anak! Lance! Nandyan kana ba? Kamusta biyahe? Maganda naman ba? Kung hindi pwede ka ng bumalik dito. Miss kana ng mama mo.] Nag-aalalang bungad sakin ni papa ng sagutin ko ang tawag n'ya.
"Ayos naman ako dito pa. Kayo ba? Maganda itong bahay pa kaso hindi tulad ng inaasahan ko. Medyo challenge tumira dito pero masaya. Si mama? Nagpapahinga na po ba?"
[Oo anak. Andun sa kwarto n'ya nakakulong na parang bata. Nagtatampo sa'yo.] Bulong pa nito, iniiwasang marinig ni mama.
Nagtawanan lang kami ng nagtawanan dalawa ni papa bago namin patayin ang tawag. Akala mo'y ilang taon ng hindi nagkikita kahit kanina lang namang madaling araw.
"Halika na! Bilisan mo! Baka wala na tayong mapwestuhan 'don. Baka hindi natin makita yung chef na pogi. Bilis!" Rinig ko'ng pagmamadali ng dalawang babae ng dumaan ito sa pintuan ko. Agad ko namang itong nilabas at nakitang sa rooftop ang punta nila.
Mas lalo akong naguluhan at napaisip kung bakit ang daming nagpupuntahan sa itaas. Anong meron 'don?!
Sa dinami-rami ng mga iniisip ko ay sa pag-akyat din ang nahantungan ko.
Tila ba papasok ako sa kakaibang mundo ng marating ko na ang huling hagdanang paakyat sa pinakatuktok. May mga sticky notes na nakadikit sa bawat gilid na nagsisimula ng mapuno. Ganon ba kasikat ang pinupuntahan nila dito?
-dear chef.
Baka naman kung wala ka ng girlfriend. Pakasal na tayooo!!! Yieee...
-chef Austin! Ang ganda ng pangalan mo. Kasing ganda ko!
-bagay na bagay sa'yo ang pangalan mo chef Austin! Parang ako. Bagay sa'yo. Ehe enebe!
"Tsk! Daming dada. Bakit hindi nila sabihin sa lalaking 'yon yung mga sinusulat nila? Chef? Hmm... Kainan nga siguro ang nasataas." Sambit ko sa sarili.
Nag simula na ulit ako sa pag hakbang ng biglang may isa pa'ng notes ang pumukaw sa mga mata ko.
-hi Akio. I love yooo!!!
"Hi sir! Mukhang bago lang kayo. Pasok ho! Let me tour you in our 'Taste of Italya'!" Napatango na lang ako sa kung ano-anong sinabi ng lalaking lumabas mula sa pintuang balak ko pa lamang buksan.
"Uhm. T-thank you." Nauutal ko'ng pasasalamat bago tuluyang sumunod sa kanya papasok.
Naglakad ito at umakyat pa sa tatlong patong na hagdan bago tuluyang makapasok sa isang lugar na hindi mo aakalaing nasa mundo. Totoo ba'ng may ganito?! Nasa pilipinas ako pero bakit parang, talagang nasa Italya ako.
"Have a seat, sir. Kukunin ko lang yung menu." Utos nito sa'kin bago ito umalis.
Naupo ako sa pwestong pang dalawahan, malapit lang sa pwesto kung saan nila ginagawa ang mga isine-serve nilang pagkain. Naamoy tuloy ang bango at sarap nito simula pa lang sa pagpasok.
"Here's the menu. Take your time sir, pag-isipan mo'ng mabuti. Promise masarap lahat yan." Nakangiti n'yang sabi sa'kin bago inabot ang isang libro ng mga pagkaing kanilang inihahain.
"Uhm... Hanggang kailan ka tatayo riyan?" Nahihiya ko'ng tanong ng mapansin ang pag tayo nya sa tabi ko habang patuloy na nakatitig sa mukha ko. May ngiti pa'ng nakapaskil 'don.
"Ah.. hahaha. Sorry, siguro hanggang sa makauwi ka na. Ang kyut mo pala."
"A-ano?" Hindi ko alam kung nag-i-imagine nanaman ako o sadyang ayun talaga ang sinabi n'ya. Pero... bakit nya naman sasabihin 'yon sakin?!
"Wala. Sabi ko hanggang sa makapili ka na ng pagkain." Sagot nito sakin na mas lalo kong ikinapagtaka. Mali ba talaga ako ng rinig?
Mabilis nakong pumili sa menu na kanina n'ya pa inabot. Pinili ko ang pinaka mabenta nilang pagkain. Isang noodles soup na nanggaling pa sa ibang bansa.
"Thank you sir. Ako na ang magluluto para sa'yo, ang isang tulad mo ay hindi dapat kung sino-sino ang gumagawa ng pagkain. Dapat meron itong maingat, malinis at puno ng pagmamahal na sangkap." Mga kadaldalan pa nitong sambit na kahit isa'y hindi ko gustong marinig. Hindi naman s'ya ang pinunta ko dito. May pinunta ba ko dito?
"Hindi na kailangan. Mukhang busy ka masyado. Marami ng natawag sa'yo, para ata magpa-picture. Nakakahiya naman may chef naman siguro kayo dito." Pagtanggi ko. Nakita ko ang palabirong paglungkot ng reaksyon nito dahil sa ginawa ko'ng pagtanggi.
"Chef din naman ako nito. Actually apat kami. Ako, si chef Barney, Chef kenj, at si Chef Austin." Pagbanggit n'ya ng mga pangalan na iisa lang naman ang tumatak sa aking isipan. Si chef Austin.
"By the way. Bago ko pa makalimutan magpakilala. Hi, I'm Akio. Chef Akio Fajardo at your service. Asahan mo na ang mukha ko sa iyong umagahan, tanghalian, at hapunan." Batak na ngiti nitong pagpapakilala sa sarili. Bago tuluyang umalis.
--------
<3
BINABASA MO ANG
Taste of Italya [BL series #01]
RomanceBoylove series #01 TASTE OF ITALYA is a BL series about a love story in a restaurant. Naging madalas na customer ang bida sa isang sikat na rooftop restaurant, na pinamamahalaan ng sikat at guwapong chef at ng kanyang mga kaibigan. Bagama't nabubuo...