11

0 0 0
                                    

Matapos kaming masaway ay agad na akong nagpatuloy sa trabaho ko.

"Good evening ma'am. Have a seat po. Here's the menu. Take time to choose... Pero mas masarap ho 'yung new dish namin. Try n'yo." Bulong ko sa isang babaeng kakarating lang sa loob. Nakangiti lang ito sa akin habang ako'y patuloy na nagsasalita. Hindi nako naiilang dahil kanina pa naman may ganon sa'kin. Nakakasanay na.

"O sige. Isang Cacio e Pepe and a bottle of red wine please." Sweet at mabait na sabi nito sa'kin. Agad naman akong pumunta sa kitchen para sabihin doon ang order. Mas gusto kong sabihin kay chef Austin kesa isulat sa papel.

"Chef! Isa daw pong Casio e Pepe at isang bote ng wine please." Nakangiti ko'ng sabi sa kanya na agad naman n'yang ginawa. Ngumiti rin ito sa'kin bago pa man ako umalis.

Nag assist ulit ako ng mga bagong dating dahil hindi ko naman trabaho ang mag-deliver. Si Barney ang gagawa no'n dahil si Kenj ang nasa sink para maghugas ng mga pinagkainan. Si chef Akio naman ay nasa kabilang lutuan, katabi ni chef Austin.

"Isa ulit Cacio e Pepe please!" Utos ko ulit kay chef Austin. Kita ko na ang pagtataka sa mukha nito pero hindi ko makuha kung bakit.

"Bakit iisang klase lang lagi ang inoorder nila sa'yo? Ano'ng sinasabi mo sa mga customer. Huh?" Nakataas na kilay nitong tanong. Tila mo'y naghahamon.

Tumingkayad ako dito para maabot ang tenga nya. "Magaling lang siguro akong mang-akit. Gusto mo'ng makita?" Bulong ko bago ko s'ya iwanang nakatulala. Buti na lang ay binati s'ya ni Barney dahil kung hindi, baka masunog na n'ya 'yung niluluto nya!

"Chef Austin! Chef Austin!" Rinig ko'ng pagtawag ng isang babaeng nakaupo sa pwestong lagi ko'ng inuupuan.

Napatingin naman ang mata ko sa gawi ni chef Austin na ngayo'y naglalakad na palapit sa kaninang babae.

Ibinaba n'ya ang kanyang ulo para maabot ng babae ang tenga n'ya bago s'ya umayos ng tayo at natatawa. Hindi ko alam kung ano'ng sinabi sa kanya nu'ng babae pero naiinis ako. Bakit ang saya n'ya?!

"Hey! Good evening everyone!" Sigaw ni chef Austin na nakakuha naman ng atensyon naming lahat. Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa n'ya pero mas iniintindi ko pa rin kung ano 'yung ibinulong nu'ng babae kanina!

"Gusto n'yo ba?" Hindi pa natatapos ni chef Austin ang sasabihin ay agad na nagsigawan ng oo ang mga customer. Para ba'ng alam ang tinutukoy nito. Kahit si Barney at Kenjie ay tuwang-tuwa dahil dito. Si chef Akio naman ay nakangisi lang habang patuloy na nagluluto. At ako naman. Eto naguguluhan sa nangyayari!

"At dahil tradisyon na natin ito tuwing may bago tayong kamiyembro! Tinatawag ko si chef Lance para pumunta at samahan ako dito sa harapan." Dagdag anunsyo nito na ikinagulat ko ng masali ang pangalan ko. Sinenyasan naman n'ya ako na lumapit kaya ayun ang ginawa ko. "Si chef Lance ang magluluto para sa inyo ng paborito n'yang Cacio e Pepe ngayong gabe! Woohhh!!"

Para ba'ng nga hayop na nakawala sa kulungan ang naging reaksyon ng lahat ng tao. Tila mo'y lahat sila ay gustong magwala dahil sa tuwa. Lahat sila ay nae-excite na matikman ang luto ko!

Tulad nga ng inanunsyo. Ako ang nagluto ng paulit-ulit na Cacio e Pepe. Tuwing may ibang dishes na gusto ng tao ay tinutulungan ako ni chef Austin sa pagluluto hanggang sa matapos.

"Good job everyone! Ipagpatuloy n'yo lang ang pagiging masipag ng bawat isa!"

"Cheers!" Sigaw naming lima bago ipagbungo ang mga hawak naming basong may laman na beer.

"Nakakalasing ba 'to?" Walang alam ko'ng tanong kay Kenjie. Tinawanan n'ya lang naman ako kahit wala namang nakakatawa. Seryoso kaya ako no! Hindi ko alam kung pano uminom!

"Hindi ka ba umiinom?" Nag-aalalang tanong ni chef Austin sa'kin. Balak n'yang bawiin ang baso kong puno ng beer pero hindi ko iyon hinayaan. Bawal daw kasi ang KJ.

"Kaya ko naman siguro 'to ngayon lang." Nginitian ko ito bilang paniniguradong ayos lang ako. Magiging ayos ba ako?

Umalis muna saglit si chef Akio para daw mag CR saglit.

"Cheers!" Sigaw ulit naming apat bago ko lagukin ng straight ang basong puno ng beer. Hindi ko alam kung normal ba 'to sa first timer pero sheettt!! Hilong hilo nako!

Nagising ako kinaumagahan na masakit ang ulo at mabigat ang katawan. Lahat ba 'to epekto ng alak? Alak din ba 'yung beer? Nainom naman ako no'n pero hindi ako nalalasing. Pareho ba sila ng root beer?

Aamba na sana ako ng bangon ng bigla ulit akong matumba dahil sa bigat ng pakiramdam ko kaya't kinapa ko ang katawan ko ng bigla akong may mahawakan na mabuhok. May malaking ulo akong nakapa!

"Shit! Nasan ako?" Bulong ko sa sarili ng libutin ko ang buong kwartong tinulugan ko.

Nakita ko naman ang lahat ng gamit na sigurado akong pagmamay-ari ko kaya't paanong nangyaring dito natulog si.. chef Austin!

Balikwas akong bumangon sa kama para maghanda ng makita ko ang oras. Male-late nako! Second day tapos late agad? Please h'wag lord!

Mabilis akong naligo at nag bihis na ng uniporme ng makita ang isang lalaking mahimbing parin ang tulog sa kama ko.

"Hala! Kailangan din s'ya don!" Taranta kong ginising si chef Austin.

"Mama! Maaga pa 'e!" Pag-angal n'ya bago ulit ipinikit ang mga mata.

"Hindi mo 'to mama pero andito ako para sabihing male-late na tayo!" Bigla itong napabalikwas ng bangon na naging dahilan ng pagbagsak n'ya sa ibaba ng kama.

"Bakit dimo sinabi agad?!" Nagmamadali itong pumasok sa CR ng kwarto ko at lumabas na basa ang mukha at buhok. Naaamoy ko pa rin sa kanya ang alak na ininom namin kagabi kaya't pinahiram ko muna sa kanya 'yung extra uniform ko.

"Kung inalarm mo sana 'yung cellphone mo edi sana maaga tayong nagising pareho!" Pagsisimula ko ng gulo. Hindi na naman n'ya ko sinagot at mukhang iniiwasang makipag-away sakin ngayong umaga. Ayoko din naman no! Ang sakit kaya ng ulo ko.

"Sabay kayong late ah. Chef. San ka natulog? Hindi kita nakita sa bahay mo kanina nung dumaan ako." Biglaang tanong ni Barney habang nakalagay ang kanyang nakakalokong ngiti.

"Hindi ko alam!"

"Sa bahay n'ya."

————————
<3

Taste of Italya [BL series #01]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon