05

4 1 0
                                    

"Ikaw yung bagong lipat sa ibaba diba? Pwede ba'ng malaman pangalan mo?"

Natagalan ang lalaking inutusan ni Kenj kanina para tawagin si chef Austin. Agad din naman itong bumalik pero wala pa yung magluluto. Siguro'y may inaayos pa.

"Ah.. oo. Lance. Ako si Lance Kyle Chesso." Kinakabahan ko'ng pagpapakilala sa sunod-sunod nilang tanong. Natawa naman sila sa isinagot ko. Masyado ba akong pormal sumagot?

"Ang haba pala ng pangalan mo. Lahat ba yan dapat itawag namin sa'yo?" Birong sabi nito.

"Lance na lang. Kung gusto mo pwede namang Kyle. Kung anong mas gusto n'yo ayos lang." seryoso ko ng sagot.

"Okay Lance Kyle... Keso? Keso right?" Inirapan ko ito dahil sa tanong n'ya. Keso? Seryoso?! Ang ayos-ayos ng pagpapakilala ko tapos keso?!

"Chesso. Sana malinis ang tenga mo para marinig mo ko ng mabuti." Pagsusungit ko'ng sabi na ikinatawa lang naman nito. Ang lakas ng loob! Hindi naman nakakatawa!

"Sorry. Chesso. Hi Lance Kyle Chesso! I'm Barney. Bayley is my real name pero dahil sa mga ugok na kaibigan ko. Barney ang tinawag nila sakin at ng marami pang tao." Pagpapaliwanag n'ya na hindi ko naman hiningi.

S'ya siguro yung tipo ng lalaking bawal mong pagsabihan ng sikreto. Baka mabunyag n'ya dahil sa kadaldalan!

"Oh. Eto na pala si chef. Chef! Nandito na si mr famous handsome!" Sigaw nito ng makitang papalabas na si chef Austin sa isang kwarto sa dulo ng rooftop.

Napa-ayos naman ako ng upo at agad na inayos ang suot ko.

Mr famous handsome? Huh?! Anong pinagsasabi ng lokong 'to?!

Napahinto s'ya at napatitig sa gawing dulo kung saan ako nakaupo.

"Hi, sir. Welcome to Taste of Italya. Pasensya na sa paghihintay. May inasikaso lang kami sa loob." Pormal n'yang pagkakasambit. Mukhang work mode muna s'ya ngayon.

Tinanguhan ko lang ito at nginitian na agad naman nyang ibinalik sa akin bago s'ya nag simulang mag luto.

Hindi ko alam kung anong ginagawa n'ya sa kusina pero may naaamoy akong masarap sa gawing iyon. Napukaw din naman ng mata ko ang isang red wine na ibinubuhos n'ya sa niluluto.

"May balak ata akong lasingin." Bulong ko sa sarili na ikinangiti ko din. IKINANGITI KO?!

Mabilis at tarantang kumilos si chef Barney ng mapansing papatapos na si chef Austin sa kusina. Nag labas s'ya ng tatlong camera na ipinuwesto s'ya sa tatlong gilid habang sa akin naman nakatapat.

Ano'ng nangyayari?!

Naglagay din ito ng dalawang bilog na upuan sa harapan ng aking lamesa habang si Kenj naman ay naglalagay ng mga plastik na bulaklak sa likuran at gilid ko. Mukhang dagdag ganda para sa ginagawa nila.

"Sorry sir Lance. Saglit lang itong gagawin naming interview. Pumatok kasi ang mukha mo sa socmed simula nung unang punta mo dito." Sambit n'ya sa akin bago nagpatuloy sa pag-aayos. Napatango na lang naman ako sa mga sinasabi n'ya. Hindi parin maintindihan ang nangyayari.

Interview?!

"Kailangan ba talaga nating gawin 'to? Ayos lang ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong n'ya. Nakatitig lang ito sakin habang iniintay ang sagot ko. Na conscious tuloy ako! Nakakakaba!

"H'wag na lang nating ituloy 'to. Mukhang hindi s'ya mapalagay sa sitwasyon n'ya. Hindi s'ya komportable." Dagdag pa n'ya bago balaking alisin ang mga camerang nakaayos na sa gilid.

"Hindi. Ayos lang. Kung makakatulong 'to para sa inyo. Ayos lang ako." Pagpigil ko habang nakapaskil sa mukha ko ang pilit na ngiti. Hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sa ngayon!

Nakakahiya din sa dalawa n'yang kasama. Kung hindi ko gusto dapat kanina ko pa sila pinigilan. Nakakahiya sa naging pagod nila. Nagmadali pa naman sila para dito.

"Sigurado ka?" Tinanguhan ko lang ito sa tanong n'yang iyon bago tuluyang ayusin ulit ang mga camerang nagulo na n'ya.

Nang matapos na sila sa pag-aayos ay agad na nilang inihain sa harapan ko ang isang simpleng spaghetti. Kulay dilaw ito dahil sa nakabudbod na mga keso na napapalibutan din naman ng mga itim na paminta. Tuyo s'ya na mukha namang masarap. Naglagay din sila ng isang table napkin sa gilid ng plato na pinagpapatungan ng nangingintab na kutsara't tinidor.

Mabango s'ya at halatang masarap. Pero kailan ko ba dapat kainin? Ngayon na ba o mamaya pa pag sinabi nila? Magkano kaya 'to? Wala pa naman akong sapat na pera dahil wala pa akong nahahanap na trabaho. Baka kulang pa ang buhay ko para sa isang galante at simpleng pagkain na 'to! Ayokong maghugas ng plato sa isang buong araw para makabayad!

"Let's start?" Mukhang ayun na ang senyales. Tumango lang si chef Barney na tumitingin ngayon sa isang screen sa gilid namin. Mukhang professional pagdating sa ganito.

Naupo si chef Austin sa harapan ko katabi naman si chef Akio na kakarating lang, galing sa bodega.

"Lights, camera, action!" Sigaw nito na ikinangisi ni chef Austin habang ako naman ay nakaupo lang na parang estatwa dahil hindi ko alam ang gagawin ko!

"Tikman mo na." Bulong nito sakin na ikinatango ko naman.

Dinampot ko ang isang tinidor sa gilid ng plato katabi ng isang kutsara. Hindi ko alam kung para saan 'yon dahil wala naman akong kukutsarahin. Baka props lang.

Inikot ko ang tinidor na hawak ko sa pasta na ngayo'y pumupulupot sa tinidor. Kita ko kung paanong nahatak ang kesong nakapatong sa pasta. Tunaw ito kaya't medyo may mga tumutulo pa sa plato.

Kinakabahan akong itinaas ang tinidor dahil baka magkalat ako sa video.

"Good sir Kyle. Ipagpatuloy mo lang 'yung pierce ng mukha mo. Maraming naaakit sa live natin!" Anunsyo ni Barney na para ba'ng may nagawa akong kung ano sa ginagawa nilang... live!

Mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi ni Barney! Live?! Seryoso?! Bakit hindi nila agad sinabi!

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko suot-suot ang pierce na mukhang sinasabi ni Barney.

Masarap ito at lasang lasa ang keso. May kung anong lasa din ang mayroon sa pasta. Hindi ko mabanggit pero para talaga akong dinadala nito sa ibang lugar. Ibang bansa. Para akong nasa Italy kahit hindi ako nasakay ng eroplano. Ganito ba s'ya katalentado pagdating sa larangan ng pagluluto?!

'gusto kita.'

————————
<3

Taste of Italya [BL series #01]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon