"Dito na lang po manong."
Hindi ako pamilyar sa lugar na'to. Bago lang 'to sa paningin ko at ito ang gusto ko. Mga bagay na ngayon ko pa lamang nakikita. Mga lugar na ngayon ko pa lamang napupuntahan. Ito ang isa sa mga pangarap ko.
Ako si Lance Kyle Chesso. Lance for short. Hindi ko alam kung anong naisipan ng magulang ko at bakit pinangalanan ako nito. May Lance na may Kyle pa. Tapos ang bantot pa ng last name. Chesso?! Nahiya pa sila't hindi na lang ginawang keso.
"Salamat manong. Ingat sa biyahe!" Bati ko sa taxi driver bago ako tuluyang bumaba kasama ng isang pulang bagaheng dala-dala ko.
Ito ang unang beses ko'ng maglipat mag-isa. Mabahay ang lugar at makulay. Maaliwalas ang paligid. Masarap at malinis ang simoy ng hangin at marami ding mga taong nasa paligid.
Hindi ko alam kung minsan lang sila makakita ng dayo, dahil ramdam kong halos lahat ng nadadaanan ko ay nakatingin sa direksyon ko. Siguro nga minsan lang.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang mataas na daanan. Sarap ipatumba ng gumawa nito. Sobrang pahirap sa mga tao.
Agad kong nilapitan ang isang matandang babae na nag aayos ng sinampay sa gilid ng kanyang bahay at doon ay nagtanong.
"Uh. Nay. Pwede po bang magtanong? Saan po ang bahay na'to?" Sabay pakita ko ng cellphone ko kung saan nakalagay ang address na pupuntahan ko.
"Ayan ba? Doon lang yan utoy. Diretsuhin mo lang itong daanan na 'to at makikita mo ang kulay asul na apartment. Ayun na 'yon." Pagturo nito sakin ng direksyon.
"Salamat po nay."
Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad hanggang sa may madaanan akong isang tindahan ng palamig.
Mataas pa rin ang kalsada kaya't inilagay ko muna ang aking bagahe sa isang tabi para hindi ito gumulong.
"Mag kano ho sa palamig?" Pagtatanong ko habang nakaturo ang daliri sa isang nagpapawis na galon kung saan nakalagay ang kung anong likido.
Mabilis na sumagot sa tanong ko ang tinderang mas bata kesa sakin at binigyan ako ng isang baso.
"Habulin mo ko toto! Ikaw taya!" Sigawan ng mga batang masasayang naglalaro ng habulan sa kalsada.
Mabilis akong umiwas sa mga ito ng magtakbuhan ito sa direksyon ko. Tagumpay naman akong napaiwas at hindi naitapon ang hawak-hawak kong inumin.
"Kuya! Yung bagahe n'yo po gumugulong!"
Huling sigaw na narinig ko bago ako tarantang nagtatakbo pababa ng kalsada at umaasang maaabutan ang bagahe ko'ng pula na ngayo'y rumaragasa sa pagbaba.
"Yung bag ko! Pakikuha nung bag!" Sigaw ko habang patuloy na nagtatatakbo.
Hindi ko na mapigilan ang mga paa ko. Para bang may mga gulong ito na nagpapatuloy sa pagbaba ko.
Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa mawalan na ko ng balanse sa katawan ko. Hindi ko na alam ang nangyari natapos iyon. Ang alam ko na lang ay napapikit ako sa takot ng bigla akong makaramdam ng kung anong pagpulupot sa katawan ko. Naging dahilan ng hindi ko pagtumba.
"Sorry sir. Sorry po. Sorry po talaga." Sunod-sunod kong paghingi ng paumanhin. Hindi ako mapakali dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa pagliligtas n'ya sakin.
Nakangiti lang naman s'ya na para ba'ng masaya habang may hawak-hawak na pulang bagahe.
"Yung bagahe ko!" Sigaw ko ng maalala ang kaninang gumugulong na dala ko.
"I think sa'yo 'to." Napatigil ako sa pagkapraning ng ilahad n'ya sakin ang bagahe ko.
"S-salamat. Gusto mo ba ng kung ano? May gusto ka bang bilhin? Sabihin mo lang ako ng bahala. Para naman. Para naman makabawi sa natulong mo." Hindi malaman ang gagawin at nakayuko kong sabi. Narinig ko pa ang paghagikgik nito kaya't agad akong napatingin sa kanya na ngayo'y nakangit na lang. Shit! Para na akong kukunin ni San Pedro!
"Hindi na kailangan. Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" Pag-aalalang nitong tanong sakin habang nililibot ng kanyang mga mata ang katawan ko. Hinahanap kung may dumudugo.
"Ayos lang ako. Thank you ulit ha. Uhm... Una na ko." Sabay turo ko sa direksyong kaninang pinanggalingan ko.
Maghahanda na sana ako para sa unang paghakbang sa kalsada ng bigla ulit itong magsalita.
"Saan ba punta mo? Mukhang bago ka lang dito. Ihatid na kita para di ka na maligaw." Pag-aalok nito sakin. Napatango na lang ako sa alok nito. Hindi alam kung bakit.
Nagpatuloy na kaming dalawa sa paglalakad hanggang sa marating na nga namin ang mataas na apartment na tinutukoy ng matandang babae kanina.
Tulad nga ng pagkakapaliwanag. Kulay asul ito at maraming kwarto. May rooftop rin ito na para ba'ng may kung anong kaganapan sa loob.
"Salamat ulit ha." Ulit kong pasasalamat ng huminto na kaming pareho.
"Para saan? Kanina ka pa salamat ng salamat sakin. Hindi ka ba nagsasawa?"
Mas lalo akong napahiya dahil sa sinabi n'ya. Sobra na ba ang pasasalamat ko? Dapat ko bang bawiin?
"Biro lang. Halika na pumasok na tayo." Pag-aanyaya nito sakin. Wait. Tayo? Pumasok na tayo? Bakit sasama pa s'ya?
"Ha? Hindi na! Thank you. Ayos na ko dito. Hindi mo na ko kailangang ihatid pa! Ayos lang ako promise!" Nahihiya ko ng pag tanggi sa lalaki. Baka mamaya sindikato pala itong nasamahan ko.
Tinawanan lang ako nito at nagpatuloy lang sa paglalakad papasok ng apartment. Hindi inintindi ang mga sinabi ko. Kaya't sumunod na lang ako sa kanya sa pagpasok ng may isang babaeng sumalubong sa amin.
"Oh! Austin! Ang aga mo naman ata? Wala pa sila sa taas. Kakagaling ko lang doon." Masayang bati sa kanya ng babae, para ba'ng doon din ito nakatira. I mean si.. Austin?
"Oh... Ikaw ba yung bagong lilipat?" Biglang tanong nito na ikinabalik naman sa katauhan ko. Para kong timang na kung ano-anong iniisip.
"O-Opo. Ako po. Lance nga po pala." Pagpapakilala ko sa babae. Mukhang s'ya ata ang caretaker ng apartment na'to. Or s'ya ang owner? Never mind. Hindi ko na lang itatanong dahil baka madagdagan pa ang kahihiyan ko sa araw na 'to.
"Saktong sakto. Austin. Ituro mo sa kanya yung dati mong kwarto. S'ya na pala 'yung tinutukoy ko sayong bagong lilipat. Ang pogi pala."
'd-dati n'yang kwarto?!'
————————
<3

BINABASA MO ANG
Taste of Italya [BL series #01]
RomanceBoylove series #01 TASTE OF ITALYA is a BL series about a love story in a restaurant. Naging madalas na customer ang bida sa isang sikat na rooftop restaurant, na pinamamahalaan ng sikat at guwapong chef at ng kanyang mga kaibigan. Bagama't nabubuo...