"Gusto kita."
Biglang natahimik ang lahat na para ba'ng ikinabigat ng pakiramdam ko. A-anong sinasabi ko?
Gulat at takot akong napatingin sa unahan ko na ngayon naman ay nakatitig lang din sakin ang dalawa ni chef Austin at chef Akio. Ganun din ang dalawa pa nilang kasama.
"Ah. I mean. Gusto ko 'to. Ang sarap ng spaghetti. Hindi s'ya tulad ng spaghetti na nakakain ko pero masarap s'ya." Taranta ko'ng komento habang nakatingin naman sa plato. Platong ubos na ang laman. Hindi nga maitatanggi na nasarapan ako sa pagkain.
"It's Cacio e Pepe. Hindi spaghetti." Paglilinaw sakin ni chef Austin na ikinatawa naman ng katabi. Mas lalo akong nahiya! Baka narinig 'yon sa live nila! Nakakahiya!
Hindi na naman ako nagtanong pa dahil baka kung ano pang masabi ko. Lalo na't hindi ko alam kung pano bigkasin 'yung pagkain. Ang arte ng dapat na accent. Cacio e Pepe? e Pep— never mind.
"Salamat sa cooperation sir Kyle. Ang laking tulong ng pagpayag mo para sa live streaming natin na 'to. Pasensya na at biglaan." Yumuko si Barney sakin ng magpasalamat. Nakakailang dahil kumain lang naman ako ng libre at sinagot ang mga simple at madadali nilang tanong.
"Just call me by my name. Wag mo ng dagdagan ng sir. Nakakahiya mas matanda ka pa naman sa'kin." Nakangiti ko'ng sabi na ikinatuwa ni Kenj. Napatingin ako dito at tinaasan ng kilay. Hindi makuha kung ano 'yung nakakatuwa.
"Grabe ka sa'kin. H'wag mo na lang sabihin sa mataong lugar yan ha. Baka mapahiya ako." Birong sabi nito habang nakahawak sa kanyang dibdib. Akala mo'y nasaktan ko.
"Sabihin ang alin?" Pagtataka ko'ng tanong na hindi naman na n'ya sinagot.
"Huwag na. Mas okay ng nakalimutan mo baka kasi ulitin mo pa." Sagot n'ya na para ba'ng ikinapanalo n'ya dahil sa tuwa.
"Yung pagiging matanda." Bulong sakin ni Kenj na ikinatawa naman n'ya. Sinamaan s'ya ng tingin ng kaibigan ng makita ang pagbulong n'ya sakin. Mukhang alam n'ya kung ano 'yung sinabi ni chef Kenj.
"Thank you sa araw na 'to chef Austin, chef Akio, chef Kenj at chef Barney." Pormal ko'ng pasasalamat bago ako tuluyang magbukas ng pinto palabas.
"Kenj na lang! Taga hugas lang naman ako dito!" Sigaw nito sakin.
"Barney na lang din! Hindi rin naman ako marunong mag luto! Clown lang ako dito!" Pagbibiro ring sagot ni Barney sakin na ikinatuwa ko naman bago makauwi. Sana maging kaibigan ko silang tatlo soon.
"Pwede rin namang maging magkaibigan kaming dalawa ni chef Austin. Kung ayun ang gusto n'ya." Bulong ko sa sarili bago ko tuluyang ipinikit ang aking mga mata.
Maaga nanaman akong nagising kinaumagahan. Hindi dahil sa ingay na ginagawa ng mga babae kapag dumadating na 'yung apat, kundi dahil maghahanap na ko ng trabaho para may mapangbili ako ng mga pagkain ko. Baka mamatay ako sa gutom nito!
Dali-dali akong naglinis ng katawan at nag ayos ng simple pero may dating na damit para sa paghahanap ng trabaho. Mas maaga mas madaming chance na makakuha ng trabaho.
Nang makalabas na ako ay agad akong naglakad para maghanap ng mga sign ng trabaho.
Una kong pinasukan ang isang malaking department store. Nagtanong ako dito ng mapansin ang nakapaskil sa salaming pintuan nila. Naghahanap sila ng makakatulong.
"Sorry hijo. Hindi na bakante yan 'e. May nakuha na kami kahapon nakalimutan lang sigurong tanggalin. Pasensiya na." Sambit ng matandang babaeng nakausap ko sa loob.
Paulit-ulit at iisa ang mga sinasabi nila sakin. Para ba'ng ayaw akong pagtrabahuhin ng tadhana!
"Sorry. May experience ang hanap namin. Pasensiya kana."
"Okay lang po. Thank you po." Magalang ko'ng sagot bago ako lumabas ng store, suot-suot ang lugmok na reaksyon ng mukha ko.
Nakayuko akong naglalakad pabalik na sa apartment habang sinisipa ang maliliit na batong nadaanan ko hanggang sa may mahintuan akong isang taong nakatayo ngayon sa harapan ko.
Tinaas ko ang tingin ko para makita ang isang lalaking nakatitig sa'kin habang nakapaskil sa mukha ang para ba'ng pinaka masayang reaksyon nito.
"C-chef Akio."
Napalingon ito sa isang brown envelope na nakaipit sa kili-kili ko. Tinaasan naman n'ya ako ng kilay ng bumalik ang tingin n'ya sa'kin. Para ba'ng nagtatanong na ngayon.
"Naghahanap ka ng trabaho?" Pagtatakang tanong nito. Tinanguhan ko lang ito at biglang nalungkot ng bumalik sa alaala ko ang mga naging sagot sa akin ng mga binalak ko'ng pagtrabahuhan.
"Bakit hindi mo sinabi? May bakante pa sa itaas! Halika dali tingnan natin kung anong makakaya mo." Anunsyo nito na ikinabago naman ng reaksyon ko.
Dali-dali kaming pumunta sa rooftop ng building at doon ay naabutan namin ang maraming taong nagkakainan. May trabaho pala sila ngayon. Akala ko wala silang trabaho.
"Austin! May sasabihin ako bilisan mo!" Pagtawag ni chef Akio dito. Agad naman s'yang lumingon at mabilis na umiwas ng tingin ng bumaling sa direksyon ko ang paningin n'ya.
"Anong problema no'n?" Pabulong kong tanong sa sarili. Iniiwasang may ibang makarinig.
"Ganun lang talaga 'yon. Minsan mabait, minsan namin aakalain mong pinagsakluban s'ya ng langit at lupa. Masasanay ka din." Bungad na sabi sakin ni Barney ng dumaan ito sa tapat namin ni chef Akio at narinig ang bulong ko. Gano'n ba kalakas 'yon?
Napalingon tuloy akong bigla sa katabi ko at napatitig habang nakataas ang kilay. Tila mo'y nagtatanong.
"Magkukunwari na lang akong walang narinig." Biro nyang sabi. Mas mabuti nga 'yon dahil baka maidaldal n'ya pa 'yon kay chef Austin. Kahit na si Barney talaga ang madaldal sa kanilang dalawa.
Hays! Sana mawalan s'ya ng boses kahit ngayong araw lang. Hangang sa makalimutan n'ya ang sinabi ko.
"Ano'ng meron? Bakit mo ko pinatawag?" Walang emosyong tanong ni chef Austin ng hindi ko mapansing nakalapit na pala ito samin.
Napatuon ang atensyon ko sa kanya na agad ko rin namang binawi ng bigla s'yang tumingin sa'kin. Nakataas ang isang kilay. Nakakatakot!
Nang makita ko ang reaksyon n'yang 'yon. Parang gusto ko ng bawiin 'yung sinabi ko'ng kahit maging kaibigan n'ya ayos na sakin.
"Nakahanap na kasi ako ng panibagong pwedeng magtrabaho sa atin." Diretsong sabi nito. Para ba'ng seryosong maipasok ako sa restaurant nila.
Nakita ko ang pagbabago ng mukha ng kausap ni chef Akio. Mula sa pagtataka hanggang sa pagkagulat hanggang sa umabot na sa reaksyong hindi ko na mabangit kung ano. Ang hirap mabasa!
"Hindi pupwede!"
————————
<3
BINABASA MO ANG
Taste of Italya [BL series #01]
RomanceBoylove series #01 TASTE OF ITALYA is a BL series about a love story in a restaurant. Naging madalas na customer ang bida sa isang sikat na rooftop restaurant, na pinamamahalaan ng sikat at guwapong chef at ng kanyang mga kaibigan. Bagama't nabubuo...