"Bakit po? Hindi ba s'ya nagluluto?"
Labis na ang pagtataka ko ng lumabas sa bibig ni ate Sabel ang salitang 'yon. Bakit parang gulat na gulat s'yang ipinagluto ako ni chef Akio?
"Hindi naman. Ano lang kasi." Ramdam ko ang kaba ni ate Sabel sa bawat letrang binibigkas n'ya. Parang may gusto s'yang sabihin na hindi n'ya mailabas sa bibig.
"Hindi na kasi nagluluto pa si Akio simula nung... Hindi ko alam kung dapat ko ba'ng sabihin sa'yo 'to, kami lang kasing lima ang nakakaalam nito." Pagpapatuloy pa n'ya.
"Okay lang po ate Sabel. Naiintindihan ko naman po kung hindi pwedeng malaman. As long as, hindi po ito makakasama sa kalusugan ko dahil mukhang may issue ka sa mag luluto ni chef Akio. Ayos lang po." Pagbibiro ko'ng sabi para pagaanin ang hanging para ba'ng bumibigat sa pagitan naming dalawa ni ate Sabel.
Nagpa-alam na ito ng matapos na kaming dalawa sa pagkukwentuhan. Inabot na kami ng dilim kaya nakaramdam nanaman ako ng kung ano.
"Ugh. Gutom na ko. Nakakahiya namang umakyat 'don para kumain." Pangangamba ko'ng sabi sa sarili habang patuloy na hinihimas ang tiyan.
Hindi ko alam kung dapat ba akong umakyat 'don matapos ang bigla ko'ng pagtakbo habang kausap si chef Austin. Nakakahiya masyado.
Nilibang ko na lamang ang sarili ko sa maraming bagay. Nilinis ko uli ang kwarto ko. Tinapos ko na ang mga pag-aayos na hindi ko pa naaayos. At nag scroll muna ako sa social media account ko.
Marami akong nakitang bago sa mga mutual friends ko. Lahat sila ay kilala ko dahil hindi naman ako nag a-accept ng hindi ko kilala.
Ilang oras akong nag scroll down sa screen ko at sumagot sa lahat ng chat at tawag na natanggap ko hanggang sa maisipan ko'ng tingnan ang page ng restawran nila.
Taste of Italya.
Public group 32k. members
My mouth formed an 'o', ng makita ko kung gaanong kadaming tao ang nakakadiskobre sa mga niluluto nila.
Sinubukan ko itong i-like at nag scroll down para tingnan ang mga shared post ng mga taong nagkakagusto sa apat na ito. Hindi ko alam kung yung luto ba nila ang pinupuntahan o yung mga nagluluto. Hindi kasi maitatanggi na kayang makaakit ng mga mukha nila. Mapa babae man o lalaki.
'ang hot ni chef Austin!'
'may perpekto pa palang lalaki sa mundo!'
'chef @Austin Revero!!!! Pakasalan mo ko!!!'
Nagpatuloy lang ako sa pagtitingin ng mga post 'don ng biglang may isang post ang nakaagaw sa pansin ko.
'sino yan? Bakit ang cute!'
'bagong member?! Omgggg lima na ang hot sa taste of Italya?!'
'bagay sa kanya yung long hair!!! Ang hottt!!!'
'lagi ba s'yang andyan? Mukhang bago lang?! May bago nanaman akong dahilan para aaraw-arawin ang pagpunta sa Taste of Italya!'
"Shit! Bakit andito ako? Nakakahiya!" Napasabunot na lang ako sa sarili ko bago ko tuluyang patayin ang cellphone ko.
Ang dami kong na-isip na dumagdag pa sa kanina ko pang pinoproblema hanggang sa bumagsak na lang bigla ang katawan ko dahil sa pagod.
Hindi alarm at lalong hindi sinag ng araw ang dahilan ng maaga ko'ng pag-gising. Kundi ang mga hiyawan at mga tili ng mga kababaihan sa ibaba.
"Ahh... Ano ba'ng meron? Ang aga pa 'e!" Reklamo ko bago mapagdesisyunan ng sumilip sa bintana.
Para ba'ng may mga artistang dumating dahil sa mga reaksyon ng mga babaeng nakikita ko. May mga nagpapa-picture, may nanghihingi ng autograph. Ganon ba sila kasikat dito?
"I love you chef Austin!"
"Ang cute ni chef Akio!"
"Mahal na kita chef Kenj!"
"I love you! You love me! Barney!" Pakanta pa nilang sigaw.
Ipinorma ko ng bilog ang aking dalawang kamay at inilagay sa aking dalawang mata. Sinilip ko iyon habang nakatitig sa lalaking kanina pa ngiti ng ngiti sa mga tao. Nakakadagdag kapogian sa kanya yung pag ngiti!
"Ang pogi. Paano ka ba maangkin." Bulong ko sa sarili. Iniisip na sana naririnig n'ya ang mga ito.
Dali-dali akong lumayo sa pagkakatuon sa bintana ng bigla itong lumingon sa direksyon ko. Hindi ko alam kung kanina pa ba s'ya nakatingin sakin. Pero sana naman 'e hindi.
"Ang aga-aga! Puro ka nanaman kahihiyan!" Galit na suway ko sa sarili habang hinihila ang mangilan-ngilang hibla ng aking buhok.
Sinubukan ko'ng matulog ulit ng matahimik na sa labas. Siguro'y nakaakyat na sila sa itaas.
Pilit ko'ng ipinikit ang dalawang mata ko at sinubukang gumawa ng mahimbing na tulog ngunit nabigo ako. Bigla akong nakaramdam ng pagkulo sa sikmura ko.
"Gutom na ko." Reklamo ko bago tumayo at nag ayos ng sarili. Naligo ako at nag suot ng maayos na damit pagkatapos kong gawin ang aking morning skin care routine. Masyado na akong stress kagabi kaya hindi ko dapat 'to makaligtaan.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at umakyat sa rooftop habang nag dadalawang isip kung dapat ba akong tumuloy.
Nag-aalangan akong humawak sa doorknob ng kanilang pintuan bago ko ito tuluyang mabuksan.
"Hi sir! Good morning. Welcome sa Taste of Italya. Hayaan mo'ng dalhin ka namin sa panibagong bansa na hindi mo aakalain." Bungad na pagbati sakin ng isang matangkad at matipunong lalaki. Mahaba ang kanyang buhok, mas mahaba kung ikukumpara sa akin. Malalim ang kanyang dimples sa magkabilang pisngi at wala ka'ng kahit isang makikitang bakas ng pagod at hirap sa mukha n'ya. Sobrang kinis at puti!
"Uh. Thank you." Naiilang ko'ng pasasalamat bago n'ya ko ayain papasok ng kainan.
Wala pa'ng tao dito dahil kakabukas lang nila. Hindi ko nga alam kung bukas na ba talaga sila dahil naabutan ko silang nag aayos pa lamang.
"Hoy Kenj! Tumulong ka naman dito! Nakita mo'ng may ginagawa pa yung dalawa sa bodega. Puro ka babae." Bungad na saway ng isa pa'ng lalaking ngayon ay nag aayos ng mga sapin sa lamesa.
Matangkad din ito tulad ng isa at maputi rin ang kanyang balat. Malinis at makinis ang mukha. Short hair lang ito na sapat lang para sa gupit ng isang lalaki. Lahat ba sila dito ganito kapuputi? Nasa pinas pa ba ako?!
"Sh! May customer! Tawagin mo na si chef Austin. Sabihin mo andito na ang first customer natin." Utos ni Kenj sa lalaki. Narinig ko lang yung pangalan.
"Maupo na ho kayo 'don." Utos n'ya naman sakin habang nakalahad ang kanang kamay sa direksyon ng upuang huli ko'ng inupuan.
Malapit nanaman ako sa kanya!
————————
<3
BINABASA MO ANG
Taste of Italya [BL series #01]
RomanceBoylove series #01 TASTE OF ITALYA is a BL series about a love story in a restaurant. Naging madalas na customer ang bida sa isang sikat na rooftop restaurant, na pinamamahalaan ng sikat at guwapong chef at ng kanyang mga kaibigan. Bagama't nabubuo...