07

8 1 0
                                    

"Bakit naman hindi? Ang bilis mo naman atang tumanggi? Ba't hindi mo munang subukan? Di mo pa nga nakikita kung ano'ng kaya nyang gawin tapos huhusgahan mo agad! Napagka selfish mo talaga!"

Hindi ko maintindihan kung bakit sila nagaaway sa harapan ko. Ang alam ko lang ay sobra akong nasaktan dahil sa agad-agad na sagot n'ya. Ni hindi n'ya nga ako tinatanong kung bakit ako naghahanap ng trabaho, kung ano ba'ng kaya ko! Basta s'ya humuhusga.

"Hindi ko na kailangan pa'ng panoorin o tingnan. Isang titig mo pa lang 'e alam mo ng wala s'yang kayang gawin. Baka makagulo lang yan dito. Mahirap na at nanggaling pa naman sa magarang pamumuhay." Walang emosyong pagdadahilan nito. Halatang walang pakialam kung may nasasaktan ba s'ya sa mga salitang binibitawan n'ya. Basta mailabas n'ya ang gusto n'yang ilabas. Ayos na sa kanya.

Mas lalo akong napuno dahil sa mga ibinibintang n'ya. Ganyan ba s'ya kawalang puso?

"Hindi na. Hindi ko naman kailangan ng trabahong bakante ninyo. Kaya ko'ng mag tyaga para maghanap ng iba pa'ng trabaho. Marami naman d'yan sa tabi-tabi." Walang emosyon ko'ng sagot dito. Napatingin naman sakin sina Chef Akio, Barney at Kenj.

"Pero diba wala ka ng mahanap d'yan sa labas? Baka kung san ka pa mapunta. Hindi mo pa naman alam ang—"

"Kaya ko na chef Akio. Kung dito lang din naman ako magtatrabaho. At kung may taong makitid ang isipan lang rin naman akong makakatrabaho. Mas mabuti pa'ng hindi na dito. Agad ko'ng pinagsisihan ang pagpunta ko dito." Puno na ng hinanakit ko'ng sagot.

Bigla ko na lang ginustong maglaho. Bigla ko na lang ginustong maging bula na agad na lang mawawala. Naglakad na ako palabas at binuksan na ang pintuan ng bigla pa itong magsalita.

"Kita n'yo? Simpleng bagay pinalalaki. Ganyan ba ang pagtatrabahuhin n'yo dito? 'E baka walang makasundo yan na kumakain dito. Mawalan pa tayo ng customer." Walang pakeng dagdag nito.

"Ikaw? Buti na lang may nakakasundo ka pa dito. Tinatanong mo ba ang mga yan, ha? Ayan, tinatanong mo ba sila?" Sabay turo ko sa tatlo. "Sana sa susunod tanungin mo sila kung gusto ka ba nilang makasama. Baka mamaya napipilitan lang sila. Kawawa ka." Dagdag ko bago ko pa isara ng padabog ang pintuan nila.

Nang makalabas ako ay agad akong napasandal sa pinto at napaluhod. Bigla akong nanghina dahil sa mga salitang binitawan n'ya. Iniidolo ko pa naman s'ya. Ginusto ko pa naman s'ya dahil sa akala ko'ng pagiging mabuting tao n'ya. Lahat ng 'yon pala 'e nakatago lang at ginagawang maskara.

"Lance? Nandyan ka ba? Lance! Pabukas naman ng pinto! Lance?"

Mas lalong bumuhos ang mga luha ko ng biglang kumatok ng walang tigil si chef Akio sa pintuan ng kwarto ko.

Nagsaklob ako ng unan sa mukha ko para hindi marinig sa labas ang matinding pag-iyak at pag hikbi ko. Ayokong marinig nila ko'ng umiiyak. Ayokong makita nila akong mahina.

Napatingin na lang ako sa pintuan ko ng wala na ko'ng marinig pa'ng pagkatok dito. Mukhang napagod din s'ya na suyuin ako. At least sinubukan n'ya. Sana gano'n din s'ya.

Nagising ako ng madilim pa sa labas. Namumugto ang mga mata. Mukhang nakatulog ako sa pag-iyak.

Agad akong bumangon at naligo saglit bago mapagdesisyunang lumabas.

Naglakad-lakad ako sa kalsada habang naglilibot. Tinatandaan ang bawat pasikot-sikot dito. Para sa susunod ay alam ko na ang mga direksyon. Para hindi ko na kailangan pa ng kasama.

Marami akong nadaanang kainan. Maraming tao pero hindi tulad sa Italya. Pila at napupuno kahit sa ganitong oras. Bakit ba inaalala ko pa 'yon? 'E hindi nga ata ako tanggap ng lokong 'yon 'don.

"Psh!"

Bumalik na ako sa apartment ng mapagod ako sa paglalakad. Maraming bumati sakin at nagpapa-picture. Siguro dahil sa naganap na live streaming ni Barney.

Oo nga. 'Yung live! 'Di ko pa nakikita!

Mabilis ko'ng kinuha ang cellphone ko mula sa bulsan at agad na hinanap ang pangalan ni Barney sa Instagram. 'Don raw s'ya mag l-live.

Nang mahanap ko ang account ay bigla akong nagulat. Naka verify ang account n'ya! Ang daming followers! Kahit yung tatlo ay naka-verify. Ano sila celebrity?!

Pinanood ko ang video habang naglalakad. Napapatawa na lang mag-isa kapag may nakikita akong katawa-tawa at kahiya-hiyang pangyayari na ginawa ko.

Bigla akong napatigil sa panonood at napahinto ng makita ko si chef Austin sa tapat ng pintuan ko. Mukhang nagbabalak s'yang kumatok dahil nakita ko'ng nakahanda na ang kamay n'ya pero hindi naituloy dahil nakita n'ya din ako.

Gumilid s'ya sa kinatatayuan n'ya ng bigla akong maglakad papalapit. Agad ko'ng binuksan ang pinto at mabilis ring isinara ng makapasok na ako. Dapat pa choosy tayo. Minsan lang masuyo no!

Kinabukasan ay gano'n pa rin ang nangyari. Hindi ko s'ya pinapansin at iniiwasan ng tingin hanggang sa lumipas pa ang mga ilang araw. Nakakaawa na s'ya.

Kinagabihan ay naglinis ako ng katawan ng mabilisan at nag suot ng maayos pero hindi galanteng tingnan na damit. Sapat lang.

Kinakabahan akong umakyat at naghandang pumasok sa loob ng Taste of Italya.

Naabutan ko'ng mag-isa na lamang si chef Austin sa loob at naglilinis na ng mga.. malilinis na lamesa?! Ako ba'y ginagago talaga ng lalaking 'to?!

Agad tuloy akong napatingin sa relos at napasapo sa ulo ng makita ang oras. Alas onse na! Sarado na nila!

"Babalik na lang ako bukas." Nakayuko at nahihiya ko'ng sabi bago umamba ng paglalakad paalis. Hindi dapat ganito ang mangyayari! Dapat magsosorry s'ya sa'kin 'e! Wala 'to sa plano!

"Have a seat. Ipagluluto kita." Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko ng magsalita ito. Walang emosyon at parang normal lang. Parang walang kasalanan! Ba't ba hindi na lang s'ya mag sorry para makauwi nako?!

"S-salamat." Nauutal ko'ng sabi bago kuhanin ang upuan malapit ulit sa lutuan at doon ulit maupo. Parang favorite spot ko na 'to. Sana hindi nila mapansin.

Nabalot muli kami ng katahimikan ng mga sandaling iyon. Abala naman s'ya ngayon sa kusina habang naggagayat ng kung ano. Hindi ko maisip kung paano pero napagsasabay nila ang pagluluto at ang paggagayat sa iisang segundo! Paano 'yon?!

"Sorry."

————————
<3

Taste of Italya [BL series #01]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon