08

2 0 0
                                        

"Ha?"

Malinaw pa sa sinag ng araw ang paghingi n'ya ng sorry. Gusto ko lang ulitin n'ya dahil ang sarap sa tenga. Parang hindi s'ya.

"I said, I'm sorry. Sorry sa mga nasabi ko. Alam ko'ng mali pero nahusgahan kita. Sorry talaga." Mukhang seryoso na n'yang sabi. Napahinto pa ito sa ginagawa n'ya habang nagsasalita. Pero nakatingin parin sa niluluto n'ya. Hindi ko tuloy makita kung sincere ba ang paghingi n'ya ng tawad o pakulo n'ya lang ulit 'to.

"Buti naman nag-sorry ka." Bulong ko na sapat lang para marinig n'ya kaya naman ay agad s'yang napalingon sakin habang nakataas ang kilay. Natawa akong bigla sa naging reaksyon n'ya.

"Ako isa lang ang babawiin ko." Seryoso ko ng sabi na mas lalo n'yang ikinapagtaka. "'Yung sinabi ko'ng pinagsisihan ko'ng nagpunta dito. Hindi totoo 'yon. Actually isa 'to sa pinakamasayang experience ko simula nu'ng bagong lipat pa lang ako rito." Dagdag ko pa.

Hindi ko na alam kung ano pa'ng dapat ko'ng gawin dahil hindi na s'ya nagsalita pa. Dapat ba ko'ng mag-isip ng mapag-uusapan? Dapat na ba akong umiyak dito? O baka dapat na lang akong manahimik?!

Okay. Shut up na lang tayo for todays bedyow!

Inilapag na n'ya sa harapan ko ang putaheng huli ko'ng natikman. Ang Cacio e Pep— basta alam ko ang tawag 'don.

Tinitigan ko lang ito at ninanamnam ang bawat amoy na sumasama sa usok na nilalabas nito. Nakakatulong ding mabawasan ang ka-awkward-an sa pagitan naming dalawa ang malamig na simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam.

"Ayaw mo ba?" Seryosong tanong nito na ikinatigil ko naman sa ginagawa. Napairap ako sa kanya bago sinimulang kumain. Ang epal! Uwing-uwi na yata!

"Ayos lang ba? Masarap? Ikaw unang tumikim n'yan 'e." Bigla akong nabulunan sa huling sinambit n'ya. Ako ang unang tumikim? So... Nung nag live kami. Unang beses n'yang lutuin iyon sa'kin?

"Ah... So.. ginamit n'yo pala ako sa live n'yo para maging mabenta ang bago n'yong main dish. Wow! Ang talino!" Napapalakpak na lang ako sa mga sinabi ko habang isang beses na umirap ang mga mata.

"Bagay sa'yo pag natawa ka. Try mo aaraw-arawin." Seryosong sabi ko ng biglang lumabas sa mga labi n'ya ang ngiting parang nakapanibago sa'kin.

Bigla naman itong napairap at umiwas ng tingin. Parang batang inagawan ng candy. "Seryoso gaga!"

Nagtawanan at nagkuwentuhan lang kaming dalawa ng matapos nako sa pagkain. Tinatanong ang bawat isa.

"Bakit mo pinangalanan ng Taste of Italya ang kainan mo?" Pagtataka ko'ng tanong. S'ya 'raw ang may idea na magtayo silang magkakaibigan ng isang restaurant. At eto nga ang Taste of Italya. S'ya ang nag-ayos ng lahat at s'ya rin ang nakakaisip ng mga pagkain dito. Hindi ko alam kung nanggaling na ba s'ya sa iba't-ibang bansa dahil lasang ibang bansa talaga ang mga luto n'ya. O baka siguro'y magaling lang talaga s'ya.

"My dad is in Italy. Since when I'm just a kid. Lumipad na s'ya para doon mag trabaho. May mga usap-usapan na may iba na daw s'yang pamilya dahil simula noong lumipad s'ya hanggang ngayon, hindi na s'ya umuwi. At gusto ko'ng makapunta sa Italy para malaman ang totoo. That's why, pinangalanan ko itong 'Taste of Italya'.

"And your.. mom? Nasaan na s'ya?" Maingat na pagtatanong ko. Iniiwasang makasakit sa bawat letrang binabanggit ko.

"Wala na s'ya eight years ago." Pagkukwento pa n'ya. Bigla akong nakaramdam na dapat akong humingi ng tawad dahil sa pagtatanong ko.

"I'm sorry." At ayun nga ang ginawa ko. Napatingin ito sa'kin. Mukhang hindi inaasahan ang sinabi ko.

"Ayos lang. Matagal na naman 'yon. Para rin naman sa kanya itong ginagawa ko. Para sa ikatatahimik naming dalawa ni mommy." Seryos na n'yang sambit na mas lalong ikinabigat ng pakiramdam naming dalawa. Pakiramdam ko ay may kung anong nakadagan sa'ming pareho.

"Sana soon. Makarating ka sana sa dream destination mo. Mapuntahan mo sana ang daddy mo. And no matter what happen. Kahit ano man ang matuklasan mo 'don. Keep thinking na nandito lang ang mga kaibigan mo. Andito lang ako. Susuporta sa'yo." Hindi ko na alam ang mga lumalabas sa bibig ko. Ang alam ko na lang ay dapat ko'ng pagaanin ang loob ng lalaking 'to. Mukhang alam ko na kung saan nanggagaling ang mga sama ng loob at masasamang salitang nailalabas nito. Ngayon alam ko na.

"Ikaw. Wala ka ba'ng ikukwento? Puro ako na lang ang kwento ng kwento." Pagbalik n'ya sa'kin ng spotlight. Bigla naman akong kinabahan. Pinipilit ko'ng ibuka ang bibig ko pero parang walang letrang gustong lumabas doon.

"Austin. Oo nga pala. Nakalimutan ko'ng sabihin na— oh!" Bigla akong nagulat ng biglaang pumasok sa pintuan ang maingay na si Barney.

Napatitig tuloy ako rito na halatang gulat na gulat namang makita ako.

"Nakalimutan ko'ng sabihin na.. bye! Babye chef Austin! Bye Lance! Goodluck sa'yo!" Hindi ko alam kung para kanino yung goodluck bago s'ya umalis. Kung para sa'kin. Goodluck kanino? Sa lalaking 'to?

"Malokong bata talaga 'yon." Natatawang sambit n'ya sa sarili. Pabulong kasi baka sa sarili n'ya sinasabi. Ayoko na lang mag talk!

Binalot nanaman kaming dalawa ng katahimikan na sobra ko'ng ikinailang. Hindi ako sanay ma tahimik! Ba't ba ayaw n'yang magsalita?

"Ano nga palang course ang kinuha mo?"

"Anong gusto mo'ng maging future mo?"

Sabay naming tanong na hindi nakatulong sa ka-awkward-an. Nakakahiya!

"Sige ikaw muna." Pagpaparangya ni chef Austin.

"Hindi ikaw na muna." Pagtanggi ko naman. Hindi ko naman kasi alam kung anong gusto ko. Kaya nga mas ginusto ko'ng mapag-isa para makapag-isip.

"Nasaan nga pala 'yung family mo?" Biglang pag-iiba n'ya ng tanong. Naiilang na rin ba s'ya sa sitwasyon naming dalawa? Ba't di na lang s'yang mag-aya umuwi?

"Nasa Manila si mama at papa kasama 'yung isa ko'ng kapatid." Pagsisimula ko.

"Bakit mo naisipang mapag-isa?" Tanong ulit n'ya. Hindi ata nagsasawa sa walang kakwenta-kwentang kwento ko.

"Para hanapin ang sarili. Masyado na kasing magulo. Dami ko ng ikinikimkim na problema. Baka sooner or later, bigla na lang akong sumabog." Pagkukwento ko, bigla namang bumigat ang pakiramdam ko ng maalala ang mga pangyayari at mga problemang iniwan ko sa pag-alis ko sa maynila. Mas mabuti na ata 'yon.

"May girlfriend ka na ba? Or.. b-boyfriend?"

————————
<3

Taste of Italya [BL series #01]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon