10

0 0 0
                                    

"Good morning sir Lance. Ang aga natin ah. Kumusta tulog?"

Maaga akong nagising at nag-ayos para sa magiging interview ko sa bago ko'ng papasukang trabaho. Hindi lang s'ya basta interview dahil kailangan ko daw magpasikat sa magiging judges. 'Yung apat na magkakaibigan. Mukhang napag-usapan na nila 'to!

"Puno ng kaba? Ayos lang yan. Ganyan din ako noon nung kakasimula ko pa lang dito." Pagpapagaan ng loob sakin ni Barney. "Pero mag ingat ka kay chef Austin. 'Don ka kabahan." Pagbabanta n'ya naman na naging dahilan ng pagbalik ng kaba at nerbiyos ko! Hindi s'ya nakakatulong!

Hindi ko na lang s'ya pinansin hanggang sa maupo na silang apat sa harapan ng kusina. Maaga pa kaya't wala pa'ng mga customer na nadating. Nakita ko rin ang anunsyong post ni Barney before 11:00 am na lang daw silang magpuntahan. Dahil sa urgent interview sa magiging bagong member ng Italyano. Pinangalanan daw sa kanila ng mga tao.

"Kailangan ba talagang naka live?" Pagtataka kong tanong kay Barney na ngayo'y nag-aayos nanaman ng mga camera sa bawat sulok. May tiwala naman ako sa kanya dahil nu'ng last ay ang gaganda ng mga shot at view naming tatlo nila chef Akio at chef Austin. Pwede syang maging magaling na direktor. Or camera man. Maybe photographer din.

"Let's start?" Pagtatanong ni chef Austin at tumango lang naman ako.

Nagsimula nako sa pagbabasa ng flour at maingat na ginawa itong dough. Nang matapos ay dahan-dahan ko itong binatak hanggang sa maging isa itong pasta.

Sinimulan ko na itong isalang sa kumukulong tubig. Nagsimula na akong maggayat ng mga rekado, dinagdagan ko ito ng mga sangkap na pinagpraktisan ko kagabi. Kinayod ko na ang Pecorino Romano Cheese na halata naman sigurong nagmula pa sa rome.

Saglit lang maluto ang pasta kaya't agad ko na itong inilagay sa apat na plato para sa apat na taga tikim. Ibinuhos ko na ang kinadkad ko'ng keso habang mainit pa ang pasta kasunod ang black pepper. Nang lumamig na ay binudbudan ko ulit ito ng keso tsaka nilagyan ng kulay green na dahon sa ibabaw. Para may dating tingnan.

Pinalibutan ko ito ng maliliit at bilog na ham kasama ng maliliit na gayat ng bacon. Para sa dagdag lasa.

"Sana magustuhan n'yo. Enjoy sa pagkain." Sabay lapag ko na ng apat na plato sa tapat ng apat na taga tikim. Hindi ko alam kung bakit kailangang silang apat, 'e hindi naman marunong magluto 'yung dalawang 'yon. Siguro'y sa tikiman sila magaling.

Puno ng kaba ang naramdaman ko ng magsimula na silang paikutin ang pasta sa kanilang sariling tinidor. Dahan-dahan nila itong isinubo habang tila mo'y nilalasap pa ang bawat lasang meron sa niluto ko'ng 'yon.

"Sana masarap. Sana masarap." Paulit-ulit ko'ng bulong sa sarili habang nakayuko at nakayukom ang dalawang kamay. Nakaharang sa mukha ko. Kulang na lang ay dasalan ko na ang lahat ng santo at diyos matupad lang ang hiling ko.

"I love it. Masarap s'ya. Cheesy pero hindi nakakauta." Komento ni Kenj.

"Kung pwede lang manghingi pa ng isang plato. Gagawin ko dahil sa sobrang sarap nito!" Pabirong komento naman ni Barney. Ano pa nga ba'ng aasahan ko sa isang 'to?

Nabawasa ang kabang nararamdaman ko dahil pasado naman s'ya sa dalawang ito. Dalawa na lang ang inaantay ko.

Napatitig ako ng mabuti kay chef Akio na ngayo'y naghahanda na para sa komento.

Tinaasan n'ya ako ng kanyang hinlalaki. Senyales na nagustuhan n'ya ang pagkaing hinain ko.

"Masarap. Tama ang sinabi ni Kenjie. Pero.. parang may kulang." At doon na nga ako mas lalong kinabahan. Seryoso lang na nag-iisip si chef Austin ng bigla ulit itong tumikim sa niluto ko'ng pasta.

"Asin. Sigurado akong hindi mo nalagyan ng asin ang niluto mo'ng pasta. Hindi ba't nasabi ko na sa'yo—" bigla akong nagulat ng pigilan n'ya ang sasabihin n'ya. "Hindi ba't nasabi ko na sa inyo na mahalagang wala ka'ng makakalimutan na kahit isang ingredients. Isang ingredients lang ang magkulang ay hindi mo na malalasahan ang hinahanap mo'ng lasa." Dugtong nitong sabi. Hindi ko alam kung it's a yes ba o it's a no para sa kanya. Pero I think pasok nako dahil tatlo ang nag yes? Or maybe mas matimbang ang magiging desisyon nya? Tutal sa kanya naman itong restaw.

"Pwede ka ng magsimula mamaya. 11pm h'wag kang male-late. Tandaan mo ang naging pagkakamali sa unang beses na pag try mo." Bilin nito na ikinatuwa ko ng sobra. Halos abot langit na ang naramdaman ko'ng saya! May trabaho na ko!

Nang makauwi ako ay agad-agad ko'ng sinukat ang kulay pink na uniporme ko. Katulad lang din ng laging suot ng apat. 11:00 am na lang ang kulang ay handa na kong pumasok sa unang araw ko sa trabaho. Hindi pa ko magluluto ngayong araw, siguro'y tutulong na lang muna ako sa pag-a-assist ng mga customer.

Nang pumatak na nga ang saktong 11am ay ayun nga ang ginawa ko maghapon. Bumati ako sa bawat customer na dumarating habang ang iba naman ay nagpapapicture sakin.

"Uhm.. sir. Ayos lang ho ba sa inyo?" Kinakabahan ko'ng tanong sa isang lalaking halatang laman ng gym.

Lumapit kasi sakin ang nobya n'ya para magpa-picture. Siguro ayos lang naman kung kasama 'yung lalaki kaso hindi. Mas gusto ni ate girl na kaming dalawa lang at ang masama pa 'e yung lalaki ang magpi-picture samin!

"1, 2, 3. Smile!" Senyas nito sa amin bago tuluyang mapindot ang camera. Sa unang try ay hindi nagustuhan ng babae ang pagkuha ng litrato ng nobyo n'ya kaya inulit namin 'yon.

Natatawa na lang ako ng maka-alis na ang dalawa dahil hindi ko maisip na sa laki ng katawan nu'ng lalaki 'e titiklop lang pala s'ya sa isang babae.

"Kamusta pagiging artista?" Birong tanong ni chef Akio ng bigla itong lumapit sa puwesto ko.

"Sa totoo lang. Mas napagod ako sa pakikipag-picture kesa sa trabaho ko." Seryosong sagot ko. Halata ang pagkapagod.

Totoo naman kasi. Halos parang kada segundo may mga nagpapa-picture sa'kin. Nakakapagod.

"Lance! Mag trabaho ka!" Biglang sigaw ni chef Austin.

————————
<3

Taste of Italya [BL series #01]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon