Journey With You
Chapter 20: Malfunction"Bumalik na ba si Sven sa trabaho?" Tanong ko kay Noreen habang kumakain kami.
Umiling siya. "Baka next week pa 'yun bumalik. Busy siya sa anniversary ng resort bukas tapos may mga renovations siyang i-ooversee for the next few days."
Bukas na? It means it's his birthday as well, right...?
"Hindi ka ba pupunta do'n?" Tanong ko.
"Sa Subic? Hindi. Sobrang busy ko sa opisina eh."
"Pero invited ka?"
"Hmm, sinabihan naman ako ni Sir na pwede akong pumunta..." Ahhh, buti ka pa. "...kung hindi ako busy kaso alam niya rin naman na sobrang dami kong ginagawa sa office of the CFO ngayon."
"Doon ka muna ba habang wala si Sven? I mean si Sir?"
"Ayan! Napaghahalataan na!" Tukso niya. "Inaasikaso ko parehas. CFO and CEO. Kaya balik ka na, Hani."
Babalik pa nga ba ako? I'm not even a legitimate employee of Atlas. Sven only kept me at bay because of his deal with the Chairman.
"Hindi ko pa alam eh," sagot ko nalang. Nagpatuloy kami sa pag kain hanggang sa hindi ko na kayang lumunok pa ng karne.
"Sobrang busog ko na," sabi ko kay Noreen. "Tara na ba?"
"Oo, medyo inantok din ako sa sobrang busog." She giggled.
"Thank you sa pagsama, ah."
"Wala 'yun, noh! Sa uulitin!" Ngumiti siya ng malapad.
"Sure. Ba-bye!" I waved at her before we parted ways.
Pag-uwi ko sa apartment, tuluyan nang sumalakay ang lungkot sa akin. The place feels so dull, so lonely, so painfully quiet.
Iwanan ka ba naman ng nanay mo mag-isa. Kung dati ay hindi ako matatakutin, ngayong mag-isa ako ay kung ano ano ang naiisip ko. Tulad nalang ng, paano kung may masamang loob na pumasok dito? Paano kung may multo? My thoughts are getting weirder and weirder by the minute.
Alam kong galit si Mama pero ang sakit isipin na nagawa niya akong iwanan. Ma-pride pa man din yun. Hindi iyon basta basta uuwi dito kahit na lumamig na ang ulo niya. Somehow, I inherited that trait from her but I'm trying my best to be aware when I'm acting like that so I can apprehend myself.
I went to bed and it must be the alcohol because despite the growing loneliness inside of me, I was still able to fall asleep.
Nagising ako kinabukasan sa isang tawag mula kay Tita Cel. Naniningkit pa ang mata ko sa antok nang sinagot ko ito.
"Hello po?" Bungad ko. Ang sakit ng ulo ko.
"Hello, Hani? Nasa trabaho ka ba?"
"Hindi po, Tita. Bakit?"
"Nandito ang Mama mo sa bahay. Kagabi pa, pero hindi na ako nakatawag sayo kasi wala akong load. Ngayon lang ako nagmadaling magpaload dahil may sumugod na lalake rine. Ang sabi eh na-iscam daw siya ni Pinky at ang Mama mo na naman ang pinagbabayad!"
"Po?!" Napadilat ako ng lubos. "Siraulo ba 'yan?! Nasaan na ho at kakausapin ko!"
The sudden rise of temper made my head spin. Hangover plus bad news? Never a good combination.
"Kakaalis lang niya. Babalik daw siya sa susunod na linggo para kuhanin ang bayad ng Mama mo. Ayaw nga ipasabi ni Lani ito sayo pero kailangan mong malaman kaya napatawag ako."
BINABASA MO ANG
Journey With You (Completed)
Aktuelle LiteraturDesperation. It's like the string that pulls humans into a death spiral. But when we realize the consequences of our decisions, it's often too late to go back.